What's new

Trivia Ang linaw sa bible, bakit may mga sumasamba pa din sa diyos-diyosan.

Status
Not open for further replies.
at tsaka ito pa, ma triggered na ang ma triggered, Kung Si Kristo ay Diyos, sino yung AMA na kanyang tinatawag?

Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lukas 23:34)
Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu” (Lukas 23:46).

Remember! iisa lang ang TUNAY na DIYOS, iyon ay walang-iba kundi ang AMA (Makapangyarihan sa Lagt, ang lumikha ng LANGIT at LUPA)

if Diyos si Cristo, Magkakaroon ng CONTRADICTION sa Biblia, which is yun ay HINDI PWEDE DAPAT!! :)

ito PA

Juan 8:40
"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham."
Walang kontradiksyon ang Bibliya paps ang maling unawa lang ng tao kaya nagkakaroon ng kontradiksyon....Maraming verses na nagpapatunay sa pagiging Diyos ni Cristo at may talaga din sa Bible na nagkatawang tao
 
Jesus is God. Nagkatawang tao lang Siya. Nagpapakababa para sa atin. At bakit pa ako ang kailangang maghanap? why don't you? Hindi mo ba kayang magbasa? o Hindi mo kasi iintindihin. And maraming proof about sa Kanya sa pagiging Diyos Niya. Basa ka sa book of John sa New testament:) i screen shot mo.

If jesus is god, bakit nag cocomunicate pa sila ni God, diba si God ang ama at si jesus ang anak.
 
eh kanino nananalangin si cristo?kung sya ang diyos????hays
yun nga ang di nila maunawaan, una sana kung siya din ang diyos ama. bakit pa siya mananalangin sa ama na iligtas ng siya sa kapahamakan nung ipako siya sa krus. diba di nalang niya niligtas ang sarili niya.
 
yun nga ang di nila maunawaan, una sana kung siya din ang diyos ama. bakit pa siya mananalangin sa ama na iligtas ng siya sa kapahamakan nung ipako siya sa krus. diba di nalang niya niligtas ang sarili niya.
Nagkatawang tao kasi siya brad, at sa mga oras na iyon ay sinusunod niya ang kalooban ng Ama, hindi naman maaring pangunahan ni Cristo ang Ama kasi nga sinugo siya
 
Nagkatawang tao kasi siya brad, at sa mga oras na iyon ay sinusunod niya ang kalooban ng Ama, hindi naman maaring pangunahan ni Cristo ang Ama kasi nga sinugo siya
ok ipagpalagay na natin siya ang diyos na nagkatawang tao, eto ngayon ang tanong ko sinu ang kausap niya nung nanagalangin siya, diyos din ba? so bale dalawa ang diyos di naman pwede siya din yung kausap niya. eto yung mga huling panalangin ni jesus bago siya mamatay sa krus

“At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:33-34)

eto ang mangyayari kapag siya din ang diyos na dinalanginan niya " At sinabi ni Jesus, Ama(Ako din) patawarin ko sila, sapagkat hi di nila nalalaman ang kanilang ginagawa"
eto pa...

“Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam. At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:45-46).

so eto ang mangyayari "Ako, Ako bakit ko pinabayaan ang sarili ko?"

kontradiksyon sa mga sinasabi ninyo siya din ang diyos na nagkatawang tao lamang.
 
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.


Isaiah 9:6
 
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.
At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:


Hebrews 1:8-10
 
Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.


Acts 2:36
 
Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:


Philippians 2:6-7
 
Meron kasi tayong tinatawag na trinidad
Ama anak at espirito iisang Diyos sa tatlong persona parang sa tubig meron tayong
Solid = ice
Liquid = water
Watervapour = gas

Gets ??
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top