para malinawan kayu sa diyos ama at diyos anak ito "I and my Father are one” (Jhn 10:30)
Kung babasahin po natin ang bandang itaas ng talata..
JUAN 10:27-30 ay maliwanag po na ipinaliliwanag ng Panginoong Jesucristo kung saan sila Nagkaka ISA..
Mabuti pa po ay ilagay ko ang talata dito para mabasa at higit na maunawaan
Juan 10:27 “Dinirinig ng
aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:”
Juan 10:28 “At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at
hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”
Juan 10:29 “Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat;
at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.”
tska po sinabi ng Panginoong Jesucristo na
Juan 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.”
Ayan po. napakalinaw po kung ano ang nais na iparating ng Panginoong Jesucristo, na iisa sila ng Ama ng pamamaraan sa pangangalaga ng mga tupa:
Parehong hindi maaagaw ninoman ang mga tupa sa kanilang kamay.
Ayan lamang po iyan kaibigan. At kung ipipilit po na iisa sila as SINGLE ENTITY, mababali po ngayon ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo sa JUAN 14:28 na ang Ama ay lalong dakila kaysa kanya!?...
Mabuti po ilagay narin natin ang talata para lubos na maintindihan..
Juan 14:28 “Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama:
sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.”
kung babaliin po natin yang pahayag mismo ng Panginoong Jesucristo... lalabas, ang Panginoong Jesucristo ay sinungaling!?
At kung ipipilit parin talaga na ang Panginoong Jesucristo ay siya ring Diyos o Ama, magiging sinungaling nanaman ang Panginoong Jesucristo sa pahayag nya sa MATEO 16:15-17..
Ganito ang pagpapahayag ng Panginoong Jesucristo sa kanyang sarili....
Mat 16:15-17 “Kaniyang sinabi sa kanila,
Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi,
Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi,
Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.
Ayan maliwanag po ang pahayag..
Maliwanag na sinabi ng Panginoong Jesucristo na
mapalad ang
kumikilala sa kaniya
bilang Anak ng Diyos sapagkat ito ay sinabi ng Ama na nasa langit.
atsaka Kailan man po ay hindi ipinakilala ni Cristo na siya po ang Ama.