What's new

@GOD JESUS ACCEPT GOD JESUS AS YOUR PERSONAL SAVIOR AMEN

Grangermiya

Forum Expert
Established
Joined
May 31, 2022
Posts
1,329
Reaction
547
Points
2,410
Genesis 18:26 And the LORD said, If I find in Sodom fifty righteous within the city, then I will spare all the place for their sakes. At sinabi ng Panginoon, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila.


Kaya kung gusto mo maligtas at makasama ang DIYOS AMA at si JESUS na ating Savior Tagapagligtas po nating lahat manalangin ka at basahin mo ang Dasal ng Pag Tanggap sa PANGINOONG HESUS At Sa DIYOS AMA na ating Savior Tagapgligtas po nating lahat AMEN

PRAYER OF ACCEPTANCE

Panginoong Diyos, aming Amang makapangyarihan sa lahat, sa Pangalan ng Inyong Anak na si Hesus, ako ay nagsusuko na ng buhay sa Inyo. Inaamin ko na ako ay makasalanan at patawarin Niyo po ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan sa isip, sa salita at gawa.

Ako po ay nananampalataya Panginoong Hesus na Ikaw ay namatay sa Krus upang bayaran ang aking mga kasalanan, at muling binuhay ng Diyos para pagkalooban ako ng buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus binubuksan ko po ang aking puso at tinatanggap Kita ngayon Hesus bilang aking Panginoon at sarili kong Tagapagligtas. Banal na Espiritu ng Diyos, inaanyayahan Kita na pumasok sa aking puso, Kayo na po ang manahan at maghari sa buhay ko mula ngayon at magpakailanman.

Ituro Niyo po sa akin ang Iyong kalooban at simula po ngayon Ikaw na po ang aking susundin, at isulat Mo po ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay jan sa langit. Maraming salamat po O Diyos sa Inyong kapatawaran, sa Pangalan Mo Hesus, Amen!
 

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 72
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
kevinroy

Online statistics

Members online
466
Guests online
6,259
Total visitors
6,725
Back
Top