Paano mo malalaman ang tamang paraan ng pagsamba sa Diyos? Hindi mo nakailangang pag-aralan at paghambi-hambingin ang mga turo ng lahat ng relihiyon. Ang kailangan mo lamang alamin ay kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa tunay napagsamba. Bilang paglalarawan: Sa maraming lupain, problema ang pekeng salapi. Kung ibinigay sa iyo ang trabaho na kilalanin ang gayong pekeng salapi, paano mo gagawin ito? Sa pamamagitan ba ng pagsasaulo sa hitsura ng bawat uri ng pekeng salapi? Hindi. Mas mabuti pang gugulin mo ang iyong panahon para pag-aralan ang tunay na salapi. Kapag alam mo nakung ano ang hitsura ng tunay na salapi, makikilala mo na kung ano ang peke. Sa katulad naparaan, kapag natutuhan natin kung paano makikilala ang tunay na relihiyon, malalaman nanatin kung anong mga relihiyon ang huwad.
Ayon kay Jesus, ano ang dapat nating gawin kung nais nating matamo ang pagsang-ayon ng Diyos?
Mahalaga na sambahin natin ang Diyos sa paraang sinasang-ayunan niya. Naniniwala ang maraming tao na lahat ng relihiyon ay kalugud-lugod sa Diyos, ngunit hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya. Ni hindi nga sapat ang basta sabihin ng isang tao na siya ay isang Kristiyano. Sinabi ni Jesus: “Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang isa na gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Kung gayon, para matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, kailangan nating matutuhan kung ano ang hinihiling ng Diyos sa atin at gawin ito. Tinawag ni Jesus ang mga hindi gumagawa ng kalooban ng Diyos na “mga manggagawa ng katampalasanan.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Tulad ng pekeng salapi, wala talagang halaga ang huwad na relihiyon. Masaklap pa nito, totoong nakapipinsala ang gayong relihiyon.
Ano ang kahulugan ng mga salita ni Jesus hinggil sa dalawang daan, at saan umaakay ang bawat isa sa mga daang ito?
Binibigyan ng Diyos ng pagkakataon ang lahat ng nasa lupa na magtamo ng buhay nawalang hanggan. Ngunit upang mabuhay magpakailanman sa Paraiso, kailangan nating sambahin ang Diyos sa wastong paraan at mamuhay ngayon sa paraang kaayaaya sa kaniya. Nakalulungkot, marami ang tumatangging gawin ito. Iyan ang dahilan kung kaya sinabi ni Jesus: “Pumasok kayo sa makipot na pintuang-daan; sapagkat malapad at maluwang ang daan na umaakay patungo sa pagkapuksa, at marami ang mga pumapasok dito; samantalang makipot ang pintuang-daan at masikip ang daan na umaakay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga nakasusumpong nito.” (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Ang tunay na relihiyon ay umaakay sa buhay na walang hanggan. Ang huwad na relihiyon ay umaakay sa pagkapuksa. Ayaw ng Diyos na mapuksa ang sinumang tao, at iyan ang dahilan kung bakit binibigyan niya ang mga tao sa lahat ng dako ng pagkakataong matuto tungkol sa kaniya. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Kung gayon, ang paraan ng ating pagsamba sa Diyos ay nangangahulugan ng ating buhay o kamatayan.