- Joined
- Aug 24, 2020
- Posts
- 833
- Reaction
- 206
- Points
- 290
Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko gusto ko lang po maglabas ng nararamdaman ko. May munting tahanan kami ng partner ko. Ngayon nakiusap yung lola ko na umuwi ako para magbantay ng tindahan ni mama(wala din naman akong work) wc i did kahit di kami as in okay. 4am-8pm ako nagbabantay mjnsan hanggang 10, ako din nagluluto at naghuhugas ng pinagkainan, ako na din namamalengke ng pang tindahan, Wala po akong sweldo dun. Pakunswelo nalang yung kinakain ko at meryenda ko. Ngayon, may nasasabi si mama, kumukuha daw ako nang hindi nagbabayad na diko nalang pinansin. Tapos nung bday ko, may hangover siya ng umaga, sabi niya di daw makahinga pero nagagawang magalit samin ng pasigaw, bday na bday ko 5:30 in the morning nasabihan ako ng put*******na mo bw***t ka wc is nakakasama ng loob kasi nga bday ko pa yun . Tapos kahapon kahapon namalengke kami kaso short sa budget kaya humingi si papa ng nasa 200 pambili ng softdrinks, tapos bigla ng uminit ulo niya. Kesyo isara na daw yung tindahan, wag na daw mag-aral kapatid ko kasi di din naman daw magwowork gaya ko. Kaya i decided na umuwi nalang ulit sa munting tahanan namin kasi baka masabi niya na naman yung sinasabi niya saakin dati na palamunin daw ako kahit na working student na ako e magkano lang nasasahod ko dahil lang sa di ako nakakatulong sa gawaing bahay nun, yun lagi niyang sinasabi (at mamatay na daw ako) atleast sa bahay free pa kaming makagalaw di gaya dito na may limitasyon lahat ng gagawin mo at buti dun nakakapahinga kami kahit papaano, di gaya dito na kahit bigyan lang naman sana kami kahit 1day na magpahinga kaso para siyang napapaso na magbantay ng tindahan. Pag uuwi kami sa bahay namin, makikipag unahan siyang umalis, kesyo may lakad daw siya ganto ganyan, e gets na namin na ayaw niyang ipasara yung tindahan. Haaay buhay, nakakapagod