Iamnobody18

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 24, 2020
Posts
831
Reaction
206
Points
289
Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko 😔gusto ko lang po maglabas ng nararamdaman ko. May munting tahanan kami ng partner ko. Ngayon nakiusap yung lola ko na umuwi ako para magbantay ng tindahan ni mama(wala din naman akong work) wc i did kahit di kami as in okay. 4am-8pm ako nagbabantay mjnsan hanggang 10, ako din nagluluto at naghuhugas ng pinagkainan, ako na din namamalengke ng pang tindahan, Wala po akong sweldo dun. Pakunswelo nalang yung kinakain ko at meryenda ko. Ngayon, may nasasabi si mama, kumukuha daw ako nang hindi nagbabayad na diko nalang pinansin. Tapos nung bday ko, may hangover siya ng umaga, sabi niya di daw makahinga pero nagagawang magalit samin ng pasigaw, bday na bday ko 5:30 in the morning nasabihan ako ng put*******na mo bw***t ka wc is nakakasama ng loob kasi nga bday ko pa yun 🥲. Tapos kahapon kahapon namalengke kami kaso short sa budget kaya humingi si papa ng nasa 200 pambili ng softdrinks, tapos bigla ng uminit ulo niya. Kesyo isara na daw yung tindahan, wag na daw mag-aral kapatid ko kasi di din naman daw magwowork gaya ko. Kaya i decided na umuwi nalang ulit sa munting tahanan namin kasi baka masabi niya na naman yung sinasabi niya saakin dati na palamunin daw ako kahit na working student na ako e magkano lang nasasahod ko dahil lang sa di ako nakakatulong sa gawaing bahay nun, yun lagi niyang sinasabi (at mamatay na daw ako) atleast sa bahay free pa kaming makagalaw di gaya dito na may limitasyon lahat ng gagawin mo at buti dun nakakapahinga kami kahit papaano, di gaya dito na kahit bigyan lang naman sana kami kahit 1day na magpahinga kaso para siyang napapaso na magbantay ng tindahan. Pag uuwi kami sa bahay namin, makikipag unahan siyang umalis, kesyo may lakad daw siya ganto ganyan, e gets na namin na ayaw niyang ipasara yung tindahan. Haaay buhay, nakakapagod 😔
 
Mas ok talaga ang nakabukod. Palagay ko attention yata need ng mother mo TS need niya ng makikinig sakanya sa hinaharap niyang problema. pwede mo naman kausapin ng malumanay at bigyan mo ng assurance na gumagawa ka ng mga hakbang sa mga plano mo sa buhay.
 
Just cut them off. Kung nasa legal age ka naman na at kaya mo nang maging independent, cut them off from your life. You do not need toxic family members. Hindi ka makakausad sa buhay kapag hinohold back ka ng toxic family members mo. It's better to cut them off this early to give you your peace of mind. Pag lumala kasi pagiging toxic nila, it may cause you your mental health.
 
May PCOS ba mama mo? Usually yun mga ganyan laging mainit ang ulo may hormonal problem. Pwede din sa thyroid. Kung may extra ka bilhan mo siya ng B-complex. Kakalma yan pag umiinom nun
 
May PCOS ba mama mo? Usually yun mga ganyan laging mainit ang ulo may hormonal problem. Pwede din sa thyroid. Kung may extra ka bilhan mo siya ng B-complex. Kakalma yan pag umiinom nun
Wala naman po siyang pcos. Lagi nga po siya nagpapacheck up

Ilocano ka po?
 
Last edited:
Just cut them off. Kung nasa legal age ka naman na at kaya mo nang maging independent, cut them off from your life. You do not need toxic family members. Hindi ka makakausad sa buhay kapag hinohold back ka ng toxic family members mo. It's better to cut them off this early to give you your peace of mind. Pag lumala kasi pagiging toxic nila, it may cause you your mental health.
Matagal na pong di healthy ang mental health ko. Gusto ko lang din po kasing bumawi sa mga ginawa nilang magaganda din sakin, sa pagpapalaki ganun. Kaso yung nga po laging nadadale mental health ko

Mas ok talaga ang nakabukod. Palagay ko attention yata need ng mother mo TS need niya ng makikinig sakanya sa hinaharap niyang problema. pwede mo naman kausapin ng malumanay at bigyan mo ng assurance na gumagawa ka ng mga hakbang sa mga plano mo sa buhay.
Hindi ko nga po alam kung san ako papunta. Kung sa makikinig naman po, lagi kaming nakikinig-puro siya daing sa buhay tapos kami ang sinisisi niya sa mga ginagawa niya like sa utang, jusko po malalaki ang linalabas niya pero di naman namin ramdam na ginagastos niya para sa pamilya kasi ultimo ulam e tinitipid pa niya, makikita mo nalang sa mga luho niya kasi materialistic siyang tao, gusto niya lagi siyang may bagong gamit kahit halos bago pa yung mga gamit niya. Yung mga ayaw niya na sakin naman napupunta.
 
Last edited:
ma advise ko lang magkaroon ka ng goal sa buhay then step by step gawin mo sya... lahat ng bagay makakamit po kung consistent ang pag ttyaga mo kahit gaano katagal.
 
ahaha kapag meron na sariling pamilya wag na wag talaga makitira, don't be such an idiot to embrace the stu̾pid filipino culture na "close family ties"
 
Kung kaya mo lumayo at bumukod, gawin mo ASAP. May mga lifetime na magiging epekto sayo at tuloy tuloy na ganyang trato na baka mahirapan ka pa makihalubilo sa ibang tao kung sakali mang magkaroon k ng opportunity sa mas maayos na career, o environment.

Pero kahit ganon, i-appreciate mo yung pinagdaanan mo dahil jan ka huhugot ng tibay moving forward sa buhay. Makakaenkwentro k ng mga taong toxic, at hindi ka maapektuhan msyado dahil sanay ka na sa ganyan. At pag nakaya mo umiwas sa sariki mong toxic na pamilya, mas lalo na sa ibang tao.
 

Similar threads

Back
Top