What's new

Kung may time machine kayo, anong taon ang gusto niyong balikan at bakit?

couchkamote

Addict
Joined
Sep 4, 2021
Posts
99
Reaction
120
Points
69
Nung long weekend umuwi ako sa bayan namin matapos ang ilang taon. Grabe parang gumamit ako ng timemachine. Halos walang binagbago yung luma naming bayan. Yung mga bahay ganun pa rin. Yung mga tindahan ganun pa rin. Yung hangin mapresko pa rin.

Naalala ko bigla yung mga 1997 siguro nang madalas pa kami bumisita sa bayan.
 
Swerte niyo boss. Sa amin, daming nagbago and medyo mainit na.

Pero kung meron man akong time machine balik ako sa time nung mga before college days ko. Pipili ako nang ibang course.
 
Year 1995 panay laro lang kami tas sumakay pa kami sa army helicopter(naka parking lang) na lumapag doon sa campo ng mga pulis , pinahawak pa kami ng m60 machine gun na walang bala , tas pede pa kami mang hingi ng gasolina ng helicopter ang saya talaga noon
 
Yung uso pa mga text card ng mga pelikula.

20s noong bata pa ko. Ang sarap maging bata walang problema walang iniisip kundi matutulog at gigising maglaro nalang. Manood ng TV ng mga anime/meteor garden/wansapanataym haha
Problema ko matulog nung bata, kasi mas gusto ko mag laro nun kaso pinapatulog na ako sa hapon. :)
Pinepeke ko minsan tulog ko, hintay ko lang ng 30 minutes, pikit pikitan tapos kunwari nakatulog na para maka laro ulit ng mag laruan. Pero minsan yung pekeng tulog tulugan ko natutuluyan din makatulog eh.
 
Last edited:
Yung uso pa mga text card ng mga pelikula.


Problema ko matulog nung bata, kasi mas gusto ko mag laro nun kaso pinapatulog na ako sa hapon. :)
Pinepeke ko minsan tulog ko, hintay ko lang ng 30 minutes, pikit pikitan tapos kunwari nakatulog na para maka laro ulit ng mag laruan. Pero minsan yung pekeng tulog tulugan ko natutuluyan din makatulog eh.
ganyan din ako e pauunahin ko matulog nanay ko tapos sisibat na ko pag tulog sya tapos minsan gigisingin ko sasabihin ko 3pm na miryenda time na para maka labas na hahaha
 
2000 lods haha 😅 puros laro problema ko lng din kung paano tatakasan nanay kong maganda uso pa teks nun dami ko dati nyan sobra inis ni ermat pinakuluan nya tas pinakain sakin 🤣
 
Mula kinder, mag aaral nalang ng mabuti at syempre itatake advantage ung mga knowledge ko ngayon like sa mga sports, acads , business 🤣
 
Gusto kong bumalik noong limang taon pa ako at buo pa ang mga alaala ko galing sa future, may marami talaga akong baguhin sa nakaraan HAHAHA. Kunwari parang bata pa ang katawan mo pero ang karanasan at kaalaman mo ay maihahambing sa matatanda na, smurfing HAHAHA
 
Last edited:
Back
Top