What's new

Help, Marites na nambubully sa baklang tulad ko

royhelp

Addict
Joined
Jun 14, 2021
Posts
230
Reaction
43
Points
104
Oo, bakla ako pero mabuti akong mamamayan at walang record ng kahit ano mang kasamaan pero etong kapitbahay naming Marites ay wala paring humpay sa pagtawag saking bakla, kahit ilang beses na naming pinakiusapan na tumigil, hindi ko naman tinatanggi, aminado naman ako at hindi ako offended na maging bakla pero ang pagkakasabi niya lagi parang bang minamaliit pagkatao ko at ginagawa niyang krimen o masama akong tao dahil ako ay isang bakla. Pinabaranggay at pinablotter na namin pero hindi pa rin tumitigil. Nahuli na siya sa video pero wala pa ring tigil. Wala naman po kaming pangkaso sa korte. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Hindi naman ako pwede umalis kasi dito talaga kami nakatira at wala ng ibang bahay.
 
Last edited:
tawagin mo ring marites. dejok. masanay ka nalang dun. may mga tao tlgang ganyan e. kung tatawagin ka niya ulit na bakla, sabihin mo, halikan kita jan e..🤣 o kaya gusto mo lang akong matikman 🤣
 
Magsimula ka muna sa sarili mo. Baka kasi nakikitaan ka nya ng mga sign na offended ka kaya lalo siyang nakakaramdam ng thrill sa pang-aasar sayo. Pag ganyan, habang pinapatulan lalo silang natutuwa.
 
Ano ba saysay nung blotter, parang warning lng ba yan? Para kasing wlang nangyayari pag blotter lng eh. Respect po sana
 
Ano po bang masama na tawagin kang bakla? Totoo naman di ba ? So dapat bago mo pa lang maramdaman yan. Ay handa kana sa dapat mong kakaharapin.. bahagi kasi yan ng mga may pusong babae.. dapat hindi na yan bago saiyo tawagin kang bakla. Dahil ang tao nasanay na mag isip ng ganyan kapag once nakakakita sila ng tulad mo...may jowa akong bakla, peru never ko siya tinatawag na bakla.. peru sa kanyang stadu ng pagiging ganyan sayo ay natural na lang dapat sayo...maybe hindi ka pa talaga ganap na pusong babae sa mata ng ibang tao.. kaya naghahanap ka pa hustisya, dahil hindi ka pa sanay sa ganung senaryo. Masanay ka na. Dahil hindi lang naman yan ang mararanasan mo. Madami pang mas matindi jan. Just be ready lagi. Imporatnte wala ka inaapakan. O nasasaktan. Enjoyin mo lang life. Kung magpapatalo ka sa emosyon at magpapadala lalo na kung papatolan mo. Wala ka mpapala.
 

Similar threads

Back
Top