Oo, bakla ako pero mabuti akong mamamayan at walang record ng kahit ano mang kasamaan pero etong kapitbahay naming Marites ay wala paring humpay sa pagtawag saking bakla, kahit ilang beses na naming pinakiusapan na tumigil, hindi ko naman tinatanggi, aminado naman ako at hindi ako offended na maging bakla pero ang pagkakasabi niya lagi parang bang minamaliit pagkatao ko at ginagawa niyang krimen o masama akong tao dahil ako ay isang bakla. Pinabaranggay at pinablotter na namin pero hindi pa rin tumitigil. Nahuli na siya sa video pero wala pa ring tigil. Wala naman po kaming pangkaso sa korte. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Hindi naman ako pwede umalis kasi dito talaga kami nakatira at wala ng ibang bahay.
Last edited: