What's new

What if bumalik sya sakin?

euri101

Leecher
Joined
Apr 5, 2024
Posts
4
Reaction
1
Points
2
Hello, first time kong itatry tong site nato. Pasensya na kayo sobrang haba pooooo.

First of all, may ex ako and 2years na kami mahigit. Nagkabalikan lang ulit kami since highschool days shiniship na kami ng classmates namin hanggang sa naging kami na nga. Mga bata pa kami non. Then nagcollege ako tas sya pinilit ko din mag aral. Nag aral sya, ahead nako sa kany ng 2years nato kase nauna kong mag aral. Nung andon na sya months lang lumipas naging cold na sya saken siguro kase busy din ako sa ojt days ko non at bihira lang din ako magchat. Pag uwi kakain, mag gogoodnight tas matutulog na. Pero malakas na talaga kutob ko non sa kanya. Baka kako may nakikilala na to sa school. Ayun nga di ako nagkamali kase 2016 december naghiwalay kami. Inantay nya nalang palang makipagbreak ako sa kanya. Then february lang may jowa na agad sya. wow. So sa isip ko napakabilis naman non. Samantalang ako nasa healing stage pa din. then nalaman ko nalang sa mga friends ko na magkaklase pala sila, shiniship silang dalawa. kami pa non. Kaya ako hirap na hirap na naman mag move on. nagkajowa naman ako after 2years pero hindi rin nagwork kase sobrang immature nung lalaki kahit sya tong matanda samin. btw 6years age gap namin non kaya iba trip ko iba din trip nya. So ayon move forward tayo. Umuwi ako sa province namin nung 2021. So etong si ex nasa iisang circle of friends lang kasi kami. So hindi malabong magkita kami. Nung unang beses na nagkita kami after years na lumipas aaminin ko mahal na mahal ko pa din yung tao na yon talaga. Sya at sya pa din hinahanap ko. At hahanapin ko. Then ayon na nga kada may yayaan ang barkada sasama ko kase gusto ko nakikita ko din sya. Siguro sya din nafefeel nya din yon. Parehad kaming single nyan. Kaya after two months ng pagbobonding naming magbabarkada nadevelop na naman kami. Pinush din talaga ng mga kaibigan namin na magkabalikan kami. At ayon na nga nagwork. Umabot naman kami ng 2years mahigit. sa loob ng two years nung una masaya effort hatid sundo mag aantayan sa labas ng mall kung sino naunang mag out para sabay uuwi sobrang okay kami sa both families namin. Hanggang sa kahit maliliit na bagay pinag aawayan na namin. Nagkakasakitan na kami ng mga salita. Physically and mentally. Feeling ko may babae sya. andami ko ng naiisip sa kanya. at ganon din sya sakin.

So eto na nga. Since two years na kami at nagkakaedad na din tinanong ko sya. By ano ba kakong balak mo? two years na tayo ganyan ganito. Wala syang sinagot. Hindi nya pa daw pwedeng pabayaan pamilya nya at hindi daw sya katulad ng mga kapatid nya na inuna mga sarili nila kase tumulong sa magulang muna. So, sabi ko hanggang kelan? hindi nya daw alam. So ako, ano ako? Gusto ko rin naman ng assurance kung hanggang kailan ako mag aantay kase bat pa natin patatagalin to kung wala syang balak diba.
after non tumabang sya saken. Literal na sobrang cold nya na naman. Hanggang sa hindi ko na nakayanan after a week nung sinundo nya ko non sa work. ayos na ayos sya parang may pupuntahan. alam mo yung parang makikipagdate ganon yung ayos nya tas amoy na amoy ko yung pabango. So sabi ko habang nagdadrive sya, bat ayos na ayos ka san punta mo? iinom lang daw. sabi ko saan? don daw malapit sa kanila sa mga pinsan nya. sabi ko ok, baka may babae don ha. tas di na sya sumagot. tapos ako nag aantay ako ng update nya. oras oras tinitignan ko cp ko baka nagmessage na kako kaso wala. so chat ako ng chat hanggang sa naiinis nako at kung ano ano na masasakit na salita na din nasabi ko kase wala man lang update. gustong gusto ko ng pumunta sa kanila non pero sabi ko wag. edi ayon na nga dire diretso chat ko nakadelivered na. Nagchat sya nagising, kaingay ko daw chat ako ng chat. Puro hinala na naman daw ako. eh hindi naman daw natuloy kaya natulog nalang sya tas nagsend ng picture kagigising lang. Edi sabi ko bat di ka nag update saglit lang naman kako yon. wala daw syang time. Edi sobrang inis ko nakapagbitaw ako ng salitang alam mo tigilan na natin to ayoko na pagod na pagod nako sa ganito. Tas sabi nya sige. Sakin pa daw talaga galing yung salitang pagod. Dapat daw sya nagsasabi non kase pagod na pagod na sya sa ugali ko. At tama lang daw yon kase hindi rin naman nya ko nakikitang mapapang asawa nya. Shet ang sakit non. Sobrang sakit. Kaya gumanti rin ako sa sinabi nya. Hindi rin kita nakikita na mapapang asawa ko! Sabay blocked.

Sa sobrang galit ko nablocked ko sya. tas umiyak ako ng umiyak. after 3days inunblock ko din sya. chinat ko sya tas sabi ko kamusta? kase akala ko maaayos pa yung nangyari samin. Baka nabigla lang din sya sa nasabi nya. Pero galit sya saken. Hanggang sa ako na yung naghahabol sa kanya kahit wala na kami. Pag maaga ako nag aout pupunta ko sa store nila may dala akong pagkain bibigay ko lang sa kanya tas aalis na din ako. Tas ang tawag nya nalang sakin hoy. chinachat ko pa din sya para magsorry. Inistalk ko na din fb and tiktok nya. Kase last year madalas nyang imention sakin na may nagugustuhan daw sya sa eo. De ako si ***** hinahayaan ko lang yon. Baka nagagandahan lang sya don ganon. Hanggang sa madalas nya ng sabihin sakin. So ayon nagstalk na nga ako sa tiktok ko nakita nagfollow wan silang dalawa. tas tinignan ko yung tiktok ni girl ay sya nga. naka eo na uniform eh. so sinearch ko din sa friendlist ni ex. aba friends sila. Edi tinignan ko fb nung girl since nakapublic posts sya nagheheart react natong isa. care react. papansin.
Tapos chinat ko si girl kung nagkakausap ba sila. dont worry hindi daw sila. at kung maaayos pa daw kami ayusin pa din namin. so sabi ko sige salamat.
Pag uwi ko nung gabi. May narinig akong huminto na motor sa labas. So nasa isip ko baka si ex yon. Tama nga ako sya nga. Lumabas daw ako sabi ko ayoko baka anong gawin mo saken hindi eka mag uusap lang tayo. so sabi ko sige.
ano daw ba ginawa ko bat chinat ko daw yung babae. Ah so sinabi sayo ni ate girl? hahahaha tinanong ko lang naman kako. bakit daw para saan pa. Gusto ko lang kakong malaman. Tapos galit na galit sya saken. Yung parang gusto nya kong saktan. Kasalanan mo lahat sabi nya pa sakin kilala mo ako pag nagkagusto ako sa babae gustong gusto ko talaga. *******. Harap harapan nyang sinabi sakin yon. So ano pala ko? hindi pala totoo yung relasyon namin? Ginamit nya lang ako? Bat ganon sya magsalita saken? Parang hindi naging kami ah knowing na kakabreak lang namin. Sobrang sakit. Pero ako pa din yung nagsorry sa kanya. Tas sabi ko pa wag kang mag alala. Ichachat ko ulit si girl para maging maayos kayo Sorry kung naudlot yung magiging love story nyo sana hindi ko sinasadya. Sabay talikod at pagpasok ko ng kwarto napaupo ako tas bigla nalang akong umiiyak. kase masakit yon. mahal na mahal ko yon eh. pero sa kanya wala nalang pala ako. Pero sinabi ko sa sarili ko na, habulin mo lang ng habulin hanggat di ka napapagod wag kang titigil atleast masasabi mo sa sarili mo na may ginawa ka at wala kang pagsisisihan.
So hinabol ko pa rin. 10 out ko pag sakay ko ng tricycle pinag iisapan ko kung uuwi na ba ko or didiretso sa kanila. Sabi ko kay kuya diretso pa hanggang sa andon nako sa kanto nila. Chinat ko sya. Nga 5mins na siguro ako don hindi ko ineexpect na lalabas sya. Bigla akong ngumiti pero habang papalapit sya tumutulo na luha ko. Hanggang sa umiiyak na naman ako. Sabi ko hindi ko kaya please bumalik ka na. ayusin natin to. Hindi ko talaga kaya.Nasasabi ko lang daw lahat ng yon tsaka wag daw akong mag eskandalo don sa kanila. Sa ibang lugar nalang daw kami mag usap. Kinuha nya motor nya tas sa plaza kami nag usap. sabi nya pagbaba ko ng motor hindi ko eka tinigilan pagyoyosi ko sa loob ng dalawang taon na yon. Wala kang idea no. Sabi ko paamoy nga. huminga sya amoy na amoy nga talaga.
Sinaktan nya naman ako. Nasa loob na kami sabi nya pag nagkabalikan ba tayo ano bang mangyayare? magiging maayos ba tayo sa tingin mo? Hindi ko nga kayang magsettle. At di rin kita nakikitang mapapang asawa ko. May nagugustuhan ako. Ano pa ba gusto mong marinig. Tahimik lang ako. Pinakikinggan ko lang mga sinasabi nya kahit gustong gusto ko na umiyak. pinipigilan ko. Sabi ko kain kami kase nagugutom ako past 11 na din kase non. Umorder sya tas ako nakaupo tulala literal. Sabi nya last na to pagsisilbihan kita last na kain na din natin to last na kita. Habang kumakain wala talaga kong gana. Hindi ko naubos. Sino ba namang gaganahan ganon mga narinig diba.
Nasa harap na kami ng bahay. Sabi ko wag ka muna umalis. Usap pa tayo. Ayaw mo na bang maayos to? Ayaw nya na daw. Sabi ko baket? Kase nakakausap mo na yung nasa eo ganon ba? Hanggang sa tinanong ko sya asan cp mo asa bahay daw nila. Punta kako tayo sa inyo. Tigilan ko daw umuwi na daw ako. Ayokong umalis sa motor nya. nagpupumilit akong punta tayo sa inyo sige na. patingin lang ako. pag nakita ko yon titigil naman nako eh. Bakit daw? Eh wala naman na kami, wala nakong karapatan don. Tama naman sya. pero gustong gusto ko kasing malaman talaga. Hanggang sa napagod nako kakapilit umuwi nako.
umiiyak na naman ako. Mag iisang buwan na pero hindi pa din ako okay. Nakalimutan ko ng kumain kahit nagwowork. miski tubig nakakalimutan ko na. kaya dehydrated ako. Yung tulog ko 3-4hrs lang. Sobrang laki ng pinayat ko buto buto na naman ako. Sobrang depressed ko na. Gigising iiyak uuwi iiyak. Walang araw na hindi ako umiiyak simula nung naghiwalay kami. Hindi ko alam pano ko napipilit sarili kong bumangon at pumasok pa din sa work. Okay din yon para malibang ko kako sarili ko. ok naman, kaso may time na tulala ako kaya napapagalitan ako. dapat ang mindset ko work is work, pag uwi na yang drama. kaso hindi ko pala kaya. Napansin nya din siguro yon. Naaawa din siguro sya saken. kaya isang beses pag out ko non sinundo nya ko. nabanggit ko kasi na nahihiya nako sa mga katrabaho ko kase dati paglabas ko andyan sya tas alis na. eh simula nung nagbreak kami nagtataka na din mga kawork ko bat naglalakad nalang ako tas tricycle. hinatid nya lang pala talaga ko non. Nabanggit din sakin ni ex na hindi nya naman daw iniiwan babalikan nya naman daw ako sa april. pero baka daw sabihin ko bat pinatagal ko pa. Talaga kakong kukwestyunin kita. Bat bumalik ka pa? Hindi ka ba masaya sa nakakausap mo?
Tapos sabi nya pa wag ko na daw sya batiin sa birthday nya. ayaw nya din na makita ako. so sabi ko sige.
pero ***** nga ako eh. sobrang manhid ko na. binilhan ko pa ng regalo almost 1k. nakipagkita ako sa kanya para ibigay yon. sabi ko eto advance birthday gift ko sayo kase ayaw mo naman kako na makita nako or batiin kita. Hindi sya nag thankyou man lang. So hindi nya naappreciate yung ginawa kong effort. pero sabi ko pakinggan mo din sana tong babasahin ko sayo. Naglong message ako non sa sarili ko kas pag kaharap ko kako sya hindi ko maaalala lahat yon kaya sinulat ko na. Gusto ko din makita reaksyon ng mukha nya non. Habang binabasa ko umiiyak na naman ako. sobrang proud ako sa narating nya thankful ako na pinilit ko syang mag aral tas magtrabaho. alam ko yung sipag at tiyaga nya para tulungan din yung sarili nya at ipprove kay papa na may mararating sya. Sabi ko pa andami naming plinano bahay mga anak business kaso hanggang plano nalang pala yon. Yung about sa eo girl kung magwork man sila or kung may makilala man sya pakasalan nya na. matuto kang makuntento at bigyan mo ng assurance. Masaya pa rin ako kase andami nating memories na nagawa. Masaya ko na kasama mo ko sa journey mo kung nasan ka mang position na yan. Kulang nalang talaga mag live in tayo. Sobrang mahal natin yung isat isa. pero nung huli kinwestyon ko din sarili ko kung minahal mo ba talaga ko? bat hindi mo man lang ako hinabol? bat may nakakausap ka na agad? Since november pa pala gusto mo na sya bat pinatagal pa natin ng ganito? Kaya pasensya ka na kung napapagod nakong maghabol sayo, kase naaawa na din ako sa sarili ko eh. napapabayaan ko na sarili ko. Humihiling ako kay lord na kunin nya lahat ng sakit na nararamdaman ko. na sana pag gising ko hindi nako umiiyak. masaya nako. hindi na kita maiisip. hindi ko na iisipin ano mga ginagawa mo. Na sana matupad lahat yon at maging masaya na din ako kahit wala ka. Pasensya ka na kako sa ugali ko kung introvert ako hindi marunong makisama madamot. Hindi naman ako madamot eh, pag meron ako nagbibigay ako pero syempre sarili ko muna. tinatry ko din naman makisalamuha ako nahihirapan pa din ako. mas gusto ko talagang mag isa, tahimik. pasensya ka na din kako kung nasasakal ka saken. kung hindi ka nakakasama sa mga kaibigan natin. pasensya na kung madami akong nagawang pagkakamali sayo at hindi ko naibibigay yung gusto mo. kase sabi mo nga lalaki ka may pangangailangan ka din. sorry. nabibigay ko naman sayo yon sobrang busy lang din talaga. most of the time mas gusto kong ayain kang kumain nalang. ako naman palagi nag eeffort mag aya kase hindi mo nagagawa. siguro kasi kako wala talaga syang pera. pero ayan kaya pala sa yosi nauubos. andami kong effort na ginawa pero hindi mo din pala nakikita yon. yung nakikita mo lang mga ginawa mo sakin na efforts. sabi mo pa masyado akong naging kampante na hindi mo ko iiwan ayan na nga naghiwalay na tayo. pero masaya ko sa lahat ng yon kase nakilala natin yung tunay na ugali ng isat isa. Tas hinatid nya nako.
after 5 days...... nagparamdam na sya saken. Nagchat sya sa viber. so ineexpect ko siguro kelangan neto ng s*x. Kase bat nya ko ichachat diba? Or past time nya lang din ako? Siguro di na sila nagkakachat nung girl kaya ako naman yung chinachat. So 2nd choice lang pala ako? Eh ako yung nauna bat ganon. hahaahahaha napakatanga ko talaga nagreply naman ako. Gusto nya lang daw ng kausap magkita daw kami so sabi ko sige. Kumain muna kami tapos nag usap na. Namimiss nya daw ako tinitiis nya lang sarili nya. Nagtataka din sya bat kami umabot sa ganon. Madami pa kaming napag usapan. Nababaliktad na daw sitwasyon pano kung sya naman maghabol. Tapos sabi ko patingin cp mo ayaw nya pa din ipakita. don palang alam ko ng may tinatago talaga sya eh. or ayaw nyang masaktan ako sa mababasa ko? ewan basta. so habang pauwi kami umiiyak na naman ako. napakaiyakin ko na nakakainis. Chinat ko sya sa viber sabi ko napakatanga ko talaga. Dapat pala di nako nakipagkita sayo. Sinasaktan mo na naman ako. Kung wala kang tinatago at gusto mong makuha ulit tiwala ko ipinakita mo sana yang cp mo. Tas sinabi sakin na ayan oh wala nga talaga. kaso wala. Ibig sabihin naglalandian talaga kayo nung babae na yon habang ako pinapahupa ko yung galit ko non. ******* hindi pa din ako nadala talaga sa mga sinabi ng kaibigan natin. Maboka ka lang talaga. Sinabi ko din na sakin nga may nagchachat eh gustong gusto ako pinakita ko pa sa kanya yung ss para maniwala sya. gusto kakong umuwi nung hapon na yan dito, ayoko lang. kase pag ginawa ko yon wala rin akong pinagkaiba sa ginawa mo saken. ginago mo ko! halos mabaliw ako kakaisip bat mo nagawa agad yon. Inantay mo nga lang pala na makipaghiwalay ako sayo. Siguro plano mo na talaga yan una palang. Alam mo na ngang ***** ko pinamumukha mo pa talaga saken.
Sinira mo na talaga tiwala ko sayo. Pangalawang pagkakataon pero hindi pa din talaga nagwork. Siguro nga hanggang dito nalang talaga tayo. Sana mauna kang magkapamilya para matahimik nako. Magiging masaya ko para sayo.
Hindi na kita kukulitin.

Pero nagmessage pa din ako kinabukasan pag out nya non sabi ko.
Hindi mo kelangan magreply. Gusto ko lang ilabas yung sakit na nararamdaman ko. Ieentertain ko na yung hapon na yon, gaya ng sabi mo baka magwork.
Then nagmessage ako ng mga old convos namin dati. yung sweet pa sya saken, mga anak, kasal, asawa, kung pano ko sya sinagot non, sobrang saya nya. kase sabi nya non pag nagkabalikan daw kami hinding hindi nya nako pakakawalan pinagyayabang nya pa sa mga kaibigan namin noon. Eh kaso nga hiwalay na kami.


nag cry emoji reply lang sya. Pag hindi daw kami nagwork non balikan ko daw sya, tatanggapin nya pa din daw ako ng buong buo. nasasaktan din siguro sya. kikilala nako ng iba. pero kahit na wala kami feeling ko kasi magchecheat pa din ako sa kanya pag ginawa ko eh. ayoko din naman gumamit ng ibang tao para lang magheal ako. kase kawawa. pero gusto ko din itry baka nga magwork talaga.

pero gusto ko pa din bumalik kay ex kahit ganon nangyari samin. Siguro nga sinusubok lang kami ng panahon. pero kase andon din yung trauma ko na baka gawin nya ulit. maging cold na naman sya tas antayin nyang ako na naman makipaghiwalay. may magugustuhan na naman syang iba. hindi na sya magbabago sabi ng mga kaibigan namin. pero umaasa pa din ako na baka magbago pa. Ayoko naman na magsuffer halimbawa mga magiging anak namin sa future kung tatanggapin ko pa din sya. Then narealize ko na hindi mo pala talaga mababago yung isang tao unless sya mismo gusto nyang magbago sya. At kung magloloko yan kahit nakatingin ka pa gagawin nya yan. Ganon na yung mindset ko sa kanya.
Paano pag bumalik sya ulit tas okay naman na sya tinalikuran nya mga old habits nya pambababae, yosi, barkada inom. Tatanggapin ko pa ba? or tama na kase nasagad na din naman relasyon namin?
Maoovercome ko ba yung trauma na to. pano pag may nakilala akong iba gagawin din kaya nila to? Ang hirap din kasing kumilala na naman ng ibang tao. Eh sya kilala ko na. pero hindi ko pa pala kilalang kilala. So ayon po sana matulungan nyo ko kase hanggang ngayon magulo pa din isip ko talaga. Salamat.
 
buti himala at natapos ko tong basahin , umiinit ulo ko sayo ts ,alam mo na ang sagot pero pinipilit mo pa rin sa sarili mo na baka kaya pa ayusin, tama na pag papaka martir di na uso yun
 
Nobela na ata yan ts. I-publish natin 😅😂

Kidding aside, 2nd chance is enough. Kung sa una hindi nag work, dapat sa pangalawang beses magwowork na or else hindi na talaga magwowork. Kahit anong gawin nyong resolve, impossible na kasi marami ng what ifs (overthink ka na naman malala). Mas ok kung susubukan mo sa iba, pero dapat mutual ang feelings. If di ka pa ready, wag ka muna mag entertain ng kahit sino, pwede just friends (dun naman nadedevelop ang feelings). Just take ur time. You will be healed. Kaya mo po yan 😊

Btw, welcome to PHC family. 😉
 
Nobela na ata yan ts. I-publish natin 😅😂

Kidding aside, 2nd chance is enough. Kung sa una hindi nag work, dapat sa pangalawang beses magwowork na or else hindi na talaga magwowork. Kahit anong gawin nyong resolve, impossible na kasi marami ng what ifs (overthink ka na naman malala). Mas ok kung susubukan mo sa iba, pero dapat mutual ang feelings. If di ka pa ready, wag ka muna mag entertain ng kahit sino, pwede just friends (dun naman nadedevelop ang feelings). Just take ur time. You will be healed. Kaya mo po yan 😊

Btw, welcome to PHC family. 😉
thankyou po. sana nga makayanan ko

buti himala at natapos ko tong basahin , umiinit ulo ko sayo ts ,alam mo na ang sagot pero pinipilit mo pa rin sa sarili mo na baka kaya pa ayusin, tama na pag papaka martir di na uso yun
baka kasi may chance pa syang magbago. pero di ko naman na babalikan kase grabe yung sakit na pinagdaanan ko. na trauma nako.
 
Last edited:
Grabe kala ko hanggang sa "feeling ko may babae siya" lang. Haba naman kunting kembot na lang pocket book na.

Okay hindi ko na tinapus ahhh. Eto na lang. Ganun ka ba kadependent sa lalaking yun? Ultimo pagkain at pagtulog nahihirapan ka? Ano ba meron dun sa lalaki bakit ganun na lang feelings mo towards saknya. For me lang ahhh? Hindi pagmamahal yang ginagawa mo. OBSESSION na yan. Ang sarap mong alugin ng todo para magising ka. Wala po tayo sa telenovela.
 
Last edited:
makaka hanap ka din ng partner sa buhay na deserve mo. sa totoo lang, ewan baket iniiyakan mo yang ex mong walang ka kwenta kwenta. wala namang qualities yan na nakakapang hinayang. puro kakupalan lang meron yang lalakeng yan kaya nakakapag taka baket naiiyak ka dyan. pero malamang dahil badboy image kaya habol na habol ka. hilig nyo sa mga gag0 kumapit pero yung mga matitinong lalaki snob nyo hayyss..
 
Kung mahal mo ang sarili mo, hindi ka magse-settle sa mga taong tine-take for granted ka lang.
Focus on yourself first, then pag ready ka na.. try to expose yourself to others, join a different circle.
 

Similar threads

Back
Top