kung totoo ang bibliya bakit hindi nakasulat ang panahon sa mga dinosaur?at pagnamatay ang tao bakit nasabi na maaring mapunta sa empyrno o sa langit? may sumubok na ba pra isulat ang karansan niya nung pagkamatay niya? at kelan ba lumabas ang unang bibliya? ang pahina ba nito ay katulad din ba ngayon? sino ba tlga nauna s mundo si adan at eve o ang mga dinosaur?so kng ang sagot ay sila adan at eve, sa madaling salita manloloko ang mga scientist? yung mga theory at mga imbensyon ay mga panloloko lng pala? at kung sila ang nauna bakit di nakasulat sa bible na naranasan pla nila na tmaan ng mga asteroid?
Kapatid pag namatay po ang tao dipo agad pupunta sa langit oh impiyerno..
At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.
Eclesiastes 12:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Sa ingles po ito po sinabi..
Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.
Ecclesiastes 12:7
King James Version (KJV)
Yan po oh babalik po sa alikabok ang tao pag namatay at ang espiritu babalik po sa Dios yun.. pag matuwid po babalik po yun sa Dios..pinagpapahinga po yun..
At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:
At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?
At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.
Apocalipsis 6:9-11
pag masama po o suwail ibinibilanggo po muna yun ng Dios..
Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu;
Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,
Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:
1 Pedro 3:18-20
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan po ibinibilanggo po muna espiritu ng mga suwail.. yung namatay na matuwid po nabalik sa Dios ang espiritu pero ang katawan po ay nasa lupa..
Wala pa pong tao ngayon sa langit.. at wala pa rin pong pinarurusahan ngayon sa dagat-dagatang apoy at asupre..
Eto po sabi sa aklat ni san juan na apostol..
At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.
Juan 3:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayan po oh..malinaw po yan wala pong umakyat sa langit kundi ang nanggaling.. eh sino po yun? Yun anak ng tao po si kristo po yun..
Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
Juan 1:18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Sarado po salita ng Dios sa talata.. wala pa pong nakakakitang tao sa Dios..
Yung sumulat po sa mga talatang yan eh si apostol juan.. si juan po ay nakarating sa langit..pano? Sa vision po o pangitain, sa espiritu po.. hindi po mismo yung buong katawang tao niya, kundi sa espiritu po..
Sa aklat po ni san juan na apostol sa aklat po ng apocalipsis may papapansin po ako sa inyong mga talata..pinapasok po sa pintuan ng langit si juan sa pamamagitan ng espiritu.. eto po pansinin niyo pong mabuti..sa kuwatro uno gang siete eto po sinasabi..
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.
Pagdaka'y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;
At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.
At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu't apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.
At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios;
At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.
At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.
Apocalipsis 4:1-7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan po..sa langit po yan.. yun pong luklukan dun na nabanggit yun pong nakaupo po ay ang Dios Ama po.. may nabanggit din pong 24 na matatanda at 4 na nilalang na buhay.. may nakita po ba si apostol juan na tao? Wala po.. meron pong mukang katulad ng tao.. katulad lang po pero dipo tao yun na gaya natin.. non nakita po ni juan yan patay na po ba sila moises,job,noe at iba pang naunang lingkod ng Dios?.. patay na po lahat.. eh kung may tao na don di sana sinabi po ni juan--> at nakita ko si moses,si job..etc..etc..di naman po niya binanggit sa talata eh..
nangangahulugan po na wala pang tao po sa langit ngayon..
Sa paghuhukom po ibubulid na po si satanas sa dagat dagatang asupre at apoy
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
Apocalipsis 20:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Pati po ang lahat ng masama kasama na po masasamang tao..sa paghuhukom po yan..
Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:
Mateo 25:41
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
Apocalipsis 20:15
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ingatan at samahan nawa kayo ng Dios..
To God be the glory!
Salamat sa Dios..