What's new

Trivia Tanong na wala pang nakasagot tungkol sa bibliya

[XX='seth6699, c: 1104387, m: 1823170'][/XX]


Sana makatulong to sayo kapatid.

Click mo yung link, watch mo sa FB. Sana ma bless ka at mabalik ka sa Panginoon.
 
Mukhang di ka nag-aaral ng history ng pinas sir ah.Nagbago ang pangalan ng pilipinas ng dumating si Ferdinand Magellan nang matuklasan niya ang lugar na to at sinunod sa pangalan ng haring Phillip. Pero ang tunay na pangalan ng pilipinas ay opir. Nasa bible yang opir sir check mo nalang.
 
Ah sir nakalagay kasi sa bible mga higante at mga anak ng Dyos. Di kasi modern yung tawag nila don😑.tsaka di lahat ng makikita mo sa museum ay totoo sir.yung fabricated na so fictional na ang structure ng mga buto ng mga yun. Sa tagal ng panahon na nakabaon yun sa lupa posibleng may deformities din yun.so maaaring giant yung skl.
 
[XX='casper14, c: 1132363, m: 540665'][/XX] nope totoo yung mga yung parang sinabi mo namang joke lang ang trabaho ng mga anthropologist
 
I
Simple lang ang sagot sa ginawa mong retoric que sir, base sa batas na dapat unawaain at sundin , dyan naten ibabatay ang angkop at tamang sagot: pasintabi po sa mga walang paniniwala...

Anyone who speaks a word against the Son of Man, it will be forgiven him; but whoever speaks against the Holy Spirit, it will not be forgiven him, either in this age or in the age to come.

Gawin mu ang pagyurak sa pangalan ng anak ng tao kahit kanino mu gustohin gawin mu dahil maaari pa itong ipatawad,,,

Ngunit hwag na hwag sa banal na espiritu...

Malinaw yan ay pagyurak
Blassphemy to the maximum level
Kagaya na lamang ng ginawa nitong mga nagsalin at patuloy na isinasalin.

Ito naman ang tanong ko sa inyo:
Naniniwala ba kayo na ang Ama ay Espiritu at Siya ba ay Banal???

pakisagot po,,,
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

Juan 4:24
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
 
Tanong ko lang mga boss alin sa saling ito ang tama:

NWT
Psa.68:18 You ascended on high;+
You carried away captives;
You took gifts in the form of men,+
Yes, even stubborn ones,+ to reside among them, O Jah God.

NHEB
Psa.68:18 You have ascended on high. You have led away captives. And you gave gifts to people; but the rebellious will not dwell in the presence of God.

Kung mapapansin niyo sa NWT na salin ng mga jw ang nakalagay "you took gifts"samantalang sa NHEB ang nakalagay" you gave gifts".hindi ho ako magaling sa english pero lumalabas magkakontra sila yong isa kumuha...yong isa naman magbigay.pero sa interlinear bible parihas ho yan tama kumuha at magbigay yan ang mga meaning na nakalagay doon.

Ang tanong saan sa dalawang salin na yan ang tama?
 
Last edited:
Tanong ko lang mga boss alin sa saling ito ang tama:

NWT
Psa.68:18 You ascended on high;+
You carried away captives;
You took gifts in the form of men,+
Yes, even stubborn ones,+ to reside among them, O Jah God.

NHEB
Psa.68:18 You have ascended on high. You have led away captives. And you gave gifts to people; but the rebellious will not dwell in the presence of God.

Kung mapapansin niyo sa NWT na salin ng mga jw ang nakalagay "you took gifts"samantalang sa NHEB ang nakalagay" you gave gifts".hindi ho ako magaling sa english pero lumalabas magkakontra sila yong isa kumuha...yong isa naman magbigay.pero sa interlinear bible parihas ho yan tama kumuha at magbigay yan ang mga meaning na nakalagay doon.

Ang tanong saan sa dalawang salin na yan ang tama?
Ang Dios po ay hindi maaring tumanggap ng alay galing sa mga suwail, ngunit maaari po niyang bigyan ng regalo ang mga suwail..

Yan pong nasa awit 68:18 ay isa po yang collateral prophecy na mangyayari po dun sa panahon ng mga apostol..ang panginoong hesu-kristo po yang tinutukoy na ascended,hast led, at hast gave po..

Eto po sabi sa sulat ni apostol pablo sa bagong tipan sa mga taga efeso po..

Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Kaya't sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.

(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa?

Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)

Efeso 4:7-10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Nangaral po ang panginoong hesu-kristo habang patay po ang katawang tao niya..sa dakong kalaliman po ng lupa..pinangaralan niya po yung mga namatay na suwail noong una..eto po sabi sa unang pedro..sa tres desi-otso gang bente..

Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu;

Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

1 Pedro 3:18-20
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa mga nasabi ko po sa itaas, siguro po ay nasagot ko na po tanong mo..
Samahan at ingatan ka nawa ng Dios..


Proud mcgi
Salamat po sa Dios..
 
Last edited:
Diba sa bibliya god create the universe
So saan galing ang god?
Konsultahin po natin si moises
Ganito po sabi niya sa aklat ng awit
Major parts po kasi kay david, minor parts po kay moises..eto po ang sinabi

Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

Awit 90:2
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayan po oh malinaw..He is from eternity to eternity.. bawal na po na alamin pa natin ang sadyang matayog.. eto po sabi ni pablo sa taga corinto..

Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.

Roma 12:3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Dios po kasi nakakaalam ng lahat ng bagay eh..
Ganito po sabi sa aklat ni propeta isaias..

Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.

Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.

Isaias 55:8-9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Dapat po nating unahing itanong eh bakit merong ikaw? o bakit merong tayo?.. yan po ay dahil merong Dios.. Dios na umiibig satin..

Samahan at ingatan po kayo ng Dios..

Salamat po sa Dios..
 
Last edited:
Ano po ba ang tamang relihiyon para makapasok sa tahanan ng panginoon?
Ang kaligtasan po ay nasa pagsunod kay kristo.. yun pong pag sunod pagtalima po sa lahat ng aral at utos ng panginoong hesu-kristo.. isa po sa aral niya ang tunay na relihiyon at yan po ay itinuro ni kristo sa loob po ng totoong iglesia na nasa bibliya..

Eto po sabi sa aklat ni santiago..

Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.

Santiago 1:27
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po oh malinaw po.. yung pong pagmamahal sa kapwa(sa kapatid man sa pananampalataya o hindi) particularly po sa mga babaeng bao at ulila po..pagkupkop po sa kanila.. at yun pong pagiging sakdal,walang dungis..buhay na may kabanalan po..

religion po is a way of life..
Religion po sa griyego ay threskeia na ang isang kahulugan po ay worshipping.. eh kapag sinabi mo po na dina kailangan ng relihiyon para mo na pong sinabing dina po kailangang sumamba..dipo ba? Kaya po kailangan po yan, kailangan po sumamba sa Dios eh.. religare po yan sa latin.. yung re-- again yung ligare-- to bind.. parang reconcillation po yan..

Lahat po ng turo ng panginoong hesu-kristo ay may kinalaman po sa kaligtasan ng tao..

Samahan at ingatan nawa po kayo ng Dios..

To God be the glory!
Salamat po sa Dios..
 
Totoo po ba na manalig kalang ni kristo maliligtas ka?
Nasa pagsunod po kay kristo ang kaligtasan po.. dipo totoo na manampalataya ka lang kay kristo ay ligtas kana.. wala pong ganun sa bibliya.. eto po sabi ni apostol pablo.. basahin niyo po..

Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,

Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.

1 Corinto 15:1-2
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905)

Yan po oh malinaw sabi ni pablo yun pong evangelio o yung aral po ni kristo na tinanggap, sinampalatayanan ay ligtas po ang sino?? Sino daw po?? Yun pong matiyagang iniingatan po ang evangelio ni kristo na pinangaral ni san pablo..yun pong samakatuwid ay susunod at tatalima sa evangelio..

Eh kung susundin po natin yung standard nun iba na faith alone can save you eh..alalahanin po muna nila yung sinabi sa isang talata ng aklat po ni santiago..

Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig.

Santiago 2:19
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Oh kita niyo po ang mga demonio po ay sumasampalataya din at may panginginig pa.. ano po ibig sabihin? Kung standard po ay faith alone can save you..aba eh pati pala mga demonio eh mga candidates din for salvation! Eh dipo ganun yun eh..


Kaya gagawin po natin yung kung ano po ang iniutos ng Dios.. sapagkat sabi po sa aklat pa rin po ni santiago ay..

Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

Santiago 2:24
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

At sa 26 po ay..

Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.

Santiago 2:26
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ang linaw po sa mga talata na may gagawin po tayo..tatalima po tayo sa utos..eto po sa aklat ni san pedro, eto po sabi sa kjv..

And beside this, giving all diligence, add to your faith virtue; and to virtue knowledge;

And to knowledge temperance; and to temperance patience; and to patience godliness;

And to godliness brotherly kindness; and to brotherly kindness charity.

2 Peter 1:5-7
KJV

Malinaw po yan "add" ibig sabihin po idagdag po kasama ng pananampalataya.. nilalang po tayo para sa gawang mabuti

Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Efeso 2:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

At para po maging sakdal ay..

Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

2 Timoteo 3:17
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

Mateo 24:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Samahan at ingatan po nawa kayo ng Dios

To God be the glory!

Salamat po sa Dios..
 
ang sagot sa tanong na ito ay oo.. lahat ng espiritung nilalang na nakatira doon ay perpekto.. hindi lahat ng matuwid na tao ay aakyat sa langit. limitado lang ang bilang ng aakyat sa langit taglay ang katawang espiritu.
Kapatid ang bilang na po ay yung sa israel po dahil dun po nagsimula po kristiyanismo po eh..kaya nabilang na po.. eto po sa talala ng apocalipsis..


At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:

Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;

Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;

Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;

Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.

Apocalipsis 7:4-8
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayan po ayon sa vision ni san juan na apostol po.. malinaw po na 144,000 po sa labing dalawang lahi ng israel po pa lang yan.. eh sila lang po ba makakapasok sa langit? Ituloy po natin sa nuebe

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;

Apocalipsis 7:9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayan po malinaw po sabi ni apostol juan.. isang lubhang karamihan na "di mabilang ng sinoman".. aba eh talagang napakarami po ano? Di mabilang ninoman eh.. kasama din po mga gentil don na naligtas.. maliwag po yan dahil nasa harapan na po ng luklukan at harapan ng cordero..

Samahan at ingatan po nawa kayo ng Dios..

Salamat po sa Dios..
 
Last edited:
ts tanong ko lang kung saan galing yung serpent na nanlinlang kay eva at adan sa garden ng eden kasi hindi naman sinabi sa creation na ginawa din ng diyos yun
Kapatid eto po sabi ng kasulatan.. sa genesis po..

Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?

Genesis 3:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayan po oh malinaw po na nilikha po ng Dios yung ahas..

Ngayon po si satanas po ay nilikha din po ng Dios non siya po ay anghel pa ng Dios..non dipa po siya nagiging satan.. satan po sa hebreo ay "saw-tawn" ibig sabihin po arch-enemy of good.. lahat po ng nilikha ng Dios non una wala pong masama eh..mabuti po lahat.. eto po sa talata ng genesis pa din po..

At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.

Genesis 1:31
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayan po oh ang lahat po ay napakabuti..eh san po nagmula kasamaan??.. yan ay dahil sa pagpapalalo at pag mamataas ng pag iisip ni satanas..

Eto po sabi sa aklat ni ezekiel na propeta ng Dios..

Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.

Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.

Ezekiel 28:14-15
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Si satanas po yan..Isa po siyang anointed cherub dati eh .. pero ayun nasumpungan ika ang kalikuan sa kanya.. sumama po siya..

Sabi pa po sa aklat ng isa pang propeta ng Dios..si Isaias, eto po..

At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:

Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.

Isaias 14:13-14
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Oh yan po oh..talagang nagpalalo at nagmataas ng pagiisip.. Gusto niya maging gaya siya ng Dios na makapangyarihan sa lahat..

Si satanas po ay unwanted visitor po don sa halamanan ng eden.. eh pano po nakapasok?.. pinapasok po ng may ari..binigyan po kasi ng authority ng Dios ang mag-asawa, si adam at eve po ng kapamahalaan sa hayop at sa lupa po..

At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

Genesis 1:28
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Pinapasok si satanas ni adan at eba.. eto po sabi ni pablo sa isang talata ng roma..

Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:

Roma 5:12
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Dipo kasalanan ng Dios eh.. binigyan nga po ng tagubilin ng Dios na huwag kakanin yung bunga eh.. eh dun sa pagbabawal na yun dun po pumasok ang daya ng demonio.. yun po dahilan ng pagpasok po ng kasalanan sa sanlibutan..

Pero darating po ang araw na parurusahan po yan si satanas.. eto po katunayan sa apocalipsis po ni apostol juan..


At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Apocalipsis 20:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)



Samahan at ingatan po kayo ng Dios..
Salamat po sa Dios..
 
Last edited:
kung totoo ang bibliya bakit hindi nakasulat ang panahon sa mga dinosaur?at pagnamatay ang tao bakit nasabi na maaring mapunta sa empyrno o sa langit? may sumubok na ba pra isulat ang karansan niya nung pagkamatay niya? at kelan ba lumabas ang unang bibliya? ang pahina ba nito ay katulad din ba ngayon? sino ba tlga nauna s mundo si adan at eve o ang mga dinosaur?so kng ang sagot ay sila adan at eve, sa madaling salita manloloko ang mga scientist? yung mga theory at mga imbensyon ay mga panloloko lng pala? at kung sila ang nauna bakit di nakasulat sa bible na naranasan pla nila na tmaan ng mga asteroid?
Totoo po ang dinosaurs kapatid.. nilikha din po sila ng Dios..ang bibliya po ay hindi kailangan laging word-for-word..pag ganun po basehan niyo eh maliligaw po kayo..parang ampalaya, wala pong nakasulat na ampalaya sa bibliya pero may ampalaya po sa bibliya.. tingnan niyo po sa isang talata sa lumang tipan..

At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon, na inihaw sa apoy, at tinapay na walang lebadura, kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay.

Exodo 12:8
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Gulay po ba ampalaya? Opo.. mapait po ba? Opo.. oh edi may may ampalaya talaga..yun po..

Ganun din po sa mga hayop na nilikha ng Dios.. eto po sa genesis..

At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.

At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Genesis 1:25
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayan po oh.. hayop ayon sa kanyang uri.. ginamit po na greek word min kung bigkasin po ay meen na ibig sabihin po ay species.. so lahat po yan, kasama po dinosaurs.. eh hayop din po sila eh..

Dinosaurs po comes from the greek words deinos meaning terrible and saurus meaning lizards.. eh sa panahon po natin meron pa pong lahing dinosaurs..pero mga maliliit na lang po.. kagaya po ng mga bayawak, butiki..and some other reptiles..

Basic Dinosaur Facts:
Dinosaurs are a group of reptiles that have lived on Earth for about 245 million years. ... Dinosaur fossils have been found on all seven continents. All non-avian dinosaurs went extinct about 66 million years ago. There are roughly 700 known species of extinct dinosaurs.

Source: American Museum of Natural History

Ayan po oh may mga fossils po na natagpuan sa lahat ng kontinente.. yan po katunayan na nabuhay po some time po dito sa mundo ang mga dinosaurs.. nauna po sila likhain ng Dios milyong taon na bago po ang tao.. at hinayaan na po ng Dios na magkamatay sila para preparation po sa paglikha ng tao.. siguro po itatanong mo po eh pano nangyaring milyon taon eh diba araw lang pagitan ng paglikha..? Ganito po kapatid hindi po 24 hour cycle yung paglikha ng Dios na kagaya po ng pinapalagay ng iba.. may papapansin po ako sa inyo na mga talata sa genesis pa rin po..

At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan; at mula roo'y nabahagi at nagapat na sanga.

Ang pangalan ng una ay Pison: na siyang lumiligid sa buong lupain ng Havilah, na doo'y may ginto;

At ang ginto sa lupang yao'y mabuti; mayroon din naman doong bedelio at batong onix.

Genesis 2:10-12
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po yung halamanan ng eden kung saan dinala po ng Dios don si adan at eba.. non dalhin po sila don ayon sa mga nabanggit na talata may ginto at batong onyx na po diba? Eh nilikha po ba ng Dios na ginto agad o onyx agad?? Hindi po.. yung ginto po at onyx stone ay pawang mga produkto ng panahon.. ibig sabihin po sa paglipas ng napakaraming taon eh naging ginto po at batong onyx na..pano po? Ang batong onyx po ay produkto ng geological and chemical process in nature..sa loob po ng milyong taon para maging onyx..kagaya din po ng ibang gems at minerals..

Today, we know much more about how onyx is formed. Like many natural stones, it is formed from layered deposits in warm springs and limestone caves. Over millions of years, fine calcite deposits build to create a smooth, translucent layer.

Ibig sabihin po kung milyong taon na ang nakalipas bago pa dinala ng Dios ang tao sa halamanan ng eden eh logically,physically, scientifically and biblically wise na sa loob ng milyong-milyong taon na yun eh nabuhay minsan sa mundo ang mga dinosaurs..

Ingatan at samahan nawa po kayo at sambahayan niyo ng Dios..

To God be the glory!
Salamat sa Dios..
 
kung totoo ang bibliya bakit hindi nakasulat ang panahon sa mga dinosaur?at pagnamatay ang tao bakit nasabi na maaring mapunta sa empyrno o sa langit? may sumubok na ba pra isulat ang karansan niya nung pagkamatay niya? at kelan ba lumabas ang unang bibliya? ang pahina ba nito ay katulad din ba ngayon? sino ba tlga nauna s mundo si adan at eve o ang mga dinosaur?so kng ang sagot ay sila adan at eve, sa madaling salita manloloko ang mga scientist? yung mga theory at mga imbensyon ay mga panloloko lng pala? at kung sila ang nauna bakit di nakasulat sa bible na naranasan pla nila na tmaan ng mga asteroid?
Kapatid pag namatay po ang tao dipo agad pupunta sa langit oh impiyerno..


At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.

Eclesiastes 12:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa ingles po ito po sinabi..

Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.

Ecclesiastes 12:7
King James Version (KJV)

Yan po oh babalik po sa alikabok ang tao pag namatay at ang espiritu babalik po sa Dios yun.. pag matuwid po babalik po yun sa Dios..pinagpapahinga po yun..

At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:

At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?

At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.

Apocalipsis 6:9-11

pag masama po o suwail ibinibilanggo po muna yun ng Dios..

Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu;

Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

1 Pedro 3:18-20
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po ibinibilanggo po muna espiritu ng mga suwail.. yung namatay na matuwid po nabalik sa Dios ang espiritu pero ang katawan po ay nasa lupa..

Wala pa pong tao ngayon sa langit.. at wala pa rin pong pinarurusahan ngayon sa dagat-dagatang apoy at asupre..

Eto po sabi sa aklat ni san juan na apostol..

At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.

Juan 3:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayan po oh..malinaw po yan wala pong umakyat sa langit kundi ang nanggaling.. eh sino po yun? Yun anak ng tao po si kristo po yun..

Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

Juan 1:18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sarado po salita ng Dios sa talata.. wala pa pong nakakakitang tao sa Dios..

Yung sumulat po sa mga talatang yan eh si apostol juan.. si juan po ay nakarating sa langit..pano? Sa vision po o pangitain, sa espiritu po.. hindi po mismo yung buong katawang tao niya, kundi sa espiritu po..
Sa aklat po ni san juan na apostol sa aklat po ng apocalipsis may papapansin po ako sa inyong mga talata..pinapasok po sa pintuan ng langit si juan sa pamamagitan ng espiritu.. eto po pansinin niyo pong mabuti..sa kuwatro uno gang siete eto po sinasabi..

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.
Pagdaka'y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;

At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.

At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu't apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.

At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios;

At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.

At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.

Apocalipsis 4:1-7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po..sa langit po yan.. yun pong luklukan dun na nabanggit yun pong nakaupo po ay ang Dios Ama po.. may nabanggit din pong 24 na matatanda at 4 na nilalang na buhay.. may nakita po ba si apostol juan na tao? Wala po.. meron pong mukang katulad ng tao.. katulad lang po pero dipo tao yun na gaya natin.. non nakita po ni juan yan patay na po ba sila moises,job,noe at iba pang naunang lingkod ng Dios?.. patay na po lahat.. eh kung may tao na don di sana sinabi po ni juan--> at nakita ko si moses,si job..etc..etc..di naman po niya binanggit sa talata eh..

nangangahulugan po na wala pang tao po sa langit ngayon..

Sa paghuhukom po ibubulid na po si satanas sa dagat dagatang asupre at apoy

At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Apocalipsis 20:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Pati po ang lahat ng masama kasama na po masasamang tao..sa paghuhukom po yan..


Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:

Mateo 25:41
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

Apocalipsis 20:15
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)



Ingatan at samahan nawa kayo ng Dios..

To God be the glory!
Salamat sa Dios..
 

Similar threads

Back
Top