What's new

Trivia Tanong na wala pang nakasagot tungkol sa bibliya

[XX='jrnievas, c: 1099842, m: 1764836'][/XX] bigyan nyu po ako na verse na ang lahat ng kautusan ni Jesus wla ng bisa ngayun dahil pagkamatay nya ?
 
[XX='seth6699, c: 1100014, m: 1823170'][/XX] sa pagkakaalam ko wla nman nka lagay sa bible ma wawala yung mga kautusan ni Jesus ng pagkamatay nya sana may maibigay kayu..
 
[XX='Ace106, c: 1099813, m: 1382361'][/XX] pls po mag base tayu sa bible saan po yan nka lagay sa bible wla sa araw yan yang sinisabi mo hndi ko kasi kabisado yung bible.
 
[XX='jrnievas, c: 1099842, m: 1764836'][/XX] sabi mo na buhay si Jesus sa araw ng linggo so yung araw na sabado patay si Jesus o nag pahinga sya ng araw na sabado so dapat sa sabado tayu mag rest day diba ?? at si constantino inutusan ba cya ni Jesus na linggo dapat ang rest day ???
 
hmmmm .. saglit lng po ah 😅 medyo ang dami po nung tanong niyo ..

Ok lang po ba kung naka-number po yung tanong niyo po para masagot po namin ng paisa isa ..

Parang ganito po
1. Ang lahat ba ng kautusan ni Jesus ay ...... ???
2. Binuhay ba si Jesus nang araw ng .....???


Para po malinaw, nalito po kasi ako sa tanong po ninyo 😅
 
[XX='jrnievas, c: 1100088, m: 1764836'][/XX] pasensya po madaming kasi akung tanung sa buhay hahaha
 
[XX='seth6699, c: 1100102, m: 1823170'][/XX] Okay lang, salamat sa pagsisikap na magtanong.
Pasuyo na lang, na, pakilinaw yung mga tanong para po masagot din namin nang maayos. Salamat po.
 
1. naka lagay po ba sa bible yung pakamatay ni Jesus ma wawala din yung mga kautosan nya? saan po.makikita?
2?. si constantino inustusan ba sya ng Dios na araw na linggo ang rest day para sundin natin sya??
 
Last edited by a moderator:
Sa pagkakaintindi kulang po ito namatay si Jesus araw ng sabado tapus na buhay sya ng linggo ibigsabihin araw ng sabado nag pahinga si Jesus kasi na matay sya sa a araw na yun mortal/tao nakatawan bilang tao dapat sa sabado tayu mag pahinga???
 
[XX='seth6699, c: 1100121, m: 1823170'][/XX]

Answer.

1. Nakalagay po ba sa Bible yung pakamatay ni Jesus mawawala din yung mga kautusan nya? Saan po makikita?

Sa Roma 10:4, ganito ang sabi:
Si Kristo ang wakas ng Kautusan, para maging matuwid sa harap ng Diyos ang bawat isa na nananampalataya.

Sa English version naman, eto yung sinasabi [pkitingnan yung nasa larawan]

Screenshot_2021-04-19-15-24-43-78.jpg


Hindi po kautusan ni Jesus ang nawala. Ang tinukoy po dito na Kautusan, or law, is yung Kautusang Mosaiko. Pag sinabing Kautusang Mosaiko, tumutukoy po ito sa mga utos na ibinigay kay Moises pagkatapos nilang makaalis sa Ehipto.

Ganito naman ang sinasabi ng Efeso 2:15, 16

Sa pamamagitan ng kaniyang laman, inalis niya ang alitan, ibig sabihin, pinawalang-bisa niya ang Kautusan, na binubuo ng mga tuntunin at batas, para ang dalawang grupo na kaisa niya ay maging isang bagong tao at magkaroon ng kapayapaan 16 at mapagsama sa iisang katawan ang dalawang bayang ito at lubusang maipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng pahirapang tulos, dahil inalis niya ang alitan sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan.

Kaya sa tekstong ito, PINAWALANG-BISA ni Jesus ang Kautusang Mosaiko, ibig sabihin, natapos na yung purpose ng Kautusang iyon, lakip na ang mga seremonya at mga pagdiriwang ng Kapistahan na isinagawa noon sa pamamagitan ng Kautusan, kasama dito ang Sabbath.

Katunayan, noong panahon ni apostol Pablo, nabahala siya dahil may ilang mga Kristiyano na sumusunod pa din sa Kautusang Mosaiko kung kaya ganito ang isinulat niya:

“May itinatangi kayong mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon! 11 Nangangamba akong baka nasayang lamang ang pagpapagal ko para sa inyo.” (Galacia 4:11, Magandang Balita Biblia)

Kaya, nababahala si Pablo na baka sa paanuman, ang ginawa niyang pagsisikap na turuan sila tungkol sa kautusan ng Kristo ay mapawalang-saysay dahil sa patuloy nilang pagturing ng espesyal na mga araw.

Ilan lamang ito sa mga teksto na nagpapakitang tapos na ang layunin ng Kautusan tungkol sa pagsasagawa ng Sabbath. May kinalaman naman sa mga utos na 'huwag pumatay' 'huwag magnakaw', part na ng ating pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa ang huwag pumatay o huwag magnakaw, o gawin ang mga bagay na lumalabag sa moral.

2. Si Constantino ba ay inutusan ng Diyos na gawing linggo ang rest day?

Hindi po. Si Constantino ay isang Romanong Emperador. Hindi siya isang Kristiyano. Gayunman, ang kaniyang impluwensiya ay naging laganap mga ilang daantaon pagkamatay ni Jesus. Hanggang sa ngayon, ang kaniyang mga paniniwala ay umiimplwensiya pa din sa mga paniniwala ng karamihan sa ngayon.
 

Attachments

[XX='seth6699, c: 1100143, m: 1823170'][/XX] Sa kalendaryong Judio, ang Sunday ay nagsisimula pagkalubog ng araw ng Friday hanggang pagkalubog ng araw ng Saturday sa ating kalendaryo.

Magkaiba ang sinusunod nating kalendaryo sa kalendaryong sinunod noong panahon ni Jesus.

Gregorian Calendar ang sinusunod natin ngayon.
 
Idagdag ko lang brow :)

[XX='seth6699, c: 1100143, m: 1823170'][/XX] Hello sir. Palagay ko po nalito ka lang sa pag intindi..

Yung tanong mo po dun sa #1 na "naka lagay po ba sa bilble yung pakamatay ni Jesus ma wawala din yung mga kautosan nya? saan po.makikita?"

Hindi po kautusan ni Jesus ang nagwakas noong mamatay at buhaying muli si Jesus gaya ng naisagot na, kundi yung kautusan ng batas mosaiko. Si Jesus po ang nagsabi na dumating siya upang tuparin ang kautasang mosaiko (Mateo 5:17) na siyang naging batas ng mga Israelita noon para sundin nila. Pero noong dumating, mamatay, at buhaying muli si Jesus, napalaya na po sila sa batas mosaiko (Roma 10:4 / Roma 7:6).

Example, ilan sa kailangang gawin ng mga israelita noon para mapatawad ang kasalanan nila ay yung paghahandog ng haing sinusunog, pwedeng toro tupa kalapati ang ihahandog nila, dipende sa kakayahan ng Israelita, at dadalin nila ito sa templo, tas yung mataas na saserdote naman yung magsusunog non. Kapag ginawa nila yan, mapapatawad kasalanan nila dipende sa panahon, at regular nilang kailangan gawin yan. Siyempre, dahil sakdal si Jesus, kaya dapat ang ihahandog ng mga israelita noon ay yung pinaka the best. (Lev 1:3, 10; 3:1 / Lev 7:29, 32 / Deu 27:7)

Pero nung dumating si Jesus, ibinigay ang buhay para sa tao, natapos na yung kautusang mosaiko. Kaya hindi narin kailangang maghandog pa ng mga hayop para mapatawad tayo sa kasalanan (Heb 8:3-5 / Heb 9:9 / Heb 10:5-10). Ang kailangan nalang gawin ng tao ay manampalataya sa haing pantubos ni Jesus (Juan 3:16)

Kayo po ba, ginagawa niyo pa ba yung paghahandog ng hayop na literal? Malamang hindi na po diba? ;)
 
[XX='jrnievas, c: 1100192, m: 1764836'][/XX] Ang sabi Si Jesus ang wakas ng kautusan hindi nman sinabi na ma wawala ang kautusan... anu meaning ng wakas-end diba meaning ba ng End is ma wawala ba??? so hindi na wla yung kautusan ni Jesus at hindi naman nawala si Jesus namatay lang yung katawang tao nya at na buhay sya bilang imortal nandyan parin si JESUS hindi sya nawala.

2nd.
si Constantino hindi pala Christian o sugo ng Dios bakit sumonod tayu sa kanya hangang ngayun porket sikat sa nuon anu parang sumunod lang tayu sa Sa artista na sikat kung anu sasabihi nya susundin natin diba subrang mali diba???
 
Last edited by a moderator:
[XX='seth6699, c: 1100548, m: 1823170'][/XX]

1. End, means, katapusan, sa mga palabas nga, pag The End na, wala ng ipapalabas pa, kasi, tapos na, o kaya sa mga Dead End na mga pathwalk, wala ka ng madadaanan, kasi, Dead End na, yun na yung dulo .. para din yang sa kontrata, kapag natapos na yung kontrata, hindi na magagamit pa , tapos na ito,.. wala ng anumang bisa pa, gaya din nung isinulat ni apostol Pablo, yung Kautusan, pinawalang-bisa na (Efeso 2:15, 16)
Kaya, kung wala ng bisa, bakit pa natin susundin?

2. Wala namang sinasabi ang Bible tungkol sa kung anong araw tayo dapat magpahinga. Kung para sa marami, sunday ang rest day, respetuhin natin iyon. Kasi, kami po, pag sunday, madami pa ding ginagawa eh 😅

Tsaka, kung nagwowork ang isang tao at natapat ang rest day nya ng Sunday, hindi naman si Constantino ang sinusunod nya, yung company, at schedule ng work nya ang sinusunod nya 😅
 
[XX='jrnievas, c: 1100664, m: 1764836'][/XX]Anu end sa movie wla ng susunod may part1 part2 panga sa movie tska hndi related bible tska hindi nman nag end/wakas ang buhay ni JESUS nabuhay sya diba bilang imortal Nag wakas lang yung katawang tao nya diba so hindi end kasi hanggang ngayu May Jesus pa.. ibang din ang contrata sa batas ng panginuon hindi yan basta2x mawawala batas ng pilipinas hindi yan basta2x maiiba ng tao...


mero nman yung remember the SABBATH diba to keep it holy so may araw na mention e google mo yang sabbath anung araw yan
 
[XX='jrnievas, c: 1100664, m: 1764836'][/XX] sa company nga piro sinu ba ang sumakop sa pilipinas nuon diba mga kastila kaya hanggang ngayun na patuloy parin ang hindi magandang gawain....pabansang bayani ng pinas si Jose Rizal pa parang hndi nila na intindihan yung mga sulat ni rizal laban sa kastila piro ginagawa pa ng tao ngayun so useless na ginawa pa syang bayani yun lang po salamat sapa share nyu ng kaalaman..
 
Last edited by a moderator:
[XX='jrnievas, c: 1100664, m: 1764836'][/XX] paki post yung efeso 2:1 -16 po para matiindihan ko yung buong paksa wla kasi akung dala na bible... si pablo lang nag sabi may karugtong yan alam ko yan wla lang talaga akung bible mahina pa net..
 
Last edited by a moderator:

Similar threads

About this Thread

  • 2K
    Replies
  • 35K
    Views
  • 190
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
284
Guests online
5,689
Total visitors
5,973
Back
Top