What's new

Talaga bang galing sa diyos ang mga pagdurusa?

Bakit gagawin ni Satanas yun? Hahahaha

Kahit si satanas nag Hahari sa mundo eh miron naman tayong kalayaan kung susundin natin sya o hindi, so pag ginawa ko ang mabuti mag credit ba yun kay Satanas eh ako gumawa? 😅
Okay..may point ka.. pero kaninong standards ang susundin to say kung masama or mabuti ang choices natin?? Standard ni god or sa standard ng namumuno ng mundo na pinayagan ni god??

Kung sa standard ni god them we have to against sa standard ni satanas... So parang role playing... Hinayaan ni god si satanas mamuno sa mundo pero dapat si god pa din ang sundin... Parang pawns lang tayo eh...

Sa mga bagay nman that we have no choice like natural disasters... Kaninong kapangyarihan nman dapat attribute yan?? Kay god or satanas?? Part ng sinabi mong article ung pagdurusa sa natural disasters like tsunami eh...
 
Sa mga bagay nman that we have no choice like natural disasters... Kaninong kapangyarihan nman dapat attribute yan?? Kay god or satanas?? Part ng sinabi mong article ung pagdurusa sa natural disasters like tsunami eh...

No'ng panahon ni Job, napahintulutan si Satanas na gamitin ang kaniyang kapangyarihan para bigyan ng pagsubok si Job, at ginamit ni Satanas ang kapangyarihan niya para magpangyari ng sakuna, like, buhawi ...

Pero, after ng event na y'on, hindi na muling ipinahintulot ni Jehovah na gamitin ni Satanas ang kapangyarihan niya sa ganu'ng mga pangyayari ..

Ang natural disasters ay mula na sa resulta ng maling pamamahala ng mga tao under ng ruling ni Satan ...

[Para sa higit pang information about likas na sakuna, pakiclick na lang yung link na to]

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Actually, magkaiba ang pagkakaisa na under sa ruling ni Jehovah at under sa ruling ni Satanas ..

Bakit?

Sa ruling ni Jehovah, napagkakaisa niya ang mga tao na may iba't-ibang pinagmulan, lahi, wika, katayuan sa buhay, at iba pa.

Sa panahon na naitatag na ang kongregasyong Kristiyano, hindi na ni Jehovah ipinahintulot na makipaglaban o makipagdigma pa ang mga Kristiyano. At dahil hindi kami nakikibahagi sa sanlibutan, walang partido politikal kaming pinapanigan, or any issues sa sanlibutan na pinapanigan or di pinapanigan. Dahil dito, saanmang lugar kami nakatira, alam namin na hindi kami nababahagi o nahahati ang opinyon dahil sa political system or different issues na bumabangon sa sanlibutang ito. Neutral kami pagdating sa bagay na iyan.

Isa pa, saanmang bansa o lugar magmula ang aming mga kapananampalataya, ang turing namin sa kanila ay aming mga kapatid. Katunayan, kung maoobserbahan mo lamang, gaya din mismo ng naoobserbahan ko, kapag may mga kapatid kami na kakakilala pa lang namin, malapit na agad ang loob namin sa kanila, kasi, kilala na namin yung isa't-isa in terms of beliefs and standards. Nagkakaisa kasi kami pagdating sa aming mga itinuturo at pamantayan.

Kaya, hindi kami naiilang makipagsamahan sa aming mga kapatid saanman kami magpunta, bagkus, anumang kongregasyon ang aming puntahan, naroon agad ang mainit na pag-big na pangkapatid.

Kahit si Satanas ang namamahala ngayon sa mundo, napanatili ang pagkakaisa ng mga Saksi ni Jehova na hinding-hindi mangyayari kung wala ang tulong ni Jehovah. Ang pagkakaisa namin ay resulta ng pagsunod namin sa iniutos ng kaniyang Anak,

"Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa; ibigin ninyo ang isa’t isa kung paanong inibig ko kayo." (Juan 13:34)

Hindi 'yon resulta ng pamamahala ni Satanas, ang totoo, gustung-gusto niya nga na magkabaha-bahagi ang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova kasi alam niyang payapa ang bayan na ito at hindi nakikisali sa mga digmaan o political system.

Nandito yung mga link kung saan may mga lugar na may discrimination or pagtatangi ng lahi, pero ang mga saksi, nananatiling nagkakaisa; at may mga lugar naman kung saan hindi nag-aaral ng pakikipagdigma ang mga saksi kaya ikinukulong sila. Sana mapanood mo yung mga video.

Gusto Kong Labanan ang Pagtatangi ng Lahi​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Tularan ang Diyos na Hindi Nagtatangi​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kailan Magtatagumpay ang Matapat na Pag-ibig Laban sa Poot? [About naman ito sa mga Palestino at Judio]​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kristiyanong Neutralidad sa South Korea — Kasaysayan ng Pananampalataya at Lakas ng Loob​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kumusta naman pagdating sa ruling ni Satanas?


Wait mo na lang ulit yung sagot ko tungkol sa tanong na 'yan .. :D
Given na ung nagkakaroon ng pagkakaisa ang isang grupo ng tao lalo when they belong to the same community, when they share the same beliefs and ideas eh of course merong unity yan... Thats a given na...

Pero that does not happen only sa mga jw.... Nangyayari din yan sa ibang groups ,religions, etc... Un nga ang nagaattract s tao eh..ung sense of community.

So if ur saying na iba ang pagkakaisa nyong mga jw...and ur doing it while under the rule ni satanas eh does that mean na ung impluwensya ni god senyo is stronger?? Then, atleast for your grouop, eh kaya nyong pamahalaan ang mga sarili nyo, ryt??
 
that does not happen only sa mga jw.... Nangyayari din yan sa ibang groups ,religions, etc... Un nga ang nagaattract s tao eh..ung sense of community

Bakit may ibang religion na kahit same religion eh handang patayin ang isa't-isa para sa bansa nila?
 
Last edited by a moderator:
Sa ruling ni Jehovah, ang pangunahing saligan ng pagkakaisa ay 'pag-big'

Colosas 3:14
"Pero bukod sa mga ito, magpakita kayo ng pag-ibig, dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao."

Eh, bakit kahit Christian religion, kasama na yung sa inyo, ay hindi nagkakaisa?

Ibinubukod kami ni Jehova pagdating sa ibang Christian Religion. Bakit?

Dahil ang relihiyon na sasang-ayunan niya ay

[1] y'ong hindi makikibahagi sa gawain ng sanlibutang ito,​
[2] y'ong handang manindigan sa pamantayang itinatakda niya sa Bible,​
[3] at hindi nagsasagawa ng mga tradisyon ng tao​

at pinakahuli

[4] ay tatawagin niya ayon sa kaniyang pangalan mismo.​

Eh, bakit bukod yung religion ninyo sa ibang Christian religion?

Sa Bible, sinasabi na 'binigyang-pansin ng Diyos ang ibang mga bansa para kumuha sa kanila ng isang bayan na magdadala ng pangalan niya.' (Gawa 15:14)

Ang bayan na ito ang magdadala sa pangalan ng Diyos. Walang ibang relihiyon sa lupa ang matatag na nanindigan sa paggamit ng banal na pangalan ng Diyos na Jehova sa kanilang pagsamba, at kami lamang ang tanging organisasyon na nagbalik ng pangalan ng Diyos na Jehova sa Bibliya.

Yung King James Version nga, after 400 years lang, doon lang nila ibinalik ang pangalan ng Diyos sa Bible. Mas maraming beses na lumitaw ang name ni Jehovah sa revised version na iyon ng KJV kumpara sa 1611 na KJV.

Katunayan, mayro'n akong copy nung Bible na y'on. Kaya, alam ko sa sarili ko na sa simula pa lang, tama talaga ang ginawa ng mga Saksi sa pagsasauli ng pangalan ni Jehova sa Bibliya.

View attachment 1490078

Ano ang punto ko dito?

Isa lang ang relihiyong tatawagin ni Jehova ayon sa kaniyang pangalan. Wala ng iba pa. At mga Kristiyano din ang tawag sa kanila. (Gawa 11:26; 26:28; 1 Pedro 4:16)

Eh, bakit may ibang Christian Religion din?

Bago mamatay ang huling apostol na sumulat ng Apocalipsis, si apostol Juan. Inihula na ng Kasulatan na mayroong magiging mga huwad na Kristiyano - mga Kristiyano na manggagaling sa katotohanan pero hihiwalay at magtatayo ng kanilang sariling sekta.

Gawa 20:30
MULA NA RIN SA INYO'Y may lilitaw na mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang mga alagad.
1 Timoteo 4:1
Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Pedro 2:1 at 3
Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman, may darating SA GITNA NINYO na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong tumubos sa kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak. [3] Sa kanilang kasakiman, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang aral na kathang-isip lamang. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi natutulog.
2 Timoteo 4:3, 4
Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.

Ano ang punto ng mga tekstong iyan?

Na ang mga huwad na Kristiyano ay magmumula sa umiiral ng mga Kristiyano [mga tunay na Kristiyano], at hindi sila mananatili sa tunay na kongregasyon ni Jehova na itinatawag ayon sa kaniyang pangalan.

Sisikapin nilang akayin kahit y'ong mga nasa katotohanan na.

At ang mga turo ng mga tunay na Kristiyano ay hahaluan nila ng kanilang sariling mga ideya.

Ang ilan sa mga ito ay yung birthday, pasko, nasyonalistikong kaisipan anupat nakikibahagi sa politikal na mga gawain, pilosopiya ng tao, tatluhang diyos, kaluluwang hindi namamatay, at marami pang iba.

At ang mga turong iyan ay gustung-gusto ng mga tao.

Ang sabi sa 2 Timoteo 4:3, 4
Susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig.

Gustung-gusto nila ang mga ideyang iyan kahit na salungat ang mga iyan sa itinuturo ng Bibliya. Yung same-*** marriage, ipinahihintulot na din ng ibang religions. Yung pagkakaroon ng mga member na hindi kasal or live-in partner, ok lang din sa ibang religion. Yung mga tomboy at bading, ok lang din sa ibang religion. At pagboto ng mga political na mga kandidato, gustung-gusto din nila.

Kaya, hindi sila ang bayan na tinatawag ni Jehova ayon sa kaniyang pangalan, dahil sila ang mga nanggaling noon sa katotohanan, pero hindi nanindigan. Sino talaga ang sinasamba ng mga relihiyong ito?

Juan 8:44
Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan

Oo, ang sinasamba talaga ng mga ito ay walang iba kundi si Satanas na Diyablo.

Ano ngayon ang gusto kong i-point out dito?

Na ang mga Christian Religions sa kabuuan ay bumubuo sa tinatawag namin na "Sangkakristiyanuhan" - mga nag-aangking Kristiyano. Bakit?

Dahil imbes na akayin ang mga tao sa pagsamba kay Jehova na siyang karapat-dapat sambahin, inakay nila ang mga tao na sambahin si Jesus, ang Anak ng Diyos.

Kahit ipakita ko sa kanila yung teksto na sinabi ni Jesus na si Jehova ang sambahin, hindi nila tatanggapin, bakit? Mas gusto nilang sambahin si Jesus.

View attachment 1490071

At imbes na umasa sa Kaharian ng Diyos at manatiling neutral sa politikal na mga gawain, gaya ng ginawa ni Jesus noon, hindi, hindi sila naging neutral bagkus ay mga supporter pa nga ng mga kilalang kandidato sa politika.

Ang resulta? Nagkaroon ng magkakaibang mga turo at interprestasyon sa itinuturo ng Bible.

Sa mas mabigat na pananalita, naging panggulo sila sa mga tunay na Kristiyano kaya hindi agad makilala ang mga ito.

Pero, gaya ng sinabi ni Jesus, may pagkakakilanlan ang tunay na mga Kristiyano. Ano 'yon?

“Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa; ibigin ninyo ang isa’t isa kung paanong inibig ko kayo. Kung mahal ninyo ang isa’t isa, malalaman ng lahat na kayo ay mga alagad ko.”
(Juan 13:34, 35)

Ano ang punto?

Ang bayan na tinatawag ayon sa pangalan ni Jehova, sila ang tunay na nagkakaisa, mga tunay na Kristiyano, dahil taglay nila ang pag-ibig na walang pagpapaimbabaw, pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa sa gitna ng mundong ito kung saan laganap ang diskriminasyon at pagtatangi ng lahi. Oo, pinagkakaisa nito ang mga tao na may iba't-ibang pinagmulan, lahi at wika. Hindi sila nababahagi dahil sa political system or mga issue na bumabangon sa sanlibutan.


Kumusta ang pagkakaisa sa sanlibutan ni Satanas?

Yes, may mabubuting bagay naman tayong nakikita sa rulership ni Satan, gaya na lang ng, nakapagtatayo ng mga organization para magkaisa [daw] ang mga tao at mapanatili [daw] ang kapayapaan sa mundo, [United Nations] or yung organization na nagpapanatili ng ating magandang planeta, [One Green Planet] or, organisasyon na pangunahing nauugnay sa panggagamot at pagresolba sa mga sakit, [World Health Organization] at iba pa.

Pero, kahit na nagkakaisa ang mga tao pagdating sa ganiyang mga tunguhin, hindi pa rin nito permanenteng nasosolusyunan ang problema ng mga tao, gaya na lang ng diskriminasyon, digmaan, at pagkakabaha-bahagi. Gayundin, hindi rin nila maalis ang mga sakit na nagdudulot ng kamatayan, kundi, ginagamot lamang nila ito pero hindi permanenteng naaalis.

Ano yung punto ko dito?

Mayro'n naman talagang mabubuting bagay tayo na makikita sa mundong ito. Bakit?

1. Nilikha tayo ayon sa larawan ng Diyos. Kaya taglay natin ang kagustuhan na magkaisa at magpakita ng pag-ibig sa iba. Natural yon kahit ang isa ay hindi naniniwala sa Bible.

2. May kalayaan tayo. Kahit under tayo ng rulership ni Satan ngayon, hindi naman ibig sabihin non na imposible ng magkaisa ang mga tao. Gaya nung mga nabanggit ko na nga, may mga organization sa mundong ito na talagang nagkakaisa sa layuning mapabuti ang mundo. At natural kasi yon satin, may alam man tayo sa Bible or wala.

3. Ang pagkakaisa ng mga tao ay resulta ng paghahangad ng mga tao na mapabuti ang mundo. Gayunman, hindi pa rin maaalis nang lubusan ng mga tao ang discrimination at pagtatangi ng lahi, at iba pang mga problema sa mundong ito.

My Conclusion:

- Magkaiba ang pagkakaisa ng bayan ni Jehova sa pagkakaisa ng sanlibutang ito.

- Iba ang bayan ni Jehova sa mga Christian Religion dahil kami lang ang tanging organization na napagkaisa ang 240 na mga lupain at nakapapangaral sa halos 1,030 na mga wika. Nagkakaisa kami sa pagsamba at pagpuri sa aming Diyos, si Jehova.

- Ang sangkakristiyanuhan ay ginagamit ni Satanas para sirain ang pagkakaisa ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang maling mga aral na nakasalig sa kanilang baluktot na mga ideya mula sa Salita ng Diyos. Dahil sa salu-salungat nilang interpretasyon, naisasara nila ang isipan ng maraming tao para huwag paniwalaan ang sinasabi ng Bibliya.
Wait... Clarify ko lang... What u have is an original 1611 copy??
 
Nope. Hmmm, yung ano yan, revised version of King James Bible.

In their 400th year anniversary, the authorized King James Bible revised the old edition of 1611 KJV, .. at, ibinalik nila muli sa revised edition yung name ni Jehovah kung saan ito dapat lumitaw ..
 
Thanks at binasa mo ang article.

"Kung sa standard ni god them we have to against sa standard ni satanas... So parang role playing... Hinayaan ni god si satanas mamuno sa mundo pero dapat si god pa din ang sundin... Parang pawns lang tayo eh..."

Wala eh rebelde tayo sa pamumuno ni Satanas hahahaha alam naman natin masama diba bat susundin?

Hinahayaan niya lang na mamuno kasi may dahilan. Di naman pinipilit na sundin si god, kahit sundin mo si god o hindi affected ka parin sa mga pagdurusa. Yan ang mapapala mo dahil nandito tayo sa mundo ni Satanas.

"Sa mga bagay nman that we have no choice like natural disasters... Kaninong kapangyarihan nman dapat attribute yan?? Kay god or satanas??"

Kanino nga ba? Sino ba namamahala sa mundo natin? Malinaw naman na si satanas eh
 
Thanks at binasa mo ang article.

"Kung sa standard ni god them we have to against sa standard ni satanas... So parang role playing... Hinayaan ni god si satanas mamuno sa mundo pero dapat si god pa din ang sundin... Parang pawns lang tayo eh..."

Wala eh rebelde tayo sa pamumuno ni Satanas hahahaha alam naman natin masama diba bat susundin?

Hinahayaan niya lang na mamuno kasi may dahilan. Di naman pinipilit na sundin si god, kahit sundin mo si god o hindi affected ka parin sa mga pagdurusa. Yan ang mapapala mo dahil nandito tayo sa mundo ni Satanas.

"Sa mga bagay nman that we have no choice like natural disasters... Kaninong kapangyarihan nman dapat attribute yan?? Kay god or satanas??"

Kanino nga ba? Sino ba namamahala sa mundo natin? Malinaw naman na si satanas eh
Rebelde na kay god, rebelde pa din sa rebeldeng satanas.... Tao nga naman...hahahahaha...

So everything good about mankind and everything good around us eh dahil sa pamumuno ni satanas as well as all the bad.... noted ...pretty much eh walang difference din pala kay god...
 
Bakit may ibang religion na kahit same religion eh handang patayin ang isa't-isa para sa bansa nila?
U didnt answer my question though...

And inacknowledge ko na nga ung "ibang pagkakaisa" ng jw eh ipopoint mo pa din ung mga pagkukulang ng iba.... Yes may pagkakaisa at mayron din pagkakaiba across all religions... Pero to discuss ung sinASabi mo na pagiging iba nyo, wala bang flaws ang religion nyo??? Wat happened after ng mga failed "predictions"?? Nagkaisa pa din ba?? Sa elections ng president nyo, wala bang division?? Sa mga child m0lestation scandals eh nagkakaisa din ba kayo??
 
wala bang flaws ang religion nyo??? Wat happened after ng mga failed "predictions"?? Nagkaisa pa din ba?? Sa elections ng president nyo, wala bang division?? Sa mga child m0lestation scandals eh nagkakaisa din ba kayo?
Flaws? Mero'n po.

Failed Predictions? Nagkaisa pa din ba? Hmmm .. Nanatiling tapat ang karamihan. Yung mga mas umasa sa "kaligtasan", sila yung nagsialis at bumalik sa dati nilang pamumuhay.

Elections ng president, wala bang division? Nagkaro'n ng division noon, lalo na nung papalitan si Russel sa pagiging president. Pero, kalaunan, naayos naman ang problema. Yung mga hindi sumang-ayon ay nagsialis/naalis dahil sa nagdulot sila ng pagkakabaha-bahagi sa organisasyon.

Chil molestation scandals? Nagkakaisa din ba kayo? May kaayusan ang organisasyon sa paghandle ng cases sa mga kongregasyon at may mga tagubilin about sa kalayaan ng mga victim sa pagrereport nito sa awtoridad. Hindi sila pinipigilan sa pagsasabi nito sa mga awtoridad. Nagkakaisa? Yes, pagdating sa mga kaayusan kung paano ihahandle yung mga ganitong kaso pati na ang pagrereport nito sa awtoridad.
 
Flaws? Mero'n po.

Failed Predictions? Nagkaisa pa din ba? Hmmm .. Nanatiling tapat ang karamihan. Yung mga mas umasa sa "kaligtasan", sila yung nagsialis at bumalik sa dati nilang pamumuhay.

Elections ng president, wala bang division? Nagkaro'n ng division noon, lalo na nung papalitan si Russel sa pagiging president. Pero, kalaunan, naayos naman ang problema. Yung mga hindi sumang-ayon ay nagsialis/naalis dahil sa nagdulot sila ng pagkakabaha-bahagi sa organisasyon.

Chil molestation scandals? Nagkakaisa din ba kayo? May kaayusan ang organisasyon sa paghandle ng cases sa mga kongregasyon at may mga tagubilin about sa kalayaan ng mga victim sa pagrereport nito sa awtoridad. Hindi sila pinipigilan sa pagsasabi nito sa mga awtoridad. Nagkakaisa? Yes, pagdating sa mga kaayusan kung paano ihahandle yung mga ganitong kaso pati na ang pagrereport nito sa awtoridad.
Un nga ung point ko... So ung sinasabi mo na "iba" na pagkakaisa nyo compare to others is not any better... Di din kayo ganong kasolid... So di din kayo naiiba in that aspect atleast...
 
Okay, kung yan ang iyong pinopoint sa una mong sinabi. Pero hindi namin pinapatay ang kapuwa namin para lamang sa nationalistikong hangarin, o ng dahil lamang sa relihiyon; at na hindi kami nababahagi dahil lang sa pagpanig sa isang partido politikal.

Yes, tama ka, na nagkaroon din kami ng "divisions" sa history ng modern-day JW's. Pero, sa kabuuan, hindi kami nababahagi.

Na-gets mo ba yung pinupunto ko sa part na 'to?
 
God is in control of everything we just have to trust have Him more deeply regarding sa mga nagaganap ngayon or sa concern mo we have so called natural causes na which is another topic to discuss
 
Okay, kung yan ang iyong pinopoint sa una mong sinabi. Pero hindi namin pinapatay ang kapuwa namin para lamang sa nationalistikong hangarin, o ng dahil lamang sa relihiyon; at na hindi kami nababahagi dahil lang sa pagpanig sa isang partido politikal.

Yes, tama ka, na nagkaroon din kami ng "divisions" sa history ng modern-day JW's. Pero, sa kabuuan, hindi kami nababahagi.

Na-gets mo ba yung pinupunto ko sa part na 'to?
I agree dun sa wala kayong pinapanigan partidong politikal as a group... I always believe na ung choice na un is an individual one and shouldn't be dictated upon by anyone... Pero kung ang isang religious group eh nagkakaisa nman sa sa politika eh does that mean pasok din sila sa criteria yung ng "di pagkakabahagi"??

Can u specify ung pagpatay na sinasabi mo for nationalism or religion...twice mo na kasi nabanggit so i think may di lang yan basta vague statement...


So kung kayo eh di kagaya ng mga nabanggit mo pero u guys molests your kapwa means ur better than them?? So lesser evil???
 
Where’s your proof sir? Sabi ni God in times like these dapat lalo natin patatagin ang faith natin hindi yung konting pagsubok lang lumilihis na tayo sa kung ano nakikita natin
 

About this Thread

  • 117
    Replies
  • 4K
    Views
  • 13
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
967
Guests online
5,822
Total visitors
6,789
Back
Top