What's new

Trivia Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570

Bakit Dapat Itong Pag-isipan?

Kung may dahilan para maniwalang matatapos ang pagdurusa, tutulong ito para magkaroon tayo ng positibong pananaw sa buhay at mapalapít sa Diyos.

Pag-isipan Ito

Gusto ng maraming tao na alisin ang pagdurusa pero limitado lang ang kaya nilang gawin. Pag-isipan ang sumusunod:
Kahit na sumusulong ang medisina . . .
  • Marami pa rin ang namamatay dahil sa sakit sa puso.
  • Milyon-milyon ang namamatay kada taon dahil sa kanser.
  • “Problema pa rin ng mundo ang mga sakit na walang lunas, mga bagong sakit, at mga dati nang sakit na muling lumitaw,” ang isinulat ni Dr. David Bloom sa babasahing Frontiers in Immunology.
Kahit na mayaman ang ilang bansa . . .
  • Milyon-milyong bata ang namamatay taon-taon, at ang mga nakatira sa mas mahihirap na lugar ang pinakaapektado.
  • Bilyon-bilyong tao ang walang maayos na palikuran.
  • Daan-daang milyon ang walang makuhang malinis na tubig.
Kahit na mas marami na ang nakakaalam ng mga karapatang pantao . . .
  • Patuloy pa rin ang human trafficking sa maraming lupain, at sinasabi ng isang report ng United Nations na kaya hindi hinuhuli ng mga bansa ang mga sangkot dito ay dahil sa “hindi nila alam na nangyayari ito o wala silang kakayahang solusyunan ito.”
    PARA SA IBA PANG IMPORMASYON
    Panoorin sa jw.org ang video na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ang Sinasabi ng Bibliya

Nagmamalasakit ang Diyos sa atin.
Nakikita niya ang paghihirap at pagdurusa natin.
“Hindi niya [ng Diyos] hinahamak o binabale-wala ang pagdurusa ng naaapi; hindi niya itinatago ang mukha niya rito. Nang humingi ito ng tulong sa kaniya, nakinig siya.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
“[Ihagis] ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong álalahanín, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
May katapusan ang pagdurusa.
Matutupad ang layunin ng Diyos para sa atin.
“Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Aalisin ng Diyos ang lahat ng dahilan ng pagdurusa ng tao.
Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, o gobyerno.
“Ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman. At ang kahariang ito ay hindi ibibigay sa ibang bayan. . . . Ito lang ang mananatili magpakailanman.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?

Oo, pero hindi dahil sa pagsisikap ng tao. Pansamantala lang ang lunas na maibibigay ng gobyerno ng tao sa mga pagdurusa natin, pero permanenteng aalisin ng Diyos ang lahat ng pagdurusa ng tao. Gagawin niya iyon sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian.
 
So far, kahit sabihing hindi mawawala ang pagdurusa dahil sa kagagawan ng tao, malayo na narating ng siyensya sa pagbawas sa pagdurusa.

Paano kung ang modernong mundo pala ang pinangakong "kaharian" sa pamamagitan ng siyensya na siyang kinokontra ng mga relihiyon? Hindi kaya yan ang dahilan kung bakit meron padin pagdurusa?
 

Similar threads

Back
Top