SK08, Basahin mo yung dinagdag ko sa isang similar thread na binasa mo na rin he he. Mas malinaw ito para sa lahat.
RIGHT OF WAY PWEDE BANG BAKURAN?
Medyo kumplikadong pag-uusap ito. Ako rin ay nadale nyan kailan lang at nagpaubaya na lang na gibain yung isang parte sa loob ng bahay ko para makalabas/makadaan kami at yung mga may bahay pa sa likod namin sa loob at labas ng aking bakuran, dahil sinaraduhan na ng bagong may-ari yung dating "ROW" (na wala naman sa deeds) ng lupang ibinenta na sakop yung harapan at likuran ko he he - nakasanayan lang bago pa man ako tumira doon dahil sa pahintulot ng matandang may-ari ng mga ari-arihang nakapaligid sa amin. (Yung kamag-anak ni misis na nagbenta ng lupa ay isinali yung portion ng lupang dinaraanan sa pagbenta ng property kaya binigyan ako ng sakit ng ulo. Pati ako nadamay.) Pinag-iisipan ko pa na i-request sa local government na i-convert na sa kalsada dahil lahat ng bahay mula sa entrance hanggang mismong likod namin (na +walong pamilya) ay daanan ng sewage at electrical lines din na sinaraduhan nila hanggang sa likuran ng bakuran namin at tinambakan pa yung existing exit ng sewage drain ***** ko (damay pa yung paikot sa residential lot nila papunta sa main colvert na lagusan - maling mali! Pinagbigyan ko lang noon dahil may pagkukulang yung mga nagbenta ng lupa sa side ng misis ko at anak pa pala ng malapit kong katrabaho na humingi ng pasensya sa'kin yung bumili ng lot. Ano pang magagawa ko kundi magpaubaya muna. Pero ngayong nag-umpisang bumara na yung lagusan ng tubig ko tuwing umuulan at bumaha yung likuran ko ay maiiba na yung desisyon ko kung di ko pa mahanapan ng praktikal na solusyon.
Dapat talaga, may alam tayo sa batas kahit kaunti para alam natin yung gagawin sa kahit anong sitwasyon. Open naman sa public ang batas at mayroon tayong mga opisyales sa barangay na mag-assist kung ano ang dapat gawin. Kung hindi, idaan nyo sa mas mataas - and so on and so forth eka nga. Sa huli na lang yung abogado at harapan sa kinauukulang tanggapan kung kinakailangan lang. Alangan namang ipa-tulfo pa yan he he.