What's new

Paano mapapaalis(mapapakulong if possible)

Status
Not open for further replies.

Cutieful

Eternal Poster
Established
Joined
Jan 19, 2018
Posts
806
Reaction
417
Points
289
I have this friend, may kaya sila. Actually medyo mayaman na, maganda bahay, may mga kamag anak sa ibang bansa na mayaman rin. Then nanay ng friend ko, may pinakilala dun na manggagamot daw, pero napatunayan na netong friend ko na "fake" yun. Lahat kasi ng sakit sa bahay nila, icoconsult ng nanay nya doon sa manggagamot. May kapre daw si ganito, need mag alay pero yung alay sa probinsya. Magpapadala yung nanay nya ng 1500 above gcash papunta sa probinsya doon iaalay. Diba dun palang fishy na? Yung friend ko, di kumain ng 3 days kasi broken hearted may kapre daw, laki ng gastos nila. Sabi nga nitong friend ko, nakaka 10k per week sila doon sa manggagamot na yun.

Yan ay una pa lamang sa kwento, eto pa yung second part. Etong si "inday" yan mismo name nyan, inday. Sinabi doon sa nanay ng friend ko na nasa bahay daw nila yung "tallano gold" daheck, dun palang suspicious na. Eto namang paniwalain na nanay ng friend ko, naniwala pinapahukay yung bakuran nila to the point na kasya na yung isang branch ng bigbrew dun. Kamag anak nung inday yung naghuhukay doon, tapos doin nakikitira sa bahay ng friend ko parang nakacondo may sariling room. Tapos hanggang ngayon wala parin nakikita, sabi ba naman nito ni inday eh tinatago raw ng kapre kaya di makita. Puro bato pa yung nakukuha nila, then ipina test pa mismo ng nanay niya yung mga bato(as in kitang kitang bato pero ipinipilit ni inday na ginto yun).
Ayun panibagong gastos, basta sobrang laki ng gastos nila as in dahil sa inday na yun.

Eto naman yung third part na isa rin sa proof na manloloko yung inday. May nintendo switch oled kasi yung kuya ng friend ko, pinahiram sakin pinuslit lang dahil wala naman dun yung kuya nya. Kaso napatagal sa bahay namin kaya narealize ng kuya nya na wala yung switch sa cabinet niya. Then ayun hinalughog buong bahay to the point na galit na galit na itong kuya nya. Then itong nanay nya ipinaconsult kay inday. eto yung sinabi "Hala sister, wala na yung switch nyo pinirapiraso na, 2 months nang nawawala, ipinasangla ng isa sa bahay nyo pero ang nangyari pinirapiraso kaya naging benta na"
Ehhh sobrang healthy ng switch sa kamay ko for 2 weeks. Then ayun ipinuslit namin pabalik sa cabinet na parang walang nangyari, pero di parin napapaalis yung manloloko na yun.

At kaya hindi rin mapaalis ng friend ko yung inday na yun, di niya masumbong sa kuya niyang priest sa ibang bansa kasi baka hindi na sila padalhan ng pera.

So eto na nga, how can I help my friend about this matter? Kinakabahan rin ako na baka yung hinuhukay sa bakuran nila eh maging libingan pa nila(wag naman sana) sobrang laki narin ng gastos nila doon sa manggagamot(manggagamit) na yun
 
Naku... Hindi mo problema yan...
Hindi makumbinsi ng friend mo yung nanay niya. Hindi nya kontrolado si nanay. Sobrang tanda na ba ni nanay... centenario na ba??? Taking advantage si Inday sa nanay ng friend mo. Kailangan ng convincing powers ng mga kamag-anakan.

Huwag nyo kalimutan i-document ang lahat ng ebidensya.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top