What's new

Pagod Na Ako Promise

Jayfoxsoul452

Forum Veteran
Elite
Joined
Mar 10, 2015
Posts
1,686
Solutions
1
Reaction
876
Points
571
Age
27
Magandang Gabi mga ka PHC ❤️

Share ko Yung situation ko Ngayon di ko na mapigilan.

Di ko na talaga kaya sa Buhay ko parang Wala na akong ganang mabuhay Dito sa Mundo araw araw nalang malungkot,Mailing mali,Walang Silbi,Hindi magaling.

Habang uuwi ako papuntang Bahay iniisip ko talaga Yung mga pagkakamali ko (Yung Work Related) bigla nlng ako napaluha,nanghihina Dyan ako nakakapoblema dulot Ng depression yung down na down kana sa sarili mo palaging overthink Wala ng sasagip sayo iniisip ko na din magpamakamatay pero paano na Yung pamilya ko sino na mag aalaga sa kanila hirap na hirap na talaga ako may pangarap pa Naman ako sa Buhay.

Bakit kaya nangyari to sa akin?
Wala Naman akong ginawang masama.
Wala Naman akong tinatapakan na Tao.
Wala Naman akong niloko na tao
Wala Naman akong sinaktan na tao.

Grabe na itong taon nato Walang masayang moment nangyari sa akin. buti Yung iba nagka sa success, Yung iba may sariling pamilya na,Yung iba mabibili na nila Yung gusto nila, Yung iba ma suporta pa yung pamilya nila, Yung iba swerte sila sa Buhay.

Samantalang ako Walang Wala sa Buhay puro failure nangyari sablay

Na trauma na ako sa pagiging Masaya kung palagi Kang Masaya meron namang masamang pangayayari dumating sayo.

Dito ko lang na post Kasi Walang toxic dito. Baka maraming na relate.
 
napag daanan ko na din yan ts na lagi kung kinukumpara ung buhay ko sa iba, naisip ko lang ung mga apostol ni kristo, karamihan sa kanila karumaldumal ang kamatayan, pero bakit ganun mga alagad cla ng dyos pero bKit brutal ang kamatayan nila, kagaya ng mga drug addict, cla laging kawawa. pero ni isa wala kang mababalitaan na druglord na nahuli. kasi hindi naman yan ang batayan sa buhay , magugulat ka na lang ung kapitbahay nyung napakabaet namatay na pero ung isa mung kapitbahay na walang hiya buhay pa dba unfair😂
kasi ang pag kaka alm ko dyan hinahayaan lang tyo ng dyos bale ang ending natin sa pag huhukom wala ka talagang ligtas ,kung sa computer may hard drive merun din ang dyos nyan lahat ng ginawa ntin nka record sa book of life , kaya wag mo masyado isipin un ts. mag pray ka lang pg di mo na kaya at pumunta ka sa lugar na walang tao at umiyak ka un ang sagot dun
 
Baka hinahambing mo ang sarili mo sa iba? Hindi karera ang buhay ts, kung ihahambing mo ang buhay mo sa iba hindi ka magiging masaya ts, chill lang gawin mo lang ang mabuti maano bat may mabuting resulta din yan sa huli grind lang ng grind

Example sakin , yong iba kong mga kamag anak may kaya kaya na sa buhay nabibili na nila gusto nila at nakakapasyal sa mga magagandang lugar, sa puso ko hindi ako na iinggit sa isip ko kasi ts, hindi karera ang buhay na dapat ganito ganyan na dapat mas successful ka kaysa sa iba na dapat magaling ka, hindi ganun ang isip ko ts, ginagawa ko lang yong dapat na gawin para sa sarili kong kapanibangan hindi sa pagyayabang para e please ang iba , kung saan ako magiging komportable doon lang ako papakahirap pa ba ako para e please ang iba? Ano sila sinuswerte? , sarili ko nalang e please ko kaysa sila 🤣
 
Last edited:
eto na lang isipin mo TS, kung sa tingin mong pagod ka na, may mas pagod pa sayo. Ma swerte ka pa rin dahil may inuuwian at natutulog ka na hindi ka basa sa ulan, hindi ka nilalamig sa gabi dahil sa ginaw. Tsaka bakit mo kailangan ikumpara ang sarili mo sa iba? Magkakaiba ang takbo ng buhay ng tao, iba iba ang tadhana ang naghihintay sa atin. Hindi tayo pantay pantay ng antas noong tayo'y pinanganak, may pinanganak na mayaman at mayroon din naman pinanganak na mahirap.

bottom line is, hindi mo kailangan ikumpara ang sarili mo sa iba. Hindi mo sila kailangan para lumago ang sarili mo. Hindi sila kailangan para makilala mo ng maigi ang sarili mo. At lalong hindi ka nabubuhay para ma-impress ang ibang tao.

Kaya mo yan TS, lilipas din yan. Sa mundong ito, hindi ka mag-iisa.
 
be content to be who you are. always thanks to our creator, what he gave it to you. don't forget to pray every time you are awake in morning till you go to sleep at night. ang pagiging kontento sa kung meron ka at biyaya sayo yn. inggit dapat iwasan tandaan mo. ang tao ay may kanya kanyang pahina (page) ang bawat pages at iba iba ang nakasulat. kahit ang insekto ay may kanya kanyang uri. kya wagka magkumpara kung masuwerte ba ang itim na langgam kaysa pula there are the same species same as ant.
 
tama po sila TS....BUT if ganitong mga feelings mo nakaka.hinder na sa daily living mo...i mean di ka na kumakain, naliligo, nakikipag-usap sa iba, ayaw na pumasok sa trabaho o matinding kalungkutan na feeling mo wala ng pag-asa at para kang nalulunod...mas mabuti po magpatingin ka na sa psychiatrist po...kasi bukod sa therapy na sinasabi nila, mas maigi din na may gamot ka din iniinom para tulungan mag stabilize ang mood mo. Sana di po tayo takot komunsulta sa doctor lalo na hindi lang tungkol sa pisikal na kalusugan pati din emotional at mental na aspeto po.
 
nakakalungkot talaga yan ts pero ang totoo bawat isa sa atin may ganyan ding nararanasan, di ka nag iisa, rant mo lg dito mga ikinakasama mo ng loob tiis, kailangan mo lang yan talaga ilabas, makaka ahon din tayo, kapit lang di lahat ng pagkakataon, sa mababa ka, maitataas ka rin, kapit lg, kaya natin yan
 

Similar threads

Back
Top