seanjohnmamba
Honorary Poster
alis ka kung sure na magkakawork ka sa japan. 8 years na above minimum ka pa din di kayo mabubuhay niyan
Girl ka diba? para sayo ba ano masasabi mo? kasi sa part niya gusto niya na magsama na kami, kasal ganun, kasi may nakausap siya na friend niya dun sa japan na pagkasal na daw siya pwede na daw ako magpart time job dun sa japan. Napansin ko lang naman na parang biglaan yung gusto niya mangyari, naisip ko na na-hype lang siya dun sa balita ng friend niya.
Pala naman, pero ikaw pag dating dun may job offer na waiting sayo? Na sa inyo na yan 2 boss, matagal na naman kayong dalawa kaya mapaguusapan nyo ang pinakabest option para din sa future nyoPang dambana na talaga si gf sir, kaya nga kahit daming tukso hindi ko siya nagawang ipagpalit kasi alam natin sating mga boys na pipiliin natin yung matinong babae pa din diba, kesa sa mga babaeng alam natin kung kani-kanino nagpapagalaw, kaunting bola mo lang bibigay na agad. Napakatinong babae ni gf, God fearing, Cum laude pa boss..Kaya medyo may ego ako na parang too much naman siya sakin. Opposite kami...pero love namin isat-isa 12 yrs.in relationship ba.
boss yung mga part timer sa Japan maganda din ang kita. Simpleng aassist assist ka lang sa supermarket 80K ata monthly, and mga 4 hrs a day lang yun ah. And uso din dun ang multiple jobs kaya kung masipag ka pwede 2-3 part time and do the math, madali kayo makakaipon.
Una masama ang record ng resign.do your responsibility in your work.tapusin no contract mo.then punts k s gf mo.sya bahala sayo.total yon ginusto nya.
Be matured Hindi yan problema.
Well the same tayo, may nakarelasyon din ako dati cum laude din siya and board passer sa accounting. You need na kausapin mo siya regarding that matter (base on my experience). Sabihin mo yung insecurities mo, yung mga feelings mo in a malumanay na pagsasalita and pakita mo sa kanya you are not comfortable on that situation. Ayaw mo siyang mawala di ba? and mahal mo siya di ba? Kaya kami naghiwalay because of long distance relationship and wala ng spark ng love. Ganito yan sir hindi permanente ang buhay, maybe future ninyong dalawa ang iniisip niya and makasama ka. Tanong mo sa sarili mo anu bang mas mahalaga ang trabaho mo dito o ang kasama mo ang mahal mo at bubuo kayo ng mga pangarap na magkasama kayo?.
8 years sa company = sobrang ganda sa resume neto.
12 years in a relationship = matibay na ang pundasyon nyo.
1)_ kalimitan kasi bago mag-resign, maganda sana kung meron agad kapalit na trabaho. at sa case mo naman sir, magiging madali lang humanap ng trabaho kasi maganda na resume mo.
in short, sa financial view, hindi ka mahihirapan.
2)_ gusto nang magpakasal ni GF. eh ikaw ano bang sagot mo? kung oo. why delay? at kung hindi pa. ask mo nalang kay GF na kung ano pa ba ang papatunayan mo eh 12 years na nga kayo and counting.(view ko, baka lang kasi nagmamadali si GF kasi medyo malikot ka. ahah)
3)_ kung inaalala mo naman ung pamilya (at syempre kahit sino, aalalahanin yan). madami namang ibang mode of communication ngayon. facebook,txt,calls,messenger, etc.
4)_ kung hindi mo magustuhan dun sa japan. madali naman mg reason out sa GF mo. teacher yan. tatanggap yan ng kahit anong arguement as long as merong concrete na dahilan. maiintindihan ka nyan kung ma-culture-shock ka dun sa japan, kung ma homesick ka.
5)_ maraming gusto mag-Japan, iilan lang ang nabibigyan ng pagkakataon. Itry mo din muna. kung hindi madali naman bumalik dito sa Pinas. Parang beer, noong hnd pa natin alam ung lasa, i-nassume na agad na panget lasa, pero nung napasarap na. napapadalas na ang inom. at kung hnd mo na trip mag inom. pede mo naman agad itigil. balik ka ulit dito kung hnd mo gusto mo. ang nag-count lang, na experience mo mag-Japan. plus points paden sayo. mas maganda sa resume.
payo ko sayo. lagi mo tignan LAHAT NG BAGAY as positive. maganda o panget ung mga nangyari. one thing is for sure, meron ka natutunan. plus yun palage saiyo.
yun lang! Good luck!
sir, tanung ko lang po pag nawalan ka ng trabaho after 10 years,
mahal kapa kaya ng gf mo?
kung mayroon naman trabaho naghihintay sa inyo abroad then willing po ba kayo
mawala sa comfort zone,
the risk of job seeker.
good luck sir
Bro makasagot lang ha im 42 yrs old much may experience na din sa buhay ganito na lang practical speaking 1.ayaw mo bang i try na mag work sa abroad at makasama ung gf mo dahil sa work moYun na nga Sir gusto niya na magpakasal kami, then tinapat ko siya sabi ko hindi pa ako ready next year, madami pa akong i-aadjust, naintindihan niya nmn daw pero kinabukasan inaway na ko. kaya di kami ok ngayon. para sa kanya hindi daw ako ready magpakasal, ang sinabi ko lang naman eh next year hindi pa ako ready, pero sa 2020 ready na ako..kasi biglaan yung pagkasabi niya, kaya ang time frame ko to be ready is until next year.