What's new

Closed Nahihirapan akong mag-resign..help please!

Status
Not open for further replies.
Heto lang naman sagot diyan...ikaw pa din naman masusunod kung ano sa tingin
mo makabuti para sayo...tingin ko naman sayo eh hindi mo kaya iwanan work at pamilya
mo dito sa pinas...ung GF mo? oo problema yan TS..PERO kung talagang mahal ka niyan
uunawain at rerespetuhin niya ang gusto at desisyon mo..pag hindi miya kaya tanggapin,
try mo status 200 para fast connect hahaha joke...sundin mo lang kung ano sa tingin
mo Ts ang makakabuti sayo na walang mahihirapan..or choose kung ano man ang nararapat.
 
Si gf na ba ang the one mo? I mean pangdambana na ba at pag dating mo sa Japan may stable job din bang sure na naghihintay para sayo? Kahit ano pa man ipayo naming lahat, kaw pa rin ang masusunod repa sa desisyon mo, choose wisely dahil mahirap ang buhay ngayon, tama sila sa taas mahirap naman talaga makahanap ng trabaho na ok ang swelduhan at convinience gaya ng description mo sa job mo.

Pang dambana na talaga si gf sir, kaya nga kahit daming tukso hindi ko siya nagawang ipagpalit kasi alam natin sating mga boys na pipiliin natin yung matinong babae pa din diba, kesa sa mga babaeng alam natin kung kani-kanino nagpapagalaw, kaunting bola mo lang bibigay na agad. Napakatinong babae ni gf, God fearing, Cum laude pa boss..Kaya medyo may ego ako na parang too much naman siya sakin. Opposite kami...pero love namin isat-isa 12 yrs.in relationship ba.
 
Yun na nga ang nangyari Sir, yun ang labas sa kanya..feeling niya wala akong balak pakasalan siya. Totoo naman yung sinabi ko na marami akong iaadjust, mentally, emotionally, financially din..kaya nasabi ko hindi pa ako ready next year.
Sorry Ts, pero in reality ang naramdaman nya is un feeling ng disappointment kasi sya na ang nagoffer na magpakasal na kayo eh nireject mo, dapat ginawa mong lighter ung choice of words mo, pero andyan na yan eh, ngaun you have to make a decision kung aalis ka dyan sa C-zone mo at take a big step towards having family or stay ka dyan sa C-zone mo.
 
Yun din ang punto ko, sabi niya nga pwde ako magpart time, pero di nanamn ganun kadali kahit nandun na ko siyempre need mo mag aral pa ng japanese language. Tapos kasi mas malaki sinisweldo niya na nafefeel ko na bka maging under ako, kakainin ko yung pride ko?nagets mo?syempre mas malaki sweldo niya eh alangan naman mag malaki ako sa kanya everytime na may away na mangyari, eh may mga pride tayong mga lalaki diba na gusto natin mas tayo yung nagpprovide kesa sa mga babae.
This is the best example kung baket andaming broken hearted at broken family now adays
 
Sorry Ts, pero in reality ang naramdaman nya is un feeling ng disappointment kasi sya na ang nagoffer na magpakasal na kayo eh nireject mo, dapat ginawa mong lighter ung choice of words mo, pero andyan na yan eh, ngaun you have to make a decision kung aalis ka dyan sa C-zone mo at take a big step towards having family or stay ka dyan sa C-zone mo.
kaya medyo nalilito ako sir. kaya napunta ako dito para makakuha ng advice sa mga tao. kaya diko pa siya magawang kausapin kasi,nasaktan din ako sa sinabi niya na - "pag di pa daw ako ready next year maghiwalay na daw kami at magsisimula na ulit siya" - jan ako nasaktan sir, parang ambilis niya magsalita ng ganun, ano yun hanap agad siya ng iba wala ng move on move on? ganun ba yun.
 
This is the best example kung baket andaming broken hearted at broken family now adays
Yan sir kaya sobrang nahihirapan ako, huhuhu..naiiyak talaga ako kahit lalaki ako. may part kasi talaga sakin na gusto ko ako magprovide ayaw ko ikaw mas gumagastos satin kahit mas malaki sweldo mo.
 
Heto lang naman sagot diyan...ikaw pa din naman masusunod kung ano sa tingin
mo makabuti para sayo...tingin ko naman sayo eh hindi mo kaya iwanan work at pamilya
mo dito sa pinas...ung GF mo? oo problema yan TS..PERO kung talagang mahal ka niyan
uunawain at rerespetuhin niya ang gusto at desisyon mo..pag hindi miya kaya tanggapin,
try mo status 200 para fast connect hahaha joke...sundin mo lang kung ano sa tingin
mo Ts ang makakabuti sayo na walang mahihirapan..or choose kung ano man ang nararapat.
Hirap boss, hayyyy...inaalala niya kasi natanda na daw siya, 27yrs.old na kasi siya..eh ang mga babae talagang aware sila sa age nila na dapat sa edad na ganito ganyan..etc.
 
Kailan balik ng gf mo? i think sa ganyang crucial sa isang relasyon is need ng counselling. Pagusapan ninyo ng masinsinan yan, wag mo isantabi ang feelings niya for your own sake. Try to balance the things, go to deeper understanding between you and your gf. Ito ang pagkakatandaan mo merong magsasacrifice isa sa inyo and need a mediocre solution on that matter. That is a trial on your relationship that must be overcome in order na maging kayo na talaga in the future. Make a solution between you and your gf na pagkakaintindihan ninyo.
 
every year sir pwede siya umuwi. medyo malalim yung ibang english mo sir dko alam meaning pero overall naintindihan ko naman. Sana nga magkaintindihan kami. Nafefeel ko din kasi na parang under niya ako sa lahat ng bagay, matalino siya Cum Laude nga eh, proffesional job niya malaki ang sweldo. Paano nalang ako.
 
Yung gf mo o yung job mo? Nasa sa'yo yan ts kung ano talaga ang mas gusto mo, mas makakapagsaya sa'yo at hindi mo pagsisihan sa huli yung desisyon na napili mo? Pagisipan mo ito ts sa job mo ba sa ngayon nakikita mo na ba na makakamit/maipupundar mo ang mga goals mo (kagaya ng bahay kahit simple lang, security of tenure, financial security and freedom, kotse (optional) etc.) o baka mas gusto mo ng challenge and take a better opportunity out there better than the current job mo na pwedeng masatisfy ang gusto ni gf at baka magustuhan mo rin at mas matulungan mo pa sarili mo at pamilya mo. So in 8 years na nagtatrabaho ka dyan masasagot mo yan at mapapag-isipan mo. About kay gf naman 12 years na kayo medyo matagal na at sya na talaga ang nag-aaya na magpakasal kasi 12 years na eh tagal na talaga nun at pwedeng pwede na talaga kayo magpakasal wag ng paabutin ng 30 years old mahirap na yun medyo late na basta't ok na kayo ready na kayo sa buhay na magasawa,magpamilya, financial,emotional,spiritual, nunal lahat ng may al sa dulo.joke lang hahaha. Sa tingin ko ts kung sya na talaga wag mo ng pakawalan pa. Medyo tumatanda na rin sa ganyang edad dapat sa stage na ng pagaasawa at pagpapamilya. Mahirap na baka maging single pa at másáráp magalaga ng bata habang bata ka pa. Pag-isipan mo ts kung ano talaga ang mas gusto mo, mga plano mo sa buhay at kung ayaw mo mawala yung both, pagusapan nyong dalawa ang mga decisions mo at plans mo at ipaunawa mo ng matindi sa kanya.
 
Kaya ka nahihirapan umalis sa work is kasi nasa comfort zone ka na. And kaya pa ng sweldo mo yung mga panggastos mo sa araw araw. Pero may matutunan ka pa ba sa current work mo? Ikaw na din nagsabi na may mga weeks or months na halos wala ka ginagawa. Kung ako ang tatanungin boss kung may opportunity na magtrabaho sa Japan grab it. At least dun marami ka pang ibang matutunan at di hamak na lalaki ang sahod mo. Tutal sabi mo naman papakasalan mo naman GF mo, need mo din mag-ipon para sa kasal at syempre kung saan kayo titira.
 
Salamat sir sa mahabang mensahe. Bali sabihin ko lang din yung ilang scenario, may pinatayong apartment kapatid ko at yung isang unit dun maliit lang tama lang sa mag-asawa ako nagpagawa i mean nagpaayos nung isang unit. napag-uspan namin na pansamantala dun muna kami titira if ever kaya pinaayos ko ng mabuti, i spend 100k + para dun, dun na npunta ipon ko..tapos mangyayari yung ganito na gusto niya na ako pumunta dun pde daw ako magpart time dun pagkasal na kami..sa isip ko ganun ba kadali yun?makahanap agad ng part time job? ayoko maging pasanin niya dun if ever di pa ko palarin..at paano naman yung pinaayos ko na unit?iwan nalang basta matpos lahat ng effort ko mapaayos yun para samin?
 
boss yung mga part timer sa Japan maganda din ang kita. Simpleng aassist assist ka lang sa supermarket 80K ata monthly, and mga 4 hrs a day lang yun ah. And uso din dun ang multiple jobs kaya kung masipag ka pwede 2-3 part time and do the math, madali kayo makakaipon.
 
Una masama ang record ng resign.do your responsibility in your work.tapusin no contract mo.then punts k s gf mo.sya bahala sayo.total yon ginusto nya.
Be matured Hindi yan problema.
 
Kaya ka nahihirapan umalis sa work is kasi nasa comfort zone ka na. And kaya pa ng sweldo mo yung mga panggastos mo sa araw araw. Pero may matutunan ka pa ba sa current work mo? Ikaw na din nagsabi na may mga weeks or months na halos wala ka ginagawa. Kung ako ang tatanungin boss kung may opportunity na magtrabaho sa Japan grab it. At least dun marami ka pang ibang matutunan at di hamak na lalaki ang sahod mo. Tutal sabi mo naman papakasalan mo naman GF mo, need mo din mag-ipon para sa kasal at syempre kung saan kayo titira.

salamat sa reply..medyo may point kau dito sir..yun na nga din point ko nasa c-zone na ako. kaya pa naman ng sweldo pang araw-araw. Sa work nga wala na ko ibang natutunan kasi master ko na yung field of work sa company tapos gumaan pa lalo trabaho, nasa akin nalang yung pag gusto ko pa may matutunan sa work, self-study ba. Banggitin ko lang din yung sa part time job na sinasabi ni gf na pwede daw ako kumita ng 1k per day, naisip ko 1k per day?kaunti nalang kaya ko abutin yung 1k dito sa pinas..
 
every year sir pwede siya umuwi. medyo malalim yung ibang english mo sir dko alam meaning pero overall naintindihan ko naman. Sana nga magkaintindihan kami. Nafefeel ko din kasi na parang under niya ako sa lahat ng bagay, matalino siya Cum Laude nga eh, proffesional job niya malaki ang sweldo. Paano nalang ako.

Well the same tayo, may nakarelasyon din ako dati cum laude din siya and board passer sa accounting. You need na kausapin mo siya regarding that matter (base on my experience). Sabihin mo yung insecurities mo, yung mga feelings mo in a malumanay na pagsasalita and pakita mo sa kanya you are not comfortable on that situation. Ayaw mo siyang mawala di ba? and mahal mo siya di ba? Kaya kami naghiwalay because of long distance relationship and wala ng spark ng love. Ganito yan sir hindi permanente ang buhay, maybe future ninyong dalawa ang iniisip niya and makasama ka. Tanong mo sa sarili mo anu bang mas mahalaga ang trabaho mo dito o ang kasama mo ang mahal mo at bubuo kayo ng mga pangarap na magkasama kayo?.
 
Last edited:
nasa paguusap yang TS, dapat pagusapan ng maayos yan, bet. you and your gf. . at iexplain mo yung totoo kung bakit di ka makapag resign or makasunod sa knya sa japan.. and kung may malawak nman na pag intindi si gf.. for sure nman maiintndihan ka nya at susuportahan sa anu mang gusto mo..
 
One thing di ka na bata ts, di ko sinasabing madaliin ang lahat pero need mo ng mag siguro sa buhay. Mahirap makahanap ng nakasanayan mo na at mas mahirap ang mangapa ulit, bumalik sa pagiging wala. Mararamdaman mo din ang sinasabi ko kung mawawala na ang bagay na sa tingin mo ngayon ay di importante hahaha.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top