What's new

Terminated or Forced Resign

Yanizie

Eternal Poster
Established
Joined
Feb 9, 2020
Posts
698
Reaction
386
Points
324
Short Story:

Nagwork ako sa isang Chinese Company (Factory) bilang isang Engineer from December 2022. Last December 15,16,17 2023 nagkaroon ako ng sakit for 3 days at ng bumalik ako nag papapirma ako sa Manager namin ng Sick leave form para sa December 15,16 at 17 na wala ako. Hindi pinirmahan. Kinausap ko ang HR namin at sabi AWOL na daw yun kahit may Medical Certificate ako sa dates na yun. Lumipas ang ilang weeks at sumampa ang January...

January 1st week, nag file ang manager namin ng for termination sa January 20 at ang dahilan ay AWOL ko last December 15,16 at 17 na ayaw pirmahan kahit may medical certificate. Ang sabi ng HR namin mag file din ako ng Resignation para hindi pumangit ang record ko. Nagfile ako ng January 20 ng resignation without rendering para lang mawalang bisa ang termination ko at makuha ko pa ang backpay.

Sabi ng HR, ang COE at ang Backpay after 1 month ng resignation pa daw.

Nagcheck ako sa SSS ng unemployment benefits at nalaman ko na mas malaki pala ang makukuha ko kung terminated ako against sa Backpay.

Ang tanong. Matatanggap kaya ng SSS kung ififile ko ang termination ko after ko makuha ng 1 month sa dati ko na company kung hindi ako nag resign?​

 

Similar threads

Back
Top