- Joined
- Nov 4, 2016
- Posts
- 265
- Reaction
- 103
- Points
- 155
2 years na ako (27M) dito sa Canada pero mas gusto ko na lang bumalik sa Pilipinas.
Parang magtutunog privileged itong post ko pero please bear with me.
Okay naman yung buhay ko nung nasa Pinas ako. Project manager ako sa company (outsourced kaya $$$ ang kitaan plus may benefits), may sariling apartment, may kotse, nakakakain sa Wolfgang's paminsan-minsan, at higit sa lahat kasama ko asawa ko at malapit ako sa mga mahal sa buhay.
Napilitan akong mag-Canada sa kaka-udyok ng parents at ibang relatives ko. Binuhos ko ang savings ko para makapuntang Canada bilang international student at alam kong madaming kapwa Pilipino ang nagnanais makarating din dito.
Pero *******...
Malapit lang sa minimum wage ang kinikita ko as an office assistant. Nakikitira ako sa mga kamag-anak. Nagco-commute ako. Di ako nakakakain sa labas kasi mas pinipili ko na lang tipirin at ipadala sa Pilipinas (nag-start kami ng asawa ko ng negosyo. Desperado akong magka-footing sa Pinas). Hindi ko rin naisama ang asawa ko kasi kakapakasal lang namin last year (Pinilit kong umuwi para magpakasal).
Parang ayoko ring dalhin ang asawa ko dito kasi 6-digit earner na siya sa Pinas at parang hindi ko tanggap na mag-uumpisa siya ulit at malaki ang chance na magtratrabaho siya sa retail o fastfood. Ang point ko dito is ayoko na siyang mag-adjust ulit kasi maginhawa na yung buhay niya sa Pinas.
Ang pumipigil sa akin sa pag-uwi ay yung mga magulang ko pa rin na nag-invest na ng malaking pera sa akin, para sa iniisip nilang "Canadian Dream" na nung nandito na ako na-realize kong basura pala. Hindi ko rin sila ma-convince na hindi greener pastures ang Canada based sa experience ko. Gusto nilang dalhin ko sila dito in the future pag retired na sila. Hindi nila ma-imagine yung hirap ng malayo sa nakasanayang komportableng buhay.
Napakalungkot ng mga araw ko dito. Di ko rin halos nakakasama yung relatives ko kasi puro sila double job. Sinusumpa ko ang snow at ang lamig.
Healthcare daw ang maganda dito pero bawat galaw mo nagbabayad ka ng kalaki-laking tax. Best daw ang Canada para sa mga anak pero wala kaming balak mag-asawa na magluwal ng tao sa ekonomiya at gobyernong ganito (Pilipinas man o Canada).
Nagmumuni-muni akong umuwi na lang, tumira sa isang maliit na apartment sa may bayan kasama ang asawa ko, bumalik sa dati kong trabaho, mag-manage ng maliit na negosyo, at mamuhay nang tahimik.
Kung pwede lang i-swap ko yung buhay ko ngayon sa ibang may gustong mag-Canada, ginawa ko na.
Sigurado akong may mas deserving pa sa akin na mamuhay dito.