What's new

J&T delivery scam

dothackjhe

Forum Expert
Elite
Joined
Feb 20, 2016
Posts
3,439
Solutions
28
Reaction
14,952
Points
2,841
Merong naka-experience dito na may nagpadala ng parcel sa address ninyo na nakapangalan sa kasambahay at nagkataong bogus pala yung parcel, pero nabayaran in cash? Pwede pa kaya habulin ito sa J&T mismo?
 
Parang may habol pa. Kinontak ko directly yung FB page ng J&T Express at papa-imbestigahan daw yung case sa concerned branch.
 
anong online shop?
At may order b talaga naganyang item?

Na experience ko kc naka order kmi at kinancel ng store pero may dumating n parcel at nabayadan nmn. Report at follow lang lagi namin ung report, hnd nababawi ung pera pero ppasok s acct mo as voucher ung nabayad. Shoppe ko n exp yan.
 
so far maganda pa naman exp ko kay J&T. Dalawang phone na nadeliver nila saken galing kay Shopee. parehas ko naman natanggap.

Kung hindi naman sayo nakapangalan yung parcel dapat hindi mo talaga tinatanggap yan, lalo na kung wala kang inorder sa app. Kahit pa dun sa kamag-anak nyo, ako lagi kong sinasabi sa mga rider kapag natapat sa gate namin, tawagan na lang kamo nila yung nag order since may kontak details naman sila.
 
if hindi pa na oopen yung parceL, kumontak po kayo sa Customer Service ni J&T,..
If na open na yung parceL, make sure na compLete pa din yung item inside and wag po itapon yung packaging and mag conduct po ng video showing the content of the parceL inside,..
then kumontak po agad kay J&T Customer Service,..
pwede po yan ma refund if mapatunayan na waLa po taLaga kayong order,.
make sure Lang na maayos ang pakikipag usap natin kay J&T Customer Service,..
 
Nakapangalan yung sender ng dalawang parcels sa "COSO Co., Ltd." Ang original drop-off point ay sa Pampanga.

After ng ilang follow-ups, at kahit inabot din ng more than a month (or two?), finally ire-refund na ni J&T yung parcels.

if hindi pa na oopen yung parceL, kumontak po kayo sa Customer Service ni J&T,..
If na open na yung parceL, make sure na compLete pa din yung item inside and wag po itapon yung packaging and mag conduct po ng video showing the content of the parceL inside,..
then kumontak po agad kay J&T Customer Service,..
pwede po yan ma refund if mapatunayan na waLa po taLaga kayong order,.
make sure Lang na maayos ang pakikipag usap natin kay J&T Customer Service,..
Na-open yung dalawang bogus parcels, actually. At doon lang napagtanto ng Mama ko na fraudulent yung na-receive na items. Inakala atang yun yung inorder niya sa Shopee. Medyo late na nalamang fake yung deliveries since wala siya sa bahay at the time at gabi pa nabuksan yung parcel. Pero ako yung nag-receive at nagbayad.

Itinawag pa nga namin sa deliveryman yung tungkol sa parcels. Although pessimistic yung possibility ng refund from the deliveryman, sinubukan ko pa ring direktang kontakin ang J&T para i-report yung fraudulent parcels. Ayun, in-entertain naman agad ng CS ng J&T after ko mag-reach out sa official FB page nila, since na-provide din naman kasi yung pertinent info. Parang expected na rin nilang may ganitong scheme at willing sila i-resolve yung issue.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top