What's new

Scam Investment na profitable

HowSoonIsNow

Eternal Poster
Established
Joined
Dec 2, 2016
Posts
852
Reaction
422
Points
286
So ayun nga, may tumawag sakin sa phone habang nsa work ako, isang chinese na babae.. inalok nya ko ng work from home daw na trabaho.. nung una hindi ako sumasagot akala ko bot yung kausap ko kasi parang ganun sya magsalita. tapos na laman ko n lang na tao pala yung kausap ko kasi nung hindi ako sumasagot, nag hello hello sya hahaha.. so ayun na nga, tinanong nya kung interested daw ba ako sa inaalok nya.. ang sagot ko, "send me the details thru telegram" since ang sabi nya kasi doon daw yung platform. maya maya, may nag chat sakin sa tele.. nag send ng details kung paano ang gagawin. mag follow lang ako ng dalawang sinend nya na username sa tiktok then send ko ulit sa isa pang contact s telegram at iveverify yung screenshot ko ng na follow ko sa tiktok. then nag ask ng gcash number and name nag pa fill up nga pla sya ng basic info. then after 1 minute, boom nag send ng 150 pesos. tapos nun, mag wait lang daw ako at isasali nya ko sa GC. mga 2 hours mahigit lumipas, na join na ako sa GC. doon may task na gagawin. every task is may halagang 50 pesos. yung task is ganun din, i follow mo lang sa tiktok tas send sa GC yung screenshot at sa kanya na nag pasok sakin sa GC. imamark mo lang na M1 kung pang number 1 na task yun, M2 kung pang number 2 and so and so fort.. may 25 task sa isang araw, every 25 minutes mag send ng new task. sa 25 task na yun, meron dun advance task na tinatawag nila.. yun yung mag dedeposit ka sa kanila at after 30 mins daw, babalik sayo yung deposit mo with 30% profit. kailangan mo mag advance task ng 3x daw para maging formal na employee kna nila lols.. if hindi ka mag advance task, 20 pesos per task lang ang makukuha mo instead 50 pesos. at hanggang 2nd day k lang pwede mag task kung hindi ka mag aadvance task. so ayun ginawa ko mga task naka 9 task ako kasi hapon na din nman ako naka join kaya yung mga naunang task expired na. after natapos yung 25 task, nag send n sya ng payment lols mga 9:30 cguro ng gabi natapos. so all in all naka kuha ako ng 150 + 180 pesos bale 330 lahat. kinabukasan tinanong ako kung interested ba ako mag advance task. ang sagot ko, maybe tommorow ill send my deposit. ayun sabay kick sa GC hahaha.. iiscammin ko pa sana ulit ng isa pang araw kaso nakahalata na eh hahaha yun lang:p

PS: Ingat sa mga scammer mga tropa... basta too good to be true, matik scam yan!
 
may nabasa na ako ganito same din experience.
malamang sa malamang madaming inaalok yang mga yan. yung mga taong walang experience sa ganyan malalaglag tlga sa patibong nila eh. kasi marami kang makikitang nag iinvest doon at malalaki pang halaga 40k, 30k.. pero sila sila lang din yun hindi mga recruit nilang tao.

May mga mauuto pa rin sa mga ganyan. Madalas talaga hindi ka matututo kung hindi ka mabibiktima.
tumpak repa
 
Pa join nga dyan tapos papa kick din ako sayang din pera eh
wala na hindi na nag rereply sa tg tropa. pinasubukan ko na sa isang friend ko kung maiiscam nya ulit eh pero walang reply sa kanya para maka join sya.

Ang masaklap pa pala niyan baka mga nagpapanggap na POGOs kunwari pero scammer pala.
ang POGO naman is offshore gaming sugalan paps. malayo sa diskarte nilang pinapagawa sa victim nila. baket nga ba lahat na lang ng klase ng negosyo pag chinese ang may ari, POGO ang tinatawag? kahit lending POGO pa din kaya tuloy yung legit na POGO nadadamay sa mga scam lahat kasi POGO tawag basta chinese owned.
 
Last edited:
wala na hindi na nag rereply sa tg tropa. pinasubukan ko na sa isang friend ko kung maiiscam nya ulit eh pero walang reply sa kanya para maka join sya.

ang POGO naman is offshore gaming sugalan paps. malayo sa diskarte nilang pinapagawa sa victim nila. baket nga ba lahat na lang ng klase ng negosyo pag chinese ang may ari, POGO ang tinatawag? kahit lending POGO pa din kaya tuloy yung legit na POGO nadadamay sa mga scam lahat kasi POGO tawag basta chinese owned.
Alam ko ang legit na POGO. Kaya nga sabi ko nagpapanggap di ba? Kasi nga pwede nilang i-register sa gobyerno na POGO ang operations nila para makapag-operate sila dito pero yun pala nang-iiscam kagaya na lang ng mga na-raid sa Clark at Taguig.
 
ang ibig ko sabihin paps, hindi sila makakapag panggap na pogo kasi nga hindi nman tungkol sa gaming yung scam nila. hindi ko naman sinabing akala mo POGO din yung ganung scam.
 
ang ibig ko sabihin paps, hindi sila makakapag panggap na pogo kasi nga hindi nman tungkol sa gaming yung scam nila. hindi ko naman sinabing akala mo POGO din yung ganung scam.
Ang sinasabi ko naman din nagpapanggap silang POGO operations sa mata ng gobyerno kaya nakakapag-operate at nakakagawa sila ng krimen dito.
 
Ang sinasabi ko naman din nagpapanggap silang POGO operations sa mata ng gobyerno kaya nakakapag-operate at nakakagawa sila ng krimen dito.
walang company brader. as in scam lang sa telegram yung naikwento ko. wala silang company or sariling app. basta lang ang contact at gc nila is nsa telegram
 
Similar threads

Back
Top