What's new

5 tips para maging mabuting kaibigan.

Misanthropes

Forum Expert
Elite
Joined
Jul 12, 2020
Posts
5,043
Solutions
89
Reaction
16,512
Points
2,983
Hehehe, nagawa ko itong mga tips dahil sa mga napapansin ko at sa mga na eexperience ko.

5 tips paano maging mabuting kaibigan.

1. huwag ka mag papa libre o mag ask na mag pa libre.

kasi hindi mo alam kung ano ang financial status ng tao, malay mo, marami syang utang, may sinusustentohan, may pinapaaral, may pinag-iiponan for the future or needs, at ikaw na batugan, panay pa libre. at di nyo alam kung paano nya pinag hirapan ang pera. learn to have yourself a money, para di ka umaasa sa iba.

2. iwasan ang pag-uusap about physical features.

kasi hindi nyo alam kung ano ang mga insecurities ng mga tao, maaring light lang sa inyo pero sa kanila, hindi. and baka mas lalo nyo pang binababa ang confidence/self-steem nila.

3. Kung marunong mangungutang dapat marunong ding magbayad.

hello, nag tiwala sayo ang tao, nag alala sayo ang tao kaya ka pina utang, tapos hindi mo babayaran? kung hindi pa mababayaran sa pinag-usapang araw na babayaran, mag-sabi at gumawa agad ng paraan para makabayad.

4. Huwag mag kwento ng masama about sa tao kapag wala sila o pang chacharacter assasination.

hindi na kailangan ng explanation to, kasi kung ikaw nasa situation na pinag-uusapan na ganito, ganiyan ka daw, how will u feel?

5. Learn to appreciate someone.

kung nag effort sayo at may ginawang mabuti sayo mag thank you ka, sabihin mo na na appreciate mo siya.
 
Last edited:
mahirap kasi gumawa ng kwento sa inuman kaya ibang tao ang pulutan. ahahaha
Madami po pwedeng pag usapan sa inuman, pwedeng personal life, personal business, personal relationship, pwede ding mga ideas, hobbies, madami pa actually. Marami pang mga magagandang pag usapan sa inuman.
 

Similar threads

Back
Top