What's new

Need Advise

Kuya_Jeff

Addict
Joined
May 7, 2017
Posts
62
Reaction
10
Points
77
Ako yung type ng tao na ayaw makipag kaibigan pero simula noong nakilala ko yung babae na naging kaibigan ko nagbago ang buhay ko. Noong High School, madlas ako ma bully dahil introvert ako, ayoko talaga makisalamuha sa ibang tao konti lang ang mga naging kaibigan ko pero hindi kami madalas mag usap at dahil sa pam bu bully ay mas lalo akong naging introvert at na depress dagdag pa doon yung pag-aaway palagi ng parents ko. Yung high school ko talaga hindi naging masaya pero noong naging senior high ako nagbago ang lahat, nakilala ko yung babaeng nagbago ng buhay ko, sya yung unang lumapit sa akin para makipag kaibigan at dahil doon pinakilala nya ako sa mga naging classmates namin sa school at dahil din don nagkaroon ako ng confidence na maki salamuha sa ibang tao, lagi nya ako binibigyan ng advice sa buhay ko, marami akong na realize sa mundo dahil sa kanya. Sa paglipas ng panahon nag ka gusto na ako sa kanya, naging college student na kami at nag uusap parin pero wala pa din akong lakas para sabihin sa kanya itong nararamdaman ko dahil ayoko mawala sya sa buhay ko, ayoko masayang yung panahon na naging mag kaibigan kami, takot siguro ako na may magbago at mawala sya sa buhay ko. Tama ba na sabihin ko sa ka nya itong nararamdaman ko, o wag na. Mahal ko sya pero ayoko mawala sya sa buhay ko.
 
kung kontento ka na magkaibigan lang kayu, pwede mo naman sya mahalin bilang kaibigan. Pero pag gusto mo jowain, sabihin mo na baka maunahan kapa.
 
mangyayari sayo kung sakali yung kanta ng parokya ni edgar yung alumni homecoming.

kung may balak kang umamin make sure kaya mo damdamin yung kakalabasan kasi mas masakit kung di mo nasabi tapos naunahan kana pero dapat tanggapin mo yung klalabasan pero kung gusto mo talaga umamin kana baka masayang pa
 
Last edited:
kung may feeling sa kanya try mo sabihin

ambivert ko so di ako related sa introvert pero madaming na usap na introvert sa buhay ko allergic kase ako sa exovert na babae

pero may ask ko sa yo naka gusto ka sa kanya?
 
Last edited:
kung may feeling sa kanya try mo sabihin

ambivert ko so di ako related sa introvert pero madaming na usap na introvert sa buhay ko allergic kase ako sa exovert na babae

pero may ask ko sa yo naka gusto ka sa kanya?
Yes nag ka gusto ako sa kanya at mukang may gusto sya na sa akin pero lumipas ang panahon naging cold na kung baga, hindi ko rin sya masisi dahil din sa akin.
 
Take a risk. Ganun talaga. Mas mahirap yung magkaroon ng regrets sa huli na sana ganito ganyan. If gusto mo talaga ipursue mo.
 
Tol masasaktan ka sasabihin ko bilanh totoong lalake marunong ka dpat mag deattacch sa tao kpag somobra na naramdam mo
 

Similar threads

Back
Top