What's new

Closed Happy birthday, mom!

Status
Not open for further replies.

Cee Jay

🧿 𝕾𝖔𝖚𝖑 𝕮𝖆𝖑𝖎𝖇𝖗𝖊 🧿
Contributor
Joined
Feb 22, 2015
Posts
14,615
Solutions
2,189
Reaction
26,087
Points
8,294
Mahirap din pala yung ganitong setup, ano? Kaarawan ni mama ngayon pero hindi ko sya magawang batiin. May tampuhan kasi kami. Galit sya sa akin, at galit din ako sa kanya. Ewan ko ba!? May mga pagkakataon kasing hindi nagmi-meet or laging magkasalungat ang gusto namin. May mga ginagawa syang desisyon na hindi man lang ikinokunsulta sa akin, knowing the fact na maidadawit ako sa desisyon na yon. I feel angry kasi ine-exclude niya ako sa isang desisyon na ako ang nadadamay. I need your opinions po.
 
Hirap po eeh. Nasa iisang bahay nga kami, hindi naman kami nagkikibuan. Parang hangin lang ang isa't-isa. No pansinan.
 
Sana nga ay magkaayos na kami. Ang kaso nga lang kasi, nagpapataasan kami ng pride.
 
Hindi po kayo magkakasundo niyan kung pareho kayong may galit.
Kayo na po ang magkusa na magpakumbaba at makipag-usap nang mahinahon tungkol dun sa feelings niyo sa pagdikta niya sa inyo, dapat klaro at maiintindihan niya.
Gusto lang naman po kasi ng nanay niyo ang makabubuti sa inyo, kaya huwag po kayo magtampo sa kaniya.

At lastly, batiin siya ng Happy Birthday. :)
 
Last edited by a moderator:
Hindi ko tuloy malaman kung saan o paano ko sisimulang makipag-conversation sa kanya. Nag-iiwasan din kasi kami. Pati nga si ate ay nagagalit na sa akin dahil sa inaasal ko. Masama ba akong anak?
 
Mom knows best po... kahit ganyan yan sila hindi naman siguro ipapahamak anak nila... hehe
Maging open ka lang po sa mama mo! Communication is very important lalo na mama mo yan! Habang anjan pa siya make her feel na mahal mo siya na kahit hindi kayo magkabati... hangga't buhay pa mga magulang natin...
 
Gumawa ako ng dummy account ko sa facebook. Iba ang name and picture, syempre. Yun ang ginamit ko to greet her.
 
Hindi ko tuloy malaman kung saan o paano ko sisimulang makipag-conversation sa kanya. Nag-iiwasan din kasi kami. Pati nga si ate ay nagagalit na sa akin dahil sa inaasal ko. Masama ba akong anak?
Hmm, tingin ko hindi naman po.
Misunderstanding lang siguro ang nangyari sa inyo ng nanay niyo.
Dapat mag-usap kayo para magkaayos kasi kung papabayaan niyo lang at puro iwasan lang ang mangyayari, mabigat yan sa atmosphere ng bahay. Affected din ang ibang tao.
 
Minsan sumagi sa isipan ko yang katagang yan... "mom knows best". Totoo po ba talaga yan? I think nasa tamang edad na po ako to make my own decisions. I can determine negative effects of everything. Pero yun nga, she always make a decision on her own kahit pa alam niyang maidadamay ako. Pati love life ko ay pinanghihimasukan nya. Not to mention it, lahat kaming magkakapatid, she's manipulating our relationship/love life.
 
(YIN_Xiao-Hai) said:
Hindi ko tuloy malaman kung saan o paano ko sisimulang makipag-conversation sa kanya. Nag-iiwasan din kasi kami. Pati nga si ate ay nagagalit na sa akin dahil sa inaasal ko. Masama ba akong anak?

Yan.. pagkakataon mo na po yan na simulan makipag.usap sa kanya...yong sa pamamagitan ng pagbati mo na "Happy Birthday" tsaka message mo din para sa kanya at yon umpisan mo..hehe
kahit hindi po natin yan cla maintindihan minsan wag ka lang pong magtanim ng galit sa mama mo... maiintindihan ka rin niyan...
 
Tama po. Pati yung bunso na close na close sa akin, nag-tatampo sa akin. Kasi daw hindi kami nagkikibuan ni mama. Sabi ko nga sa sarili ko last time... "bukas ay kakausapin ko na sya." Bukas ng bukas, bukas ulit, bukas na naman... Hanggang sa wala na. Hirap kasing isipin ang nangyari. Pagod kasi ako work that time, then sumabay sya. So ayun, napuno ako.
 
Minsan sumagi sa isipan ko yang katagang yan... "mom knows best". Totoo po ba talaga yan? I think nasa tamang edad na po ako to make my own decisions. I can determine negative effects of everything. Pero yun nga, she always make a decision on her own kahit pa alam niyang maidadamay ako. Pati love life ko ay pinanghihimasukan nya. Not to mention it, lahat kaming magkakapatid, she's manipulating our relationship/love life.
Huwag niyo po kalimutan, ang nanay ay tao rin. Di sila perpekto. Minsan irrational sila, minsan tama sila.
Pero ang bottom line, kapakanan niya ang iniisip niyo.
Ganiyan talaga minsan ang magulang, manipulative.
Di mo sila masisi, kasi mahal ka nila e.
 
Ganon bah... baka may pinagdadaanan mama mo nong una na wala pa kayo mga anak niya kaya ganyan siya sa inyo.. try niyo po kausapin siya kayo magkakapatid... ipaliwanag niyo po sa kanya na nasa tamang edad na kayo at may kanya-kanyang desicion.. at sabihin niyo wag siyang mag alala.... wag po kayong magsawa intindihin at ipaintindi sa mama niyo lahat.. everything will be fine po.. pray lang!
 
Salamat sa mga opinions. Sana nga ay magkaroon na ako ng lakas ng loob na makipag-usap. Nami-miss ko na din kasi yung dating lifestyle namin. Yung kulitan, tawanan, yung sabay-sabay kaming kumain. We have been through a lot already... and I have been missing those feelings.
 
Nakakarelate din po ako sayo... ganyan din mama ko.. pero kahit magkatampohan kami hindi ako nagtanim ng galit sa kanya.. inintindi ko siya kasi alam po natin hindi rin nakakatiis mga magulang sa mga anak nila... umabot nga sa punto umalis ako samin at ilang months hindi ako nagpakita.. pero just keep on praying lang po.. magkakaayos din kayo...
 
(YIN_Xiao-Hai) said:
Gumawa ako ng dummy account ko sa facebook. Iba ang name and picture, syempre. Yun ang ginamit ko to greet her.

Hindi po yan effective kuya sa tingin ko po... dapat personal ka mag greet sa kanya or kung hindi mo pa magawa yan sa ngayon gawa ka ng card or kahit ano tapos ikaw personally mag abot sa kanya... im sure in that way unti2x yan makaka realize mama mo... make her feel na kahit sa mga nagawa niya na ayaw mo ipinakita mo parin na mag respeto ka sa kanya... at yon makakapag.isip yan siya..hehehe
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top