What's new

Well, alam ko na ang sagot dito, gusto ko lang malaman mga explanation and answers nyo.

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,511
Reaction
13,534
Points
3,748

The question is:
Kung nilikha ng Diyos ang Tao. Sino ang lumikha sa Diyos? Or Saan galing ang Diyos?

In order to become God , you have to be above three things which is TIME, SPACE and MATTER.

Since nasa taas ung Diyos nung 3 ay hindi Sya sakop ng Simula at Katapusan(na nasa ibaba nung 3). So since wala Syang Simula at Katapusan then walang "lumikha" Sakanya. Hindi din pwedeng sabihin na nilikha Nya sarili Nya. Hindi Sya "nilikha" Kasi Sya ung lumikha.
 
Ito ata sagot, sya lang may heart eeeee
 
Diyos... God the Father...
He is the Alpha and Omega.
ang simula at ang wakas.
may mga bagay na tungkol sa Diyos tayo na di maipaliwanag, mahirap unawain at di marurok ng ating pagiisip
pero patuloy tayong naniniwala dahil sa ating pananampalataya.
 
Eternal ang diyos, walang lumikha sa kanya, di sya affected ng time o ng law of nature kaya di natin ma explain kung paano, sinabi ng bible na nanjan na sya bago pa niya nilikha si jesus at ang mundo
 
In order to become God , you have to be above three things which is TIME, SPACE and MATTER.

Since nasa taas ung Diyos nung 3 ay hindi Sya sakop ng Simula at Katapusan(na nasa ibaba nung 3). So since wala Syang Simula at Katapusan then walang "lumikha" Sakanya. Hindi din pwedeng sabihin na nilikha Nya sarili Nya. Hindi Sya "nilikha" Kasi Sya ung lumikha.
Very well said to. Dito lang ako medyo na-moved na explanation. 🥰❤️🤗
 
Eternal ang diyos, walang lumikha sa kanya, di sya affected ng time o ng law of nature kaya di natin ma explain kung paano, sinabi ng bible na nanjan na sya bago pa niya nilikha si jesus at ang mundo
Di maexplain and yet may explanation ka....hmmmm
 
In order to become God , you have to be above three things which is TIME, SPACE and MATTER.

Since nasa taas ung Diyos nung 3 ay hindi Sya sakop ng Simula at Katapusan(na nasa ibaba nung 3). So since wala Syang Simula at Katapusan then walang "lumikha" Sakanya. Hindi din pwedeng sabihin na nilikha Nya sarili Nya. Hindi Sya "nilikha" Kasi Sya ung lumikha.
Agree here somehow... Kaso wala pa napapatunayan na nageexists beyond or above those three things, soooooo.... ☺️
 
kung pinuntahan ni pedro si juan sa second floor, saan galing si pedro?
Ans.: sa first floor.

its an infinite regression, unless you special plead arbitrary rules.
 
Nood ka sa Ang Dating Daan or UNTV maikling sagot ko lang dito TS is Ang Ama Dios din si kristo kasi sya ang bugtong na anak ng ama bago lalangin ang mundo kasama ng ama si kristo kung nag sisiyasat ka ng salaita ng dios check mo nalang yang na mentioned ko sa taas meron din sa YT yun lang TS sana makasumpong ka ng mabuting balita 😊
 
Ganito mga kapatid, naniniwala ka siguro na may mga bagay na di naaabot? Kahit lahat ng tao magsama-sama there are things that are unfathomable..which no human being can understand.. bigyan ko kayo ng halimbawa, yung exact measurement ng universe is until now not known to man.. the remotest object that was seen by the Hubble Telescope is something like 13-15 billion light years away.. at meron na ngayong dinedevelop na successor ang Hubble, yung JWST o James Webb Space Telescope na ayon sa kanila more sophisticated than the earlier.. Pero napakalayo na nun mga kapatid, yung 13 billion light years pa lang ang hirap ng isipin nun.. At ang isang bagay na di natin makukuha ay yung pinanggalingan ng Dios.. although i believe that there is God with all of my heart.. eh hindi natin masasabi kung saan galing ang Dios..

May sinasabi ang biblia, ganito ang sabi ni Moises sa nobenta dos ng Awit..

Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

Awit 90:2
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

In english it says..

Before the mountains were brought forth, or ever thou hadst formed the earth and the world, even from everlasting to everlasting, thou art God.

Psalm 90:2
King James Version (KJV)

Oh ayun.. mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.. from everlasting to everlasting.. eh wala na tayong impormasyon dun sa walang pasimula eh, dun sa past eternity.. although may mga hindi naniniwala sa past eternity.. pero physical evidences prove that the eternity is real.. yun lang paniniwala ng siyentipiko na ang universe ay 15 billion years old.. 15 billion years ay hindi biro, napakahaba na nun! non nakalipas na yun at mayroon pang sa hinaharap.. Patunay dyan yung mga elements na nasa universe, elements suggests that they have existed for the past billion years..eh pano mo pa makukuha kung kailan nagsimula yung billion years na yun?.. itong universe hindi nga natin alam kung kailan talaga nagsimula, yun pa kayang gumawa ng universe..diba ganun yun mga kapatid? Yung bilyong mga taon na nakalipas mahirap ng isipin ng tao yun eh, kaya ginagamitan na ng walang hanggan eh..

Katotohanan nga na may mga bagay na di natin kayang alamin.. ganito ang sabi ng biblia.. sa singkwentay singko otso ng Isaias..

Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.

Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.

Isaias 55:8-9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Dyan sa mga talatang yan, marerealize mo na hindi kayang isipin ng tao kung saan galing o san nagmula ang Dios.. bawal na yun isipin eh.. ganito ang sabi ni apostol Pablo sa dose tres ng roma..

Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.

Roma 12:3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan, kung pag aaralan mo yung medical science about human minds makikita mo na ang utak ng tao may limit.. may karunungang itinuturo ang Dios kaya sinabi niya na huwag magisip ng totoong matayog sa nararapat isipin.. Kasi kaya nga ang tao minsan nababaliw kapag hindi kinaya nun nakatakdang limit sa utak yung kanyang mga gustong isipin..

Wala pang nagtangkang tao na sabihin ang buong sukat o kung gaano ang kabuuang lawak ng universe o kalawakan, tawag din ng biblia dyan ay langit.. sa genesis ganito mababasa..

At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.

At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.

Genesis 1:8
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Eh ang sabi ng Dios kung gaano kataas ang langit kaysa lupa, ganon din ang kanyang mga pagiisip mas mataas kaysa sa pag iisip ng mga tao.. yung hangganan ng langit o space di na kayang isipin ng tao yun eh.. pero certainly may sukat yan.. basahin natin sa Job..

Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.

Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?

Job 38:4-5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

May mga sukat yan, galing sa Dios ang sukat.. kagaya nun distance ng earth sa sun, a little closer we will burn, a little further we will freeze..nasa eksaktong sukat yan..

Ngayon, yung isang speed of light na may katumbas na halos 5,879,000,000,000 miles o 5.88 trillion miles.. Gamit yang speed of light mararating yung remotest object na nakita ng Hubble Telescope na 13-15 billion light years away.. napakalayo na niyan, sobrang layo na niyan! dina kayang marating yan ng katawang tao.. eh ngayon, sabi ng Dios mas mataas ang kanyang mga pag iisip kaysa sa mga matataas na langit na yon..pano mo ngayon iisipin pinagmulan ng Dios? See? Diba?

Dapat una nating itanong, bakit mayroong ako? Bakit mayroong ikaw? Bakit tayo umiiral?.. yun eh dahil may Dios..na umiibig sa atin..

Samahan at ingatan nawa kayo ng Dios..

To God be the glory!

Salamat sa Dios..
 
Back
Top