What's new

Closed Wastong pag gamit ng mga salita

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
WASTONG PAGGAMIT NG MGA SALITA



Tapos na ang bakasyon ng karamihan sa atin dahil balik eskwela na naman at akalain mo yun MONDAY NA NAMAN SA LUNES!

Ang tanong handa ka na ba muling sumabak sa panibagong taon at level mo sa pag-aaral? Kung oo pag-aralan muna natin ang ilang mga salita na makatutulong sa iyo sa akademikong Filipino lalo na kung ikaw ay nasa elementarya palang o highschool.

Simulan natin sa pagpapakilala

1. Kumusta (pormal)
Kamusta (di-pormal)

Tandaan: Ang bawat mga salita ay may pinagmulan gaya ng salitang kumusta, galing ito sa salitang español na como esta na ating namana at ginagamit kapag nangangamusta o nagpapakilala.

Halimbawa: Kumusta! Ako nga pala si Naktan , siya naman ang aking kaibigan si Nayang (what a nice name *haha)

2. IBAT IBA o IBAT-IBA

Tandaan: Ginagamit ang gitling (-) kapag umuulit ang salita
Halimbawa: iba-iba, sari-sari

Ang iba't iba naman ay pinaikling iba at iba, hindi na ito inuulit kaya hindi na ito ginagamitan ng gitling.

Iba pang halimbawa: Isa't isa

3. NANG at NG

Ginagamit ang NANG kapag sinasagot ang tanong na paano, kapag umuulit ang kilos, sinasagot ang gaano, pamalit sa noong, para at upang.

Mga halimbawa:

1. Ang bata ay naglalakad nang dahan-dahan.

2. Takbo nang takbo si Juan sa ulanan kagahapon kaya siya ubo nang ubo ngayon.

3. Gaano kalayo ang nilakad niya?
Naglakad siya nang isang kilometro.

4. Nang (Noong) isilang ka sa mundong ito laking inis ng magulang mo at ang kamay nila kinagat mo *singing

5. Maligo ka maigi nang (para) bumango ka naman.

6. Galingan mo nang (upang) manalo tayo!

Ginagamit naman ang NG kapag sinasagot ang tanong na ano, pagmamay-ari, kailan, oras, ubod ng, puno ng, at saksakan ng.

Mga halimbawa:
1. Ano ang kinain mo?
Kumain ako ng pagkain

2. Nakaririndi ang tahol ng aso ng kapit-bahay.

3. Umuwi ng gabi si Pedro.

4. Gumigising ako tuwing ikapito ng umaga

5. Ubod ng ganda ang tanawin.

6. Puno ng galit ang puso niya.

7. Saksakan ng daya ang cooking show sa NBA sabi ng mga CAVS fan at ilang mga banwagon.

4. Pinagkaiba ng Wika at Diyalekto

Wika: Waray, Ilokano, Bikolano, Hiligaynon, Kapampangan, Chavacano at iba pa

Diyalekto: ginagamit upang magkaintindihan ang mga nagsasalita

5. Tama ba ang kaganina at kagahapon?

Ang sagot ay oo dahil varyant ito ng salitang kanina at kahapon sa ibang lugar sa labas ng kamaynilaan tulad ng Batangas, Cavite at iba pa.

6.NA LANG o NALANG?

Hindi sila pinagsasama dahil dalawang ang na at lang

Halimbawa: "Sana ako nalang, ako nalang ulit" –Basha, One more chance (2007)

gayundin ang salitang pa rin hindi parin.

7. PA LANG AT PALANG

Pa lang (only,just)

Halimbawa: Ikaw pa lang ang tao sa opisina

Palang (may gulat)
Halimbawa: Akala ko masama siya, ang bait niya palang kaibigan.

May iba pa ba kayong alam?
Ibahagi niyo na para malaman din ng iba.

Source: Wikapedia
credits sa Dwe
 
Madam correct me if I am wrong, ang alam ko ang Wika ay ang salitang gamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura at ang Daylekto naman ay varyasyon ng wika o ginagamit ng partikular na grupo ng mga tao.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top