For me, malapit na kong mawalan ng faith kay God, puro kamalasan na lang binibigay sa pamilya namin, kahit anong kabutihan meron ka, di ka naman ginatimpalaan ng karangyaan sa buhay. I mean it,
Alalahanin mo ang ginawa ng Diyos para lang mabigyan ka ng buhay na walang hanggan, ang buhay na walang hanggan sa kaharian ng Diyos at iyan ang pangako na higit sa buhay na taglay natin ngayon.
Bagamat si Jesus ay Diyos, iniwan Niya ang magandang kalagayan Niya sa langit at nagkatawang tao Siya upang makapiling Niya ang tao sa lupa. Bumaba nga Siya sa lupa mula sa langit hindi para magkaroon ng másáráp na buhay dito sa lupa kundi para mag-alay ng buhay. Ngunit bago mangyari iyon dadanas muna Siya ng matinding paghihirap o pagdurusa. Habang naririto Siya sa lupa nakita at naranasan Niya ang pagdurusa ng mga tao na nilikha Niya, kaya't inalay parin Niya ang buhay Niya bagamat alam Niyang hindi iyon magiging madali. Nang sa ganun madala Niya sa kaharian ng Diyos Ama ang mga tao at maiahon Niya sa pagdurusa dito sa lupa.
Si Jesus ay Diyos, bilang Diyos hindi Siya karapatdapat magdusa.
Bilang Diyos hindi Niya dapat nakasama ang mga makasalanan.
Bilang Diyos hindi Niya dapat maranasan ang kamatayan.
Ngunit dahil minahal Niya ang mga tao kailangan Niyang iligtas ang mga ito kahit buhay pa Niya ang maging kapalit.
Mga Hebreo 12:3-4
Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. Hindi pa humahantong sa pag-aalay ng dugo ang pakikipaglaban ninyo sa kasalanan.
1 Mga Taga-Corinto 10:13
Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.
Pahayag 3:5
Ang magtatagumpay ay magdaramit ng puti, at hindi ko kailanman aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
Mga Hebreo 13:14
Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na bayan natin, at ang hinahanap natin ay ang bayang darating.
Tibayan mo ang loob mo kapatid...