What's new

Help Suspicious Converge service transaction?

DiegoBigo_64

Forum Veteran
Elite
Mga KaPHC, may tanong lang po ako. May nangyari po kasi sa Converge internet ng neighbor ko.
Nafully häçked ang password niya at pati mga devices nya lahat-lahat. Hindi na sya ang may control ng cellphones at laptop nila at ang masakit pati privacy nila na minsan daw ay nago-on ang camera ng laptop nila.
Worst pa nga ay nilalagyan ng masasamang content mga devices nila.
Lumapit siya sa akin at humingi ng tulong. Hiningi ko ang gateway link at password ng router nya at i=check ko kung sino-sino nakaka-accesses ng wifi nya.
Ang sabi nya ay wala daw ibinigay sa kanya yung technician na nagkabit ng internet nila, tinignan ko box ng router na usually doon nakasulat yung default username at mga password pero wala. Pinapunta ko sya sa Converge office para ireport ang problema at pinuntahan daw siya last Thursday at pinalitan ang password at sinabi na hindi daw makita kung sino-sino nakakonekta sa kanya.
Ang masakit nito siningil daw sya ng P500 pagpalit lang ng password.
Ang tanong ko po legit po ba na magpabayad ang technician na maningil para sa palit ng password?
Kahit naman po ako di masyado techie alam ko po yung may-ari ang dapat magpalit ng password at hindi technician.
Hindi pa rin po ibinigay ang link ng gateway at password.
Wala ring ibinigay na resibo sa pagpalit nila ng password at sa GCash nagpabayad.
Attention! Sana makita ito ng mga taga-Converge.
Salamat po.
 
Baka nagpapagap lang na technician yung nagpalit kung baga scammer ganun. Sa Tingin ko lang ts
Mas malamang konektado sa Converge yung sakaling nagpapanggap na technician o legit sya pero niraraket nya yung kapitbahay namin. Kasi pagkareport nya sa office ng Converge nagpunta agad yung 'technician' daw. Kaduda-duda.
 
delikado po yan, pwede kasi yun identity theft mas lalo kung may mobile banking, try magpalit sa pldt or kung wala, kung huawei ang modem, pwede iswitch off ang 2, at 5ghz wifi sa gilid ng modem ang switch then gumamit ng ibang wifi router connected sa lan 1 then config with new wifi ssid at password, wag ishare ang password kahit yun qr code kasi na decipher yan
 
baka naman hindi talaga legit na converge yung ISP nya.. meron kasing tinatawag na P2P or sa madaling salita yung mga private company na nagpapa internet.. mostly ginagamit nila yung modem ng mga legit na ISP gaya ng converge, pldt and so on.. isa pa walang ibang gateway para sa user administration ng modem kundi yung default lang. at isa pa, bago puntahan ng tech ng converge yun client dapat meron syang transaction ticket.. nakukuha lang yun upon verification sa CSR ng converge.. walang babayaran, at may formal na documentations..
 

Similar threads

Back
Top