Basta ang maliwanag si Jesus lang ang Daan at wala ng iba.
John 14:6 I am THE WAY, THE TRUTH, and THE LIFE. No man comes to the Father but by me.
Walang relihiyon ang makapagliligtas sa tao kahit na ubusin pa ang relihiyon d2 sa mundo. malinaw na sinabi Kristo na sya lang at wala ng iba. Hindi rin sa pamamagitan ng mabubuting gawa-logic is kung sa pamamagitan ng mabuting gawa ang tao ay maliligtas, ibig sabihin di mo kailangan ng tagapagligtas kasi kaya mo naman pala. pangalawa, dalawa na kayong tagapagligtas hehehe. pangatlo, pag ikaw namatay na sino ang magpapatuloy ng iyong mabubuting gawa? naalala mo ba sa krus ang isang naniwala kay Jesus? pinababa ba nya para gumawa ng mabuti? hindi bagkus sa pananampalataya na ginawa ni Jesus sa pammagitan ng kanyang THE WAY na ginawa upang ang tao ay maligtas sabi sa John 3:16 For God so loved the world(ikaw at ako)that he gave His only Son, THAT WHOSOEVER BELIVETH IN HIM should not perish(in hell) but (you) will have everlasting life.(ikaw ay maliligtas)
Sabi sa 1 John 5:11-13 ngayon mismo ay pwede mo masiguro ang langit sa pamamagitan lang ni JesuKristo.
"At eto(ang Bible) ang nagpapatotoo na ikaw ay may buhay na walang hanggan. ang sinuman hindi tumanggap sa sakripisyo ni Jesus duon sa krus ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan at sinuman ang tumatanggap sa kanya ay may buhay na walang hanggan. Ang mga bagay na eto ay isinulat ko para sa inyo upang malaman nyo na meron kayong na walang hanggan kay Kristo Jesus na syang namatay sa krus, inilibing at bumabngon namn muli sa pagmatay upang patunayan sa sinumang mananampalataya na ang Jesus na iyong tatangapin ay tagapaglistas at makapangyarihan at upang patunayan na ang pagtanggap nyo sa kanya ay totoo at hindi sayang sapagkat sya'y nabuhay muli. ang tagapaligtas ng mga relihiyon ay hindi bumangon sa kamatayan katulad ni manalo na hanggang nayon ay nasa libingan pa din ganun din si maria, si hitler, at kung sino sino pa na mga founder ng relihiyon ay patay pa rin hanggang sa ngayon. Hindi katulad ni Jesus na ang sinuman sumamplataya sa kanya ay maliligtas.
paano sya tatangapin? magsisi at papasukin sya sa iyong Puso at alamin at isabuhay mo ang kanyang kalooban o will nya para sayo pagbasa ng kanyang mga salita upang mas lalo mo pa makilala si Jesus at hindi ang relihyon.
Roman 10:9 Kung ipapahayag mo sa iyong bibig si Jesus na Panginoon at tagapagligtas, at sumampaltaya ka sa iyong puso na binuhay naman syang muli ng Diyos sa mga patay ay maliligtas ka.
mga kaibigan si Jesus lang ang daan ang sinuman magsabi na sila ay nagliligtas- relhiyon, sariling gawa,pagsunod sampung utos ng Dios at iba iba pa. sabi Ni Jesus wag silang paniwalaan kundi sya lamang. wag magpalinlang. Hindi ang simabahan, hindi rin ako, hindi rin pastor, hindi rin madre, hindi rin Pare, hindi rin ang pope, hindi rin ang relihiyon,hindi si maria hindi rin sa ating mga kakayananan-wwala tayong ikalligtas sa mga eto kundi si Jesus lamang.
ACTS 4:12 Neither is there any salavation in any other: for there is none other name under heaven given among men, whereby we must be saved.
Sa tagalog: "At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaliligtas.
hanggang dito na lang ang ibabahagi ko sa inyo. Relasyon kayJesus ang kailangan hindi relihiyon at kung anu paman. Sapagkat si Jesus lang at ang kanyang salita ang aking tinatanggap at maliban dito wala ng pakialam ang salita ng Diyos sa opinyon nating mga tao. I fully submit and accept that Jesus and his word is absolute.
mga kaibigan sana masumpungan nyo si Jesus. Kung totoong tinatangap nyo si Jesus bilang inyong Panginoon at Tagapagligtas ng inyong Buhay, kita litas tayo sa heaven.
Joh 14:1 Let not your heart be troubled: ye believe in God, believe also in me.
Joh 14:2 In my Father's house are many mansions: if it were not so, I would have told you. I go to prepare a place for you.
Joh 14:3 And if I go and prepare a place for you, I will come again, and receive you unto myself; that where I am, there ye may be also.
Joh 14:4 And whither I go ye know, and the way ye know.
Una po sa lahat kapatid 'yon "personal" Lord and Saviour ay hindi po matatagpuan sa biblia.. si cristo po ay ang tagapagligtas ng katawan, o iglesia..He is not the saviour to anybody personally.. ano po ba ibig sabihin ng salitang "personal"?.. halimbawa..'yon toothbrush mo ay personal property mo..will you let anybody use your toothbrush? Siyempre hindi..tama po ba? Eh kasi personal na gamit mo nga eh.. ngayon kung sasabihin mo po na personal Lord and Saviour mo si cristo, then you are disregarding the right of others na maligtas..dimo po pwedeng sabihing personal saviour, dahil Siya po ay tagapagligtas din ng iba..
Kapatid ganito po yan.. ang katotohanan po ay ang nasa biblia.. Ang tagapagligtas po ay ang Ama at ang Anak ayon po sa biblia..basahin po natin ang sabi ni apostol pablo kay timoteo..
Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.
1 Timoteo 4:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan po kapatid ang Ama po tinutukoy dyan na tagapagligtas ng lahat ng tao, ng mananampalataya pati ng hindi sumasampalataya.. kagaya halimbawa kapatid nun mga walang kapasidad sumampalataya gaya ng mga may kapansanan sa isip, mga autistic.. God can save them..
Ngayon kapatid, ang ililigtas po ng panginoong hesu-cristo ay ang nasa tamang relihiyon.. mahalaga po ang relihiyon kapatid, itinuro po yan ni cristo sa loob ng tunay na iglesia.. wala naman pong aral si cristo na hindi para sa kaligtasan, lahat po yun para sa kaligtasan..
Eto po sabi ng santiago uno bentesiete..
Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.
Santiago 1:27
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905)
(TAB)
In english it says..
Pure religion and undefiled before God and the Father is this, To visit the fatherless and widows in their affliction, and to keep himself unspotted from the world.
James 1:27
King James Version (KJV)
Yan po oh.. malinaw po, dalisay pa nga eh, pure..'yon pong pagmamahal sa kapwa(sa kapatid sa pananampalataya o hindi) particularly po sa mga babaeng bao at ulila po, pagkupkop po sa kanila.. at 'yon pong pagiging sakdal, walang dungis..buhay na may kabanalan po..'yon po..
Religion is a way of life..
Religion po sa griyego ay thré
skeia na ang isang kahulugan po ay worshipping o pagsamba..
G2356
θρησκεία
thréskeia
thrace-ki'-ah
From a derivative of G2357; ceremonial observance: - religion, worshipping.
Sa salitang latin ang relihiyon ay religare..
Re means again
Ligare means to bind
Parang reconciliation yan..pakikipagkasundo.. basahin natin ang colosas uno desinuebe at bente..in english it says..
For it pleased the Father that in him should all fulness dwell;
And, having made peace through the blood of his cross, by him to reconcile all things unto himself; by him, I say, whether they be things in earth, or things in heaven.
Colossians 1:19-20
King James Version (KJV)
Pag sinabi mo po na dina kailangan ng relihiyon para mo na pong sinabing dina po kailangang sumamba..Eh kailangan po nating sumamba sa Dios.. ang lahat po ng aral, utos ng panginoong hesu-cristo ay may kinalaman sa kaligtasan at kasama po dun ang tamang relihiyon o pagsamba..na itinuturo po at ginaganap sa totoong iglesia na nasa biblia..
Si cristo po ang tagapagligtas ng iglesia, na kung saan ginaganap ang tamang relihiyon o pagsamba.. basahin po natin sa singko bentetres ng efeso..
Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
Efeso 5:23
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun, eh ano po bang katawan 'yon na si cristo ang tagapagligtas?.. uno desiotso ng colosas..ganito po mababasa..
At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
Colosas 1:18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun kapatid, iglesia po ang katawan.. iglesia ng Dios 'yon..
Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.
2 Corinto 1:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun po kapatid malinaw po ang sabi.. iglesia ng Dios..
Ngayon kapatid dapat alam mo kung tunay na cristo yung sinasampalatayanan mo.. 'yon iba po kasi ang cristo nila tao lang, yung iba naman si cristo siya rin ang Ama, ganun po ba cristo mo?.. eh dapat yung cristo na itinuturo ng biblia..
Alam mo po kapatid, may babasahin po akong talata..Sa dos otso ng efeso gang nuebe..eto po mababasa..
Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
Efeso 2:8-9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayan po kapatid, dapat maunawaan po natin yan kung ano po bang gawa ang binabanggit dyan..na hindi dahil dun sa gawang yun naligtas, kundi sa pananampalataya.. at pansinin mo po na past tense na po eh "nangaligtas".. eh naligtas san? Sa paghuhukom ba?..
Ganito po kapatid..san po ba naligtas? Basahin po natin sa colosas uno dose..
Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
Colosas 1:12-13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun, kaligtasan po pala na naranasan ng mga kristiyano non una ay sa kapangyarihan ng dilim, sa kasalanan po at nalipat sa kaharian ng Anak.. eh ito po ang unang hakbang ng kaligtasan..aalisin ka muna sa kapangyarihan ng kadiliman, hindi pa po 'yon kaligtasan sa paghuhukom..halimbawa nailigtas ka na sa kadiliman, tapos nasa tamang relihiyon ka na, nasa iglesia na pero di komo nasa iglesia ka na ligtas ka na habang buhay..kapag dika nag-ingat maiwawala mo po 'yon kaligtasan.. basahin po natin sa hebreo dies trentayotso..
Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.
Hebreo 10:38
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po, dapat tuloy-tuloy ang paglilingkod sa Dios..pag umurong di kalugod lugod sa Dios.. Kaya po, ang tinutukoy na kaligtasang iniligtas na kayo sabi ni Pablo sa taga Efeso ay iniligtas na sa kapangyarihan ng kadiliman.. Pero hindi pa ‘yon yung final na kaligtasan sa araw ng paghuhukom.. Pag nagpabaya ka, maiwawala mo ‘yon. Maaaring ma-forfeit yung kaligtasan na ‘yon. Yung kaligtasan na ‘yon ay hindi dahil sa gawa.. Bakit? Eh kasalukuyang nasa madilim ka eh..pano ka gagawa kung nasa kapangyarihan ka ng kadiliman.. at kung gumawa ka man ng mabuti kung hindi ka naman kukunin ng Dios ay mababale wala yung ginawa mo kung wala ka sa kapangyarihan ng Dios.. eto sabi sa unang corinto uno desinuebe..
Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.
1 Corinto 1:19
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun, hindi komo mabait ka ay ligtas ka na.. Merong kabaitang pantao kaya yung pagkakaligtas na nangyari sa mga taga Efeso ay hindi ‘yon dahil sa gawa nila na sarili nilang gawain.. ganito mababasa po natin sa tito tres singko..
Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,
Tito 3:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Nakita mo po kapatid..Hindi dahil sa gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili noong wala ka pa sa aral ng Dios noong wala ka pang kasamang Dios.. meron po kasing gawang pangsarili lang eh, meron din pong paggawa ng kasama mo na ang Dios..magkaiba po yun.. kapag ikaw po ay nasa iglesiang katotohanan sasamahan ka na ng Dios sa paggawa..sabi po sa kinse singko ng juan..
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
Juan 15:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Merong pong paggawa na kasama si Kristo.. May paggawa na kasama ang Dios.. Ang gawa ng katwiran nating sarili ay hindi ‘yon ang dahilan kaya tayo inililigtas ng Dios sa kadiliman eh.. Doon sa Efeso kung babalikan natin yung dos nuwebe, ang sabi po..
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
Efeso 2:9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Aling mga gawa ‘yon kapatid? Yung pwede mong ipagmapuri yung pansarili mo kaya hindi gawang pansarili ito eh kasi kung ginawa mo ang isang bagay kasama ang Dios, ano ang ipagmamapuri mo? Kaya mo lang nagawa kasi kasama mo si Kristo at kasama mo ang Ama.. Pero kung pansarili mo lang noong ikaw ay walang Kristo walang Ama, sabi mo eh ‘O, mabait ako’, pwede mong ipagmapuri ‘yon.. Ang tao, ang unang step ng pagliligtas ay ililigtas ka ng Dios sa kapangyarihan ng kadiliman. Yung pagliligtas na ‘yon ay hindi dahil sa gawa mo ‘yon, hindi dahil sa ikaw ay matuwid o hindi dahil sa ikaw ay marunong o mayaman ka kundi awa ng Dios ‘yon sa lahat ng tao.. Awa po ng Dios ‘yon.. Kaloob ‘yon, gift.. Kagandahang loob ng Dios ‘yon na nasa gitna ng kadiliman damputin ka niya.. Basahin po natin ang efeso dos uno gang singko..
At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;
Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:
Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),
Efeso 2:1-5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun po.. “Sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas”, ang sabi ni Pablo.. Bagaman tayo’y patay dahil sa ating kasalanan ng una na nilakaran natin, tayo’y sa pamamagitan ng mayamang awa ng Dios, binuhay na kalakip ni Kristo sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas..Ano po yung kaligtasan na ‘yon? Kaligtasan sa kasalanan.. sa awa po ng Dios yun kaya naligtas sa kapangyarihan ng kasalanan, hindi dahil sa pansariling gawa..
Pero kapatid kung nailigtas ka na sa kapangyarihan ng kadiliman o kasalanan at nasa katotohanang iglesia ka na ay gagawa ka na ng mabuti..kasi kasama mo na ang Dios at panginoong hesucristo.. basahin po natin sa dos siete ng roma..
Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan:
Roma 2:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Pag nasa katotohanan ka na’t sa kaliwanagan ay gagawa ka naman.. Gagawa ka.. Hindi pwedeng ‘pag nasa liwanag ka na, nalipat ka na sa liwanag galing sa kadiliman, hindi ka gagawa.. Gagawa ka ng iyong ikaliligtas..Pag hindi ka gumawa at umurong ka, hindi kita kalulugdan sabi ng Dios. Pwede ka pa niyang itakuwil.. Kahit natanggap mo na si Kristo, hindi ka nagpatuloy sa pananampalataya ay pwede kang itakuwil.. Ikalawang Corinto trese singko..basahin po natin..
Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.
2 Corinto 13:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun, pag dika nanatili pwede kang itakwil.. Pag nasa liwanag na, gumawa ng kabutihan magpatuloy hanggang sa katapusan.. Pagdating ni Kristo ililigtas ka niya.. Bakit? May darating na parusa sa mundo.. Trese onse ng Isaias, basahin po natin..
At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
Isaias 13:11
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yun, may parusa pong darating eh.. Ang kristiyano po ay hindi tamad..masipag po dapat yan sa kabanalan..gumagawa.. balikan po natin ang efeso dos dies..
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
Efeso 2:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ayun, malinaw po yan kapatid nilalang po tayo kay cristo jesus para sa mabubuting gawa.. dun po sa nangyari sa isa sa dalawang tampalasan na nakasama ni cristo na ipinako sa krus, eh isang pagkakataon lang po 'yon..at wala na pong pagkakataon pa na gumawa ng kabutihan yun dahil nakapako na nga eh at mamamatay na..alangan naman pong sabihin ni cristo na.. "hala sige bumaba ka at magpabautismo ka kay pedro at gumawa ka ng mabuti".. Ang Dios po kapatid may konsiderasyon..ang bawat batas po may exemption, exemption to the rule..eh komo pareho na silang nakapako, eh si cristo naman ang tagapagligtas, may garantiya na eh.. kaya sabi niya kakasamahin kita sa paraiso..ganun po kapatid.. Pero para sa atin na may mga pagkakataon pa na makagawa ng kabutihan eh hindi sapat ang pananampalataya lang..basahin natin sa dos bentesais ng santiago..
Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.
Santiago 2:26
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Ang kaligtasan po’y attainable sa pamamagitan ng gagawin nating paglilingkod.. Balikan natin ang dos dose ng Filipos, ang sabi ni Pablo..
Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig;
Filipos 2:12
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Gagawa po tayo kapatid, pag sinabi mo pong dina kailangan gumawa ng mabuti, eh you are encouraging others to kill, to rob and to do evil things..diba ganun 'yon?..eh hindi po dapat ganon.. Magsuri ka po kapatid..
Ingatan at samahan ka ng Dios..
To God be the Glory!
Salamat sa Dios..