What's new

Sila nga lang ba makakaligtas?

Pero alam mo ba na kailangan din natin ang espiritu ng Diyos para magkaroon tayo ng wastong unawa sa Salita ng Diyos? Nakaulat yan sa 1 Corinto 2:9-16
 
Hindi lahat ng nangangaral at nagbabasa ng Bibliya eh paniniwalaan mo na. Dapat mong matiyak kung yung nagtuturo ba ng Salita ng Diyos ay totoong Sugo ng Diyos.

Sa Roma 10:14-15 ganito ang sinasabi..

“Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
“At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo. …"

Kaya dapat ang unang hinahanap sa mga nagpapakilalang tagapagturo ng Salita ng Diyos ay ang patotoo kung sila ba ay tunay na sinugo ng Diyos.
 
Deutronomio 4:39
39Dahil dito, tandaan ninyo at huwag kalilimutan na sa langit at sa lupa'y walang ibang diyos liban kay Yahweh.

Juan 4:23-24
23Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama. 24Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”
 
Levitico 19:4
4“Huwag kayong maglilingkod sa mga diyus-diyosan ni gagawa ng mga imahen upang sambahin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.’
 
Si Cristo ang nagtatag ng Iglesia natalikod at nawala ito noong namatay ang mga apostol.
Ang tunay na iglesiang nasa biblia ay Dios po ang nagtatag.. basahin po natin ang ikalawang corinto uno uno..

Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.

2 Corinto 1:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Eh pano yung sinabi ni cristo sa desisais desiotso ng mateo? Na ganito sinasabi..

At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Mateo 16:18

Yan po mga kapatid sabi ni cristo, itatayo ko ang aking iglesia.. eh iglesia po ba ni cristo yan?? Hindi po, mali po.. sino po ba ang nagtatayo?.. basahin po natin sa awit sientobentesiete uno..

Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay.

Awit 127:1

Dios lang po ang makapagtatayo, maliban sa kanya walang kabuluhan ang nagtatayo ng bahay.. eh ano po bang bahay yun na tinutukoy.. sa tres kinse ng unang timoteo..eto po sabi..

Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

1 Timoteo 3:15

Yun, ang bahay po ay yung iglesia ng Dios.. ang Dios po nagtayo.. eh itatanong nio po bakit ika sinabi ng panginoong hesu-cristo itatayo ko ang aking iglesia? Mga kapatid yun eh dahil inutusan po siya ng Ama.. basahin po natin ang zacarias sais dose..

At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

Zacarias 6:12

Yung lalaki po pala na tinatawag na sanga itatayo niya ang templo ng Panginoon.. eh san po ba manggagaling yung ang pangala'y sanga?.. eto po sa bentetres singko ng jeremias..

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.

Jeremias 23:5

Eto po pala'y galing kay david..maghahari siyang gaya ng hari..Kagaya po ni david.. sino po itong sanga na galing kay david?..basahin po natin sa apocalipsis bentedos desisais..

Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

Apocalipsis 22:16

Ayun.. si cristo po pala ang ugat at supling o sanga ni david.. samakatuwid siya po yung magtatayo ng templo ng Panginoon.. eh bakit po iglesia ng Dios eh siya pala nagtayo,si cristo.. ipinaliwanag po yan ng panginoong hesucristo.. sa dose kwarentaynuebe ng juan..

Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.

Juan 12:49

Ayun, kaya pala ganun si cristo pag nagsalita ang sinasabi niya yung salita ng Ama.. kaya non sinabi niya itatayo ko ang aking iglesia..eh sino nagsasalita? Edi yung Ama po, lumalabas po sa bibig ni cristo yung salita po ng Ama.. Kaya iglesia ng Dios po eh.. ano pong katunayan na yung sinasabi ni cristo ay galing sa Ama.. basahin po natin sa deuteronomio desiotso desiotso..

Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.

Deuteronomio 18:18

Sabi ng Dios kay moises magpapalitaw ako ng isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, mga israelita, at ilalagay ko ang aking salita sabi ng Dios ilalagay ko aking mga salita sa kanyang bibig, kay cristo at sasalitain niya lahat ng aking iuutos sabi ng Dios.. pinatotohanan yan ng mga otoridad ng bagong tipan..basahin po natin ang gawa tres bentedos, bente..

Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.

Gawa 3:22

Sa bente..

At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo, na si Jesus:

Gawa 3:20

Yun pala paliwanag dun.. si moises po nagsabi, pinaliwanag ni pedro.. ang katuparan pala nun propetang susuguin pagkatapos ni moises ay ang panginoong hesucristo.. kaya non sinabi po ni cristo na itatayo ko aking iglesia eh kaninong iglesia po yun? Edi iglesia ng Dios..

Wala po tayong mababasa na iglesia ni cristo sa biblia lalong lalo na sa mga manuskrito.. eh itatanong niyo po pano yung nasa roma desisais desisais?.. eh basahin po natin..

Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.

Roma 16:16

In english it says..

Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.

Romans 16:16
King James Version (KJV)

Ayun plural po yan.. churches of christ, dipo yan ang opisyal na pangalan ng iglesia.. kaya wala po tayong mababasa sa biblia na iglesia ni cristo..unless corrupted po yung pagkatranslate.. eh nasan po ba yang churches o mga iglesia ni cristo?.. basahin po natin sa galacia uno bentedos..

At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na pawang kay Cristo.

Galacia 1:22

Eh ano pangalan niyang mga iglesia sa judea?

Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;

1 Tesalonica 2:14

Kita niyo po mga kapatid.. kaya ang pangalan ng iglesia ni cristo sa judea iglesia ng Dios yun.. yun po ang opisyal na pangalan ng iglesia dahil ang Dios po ang may-ari ng iglesia..
Siya ang nagtayo kinasangkapan niya lang ang panginoong hesucristo.. God is the architect, the engineer that built the church.. eto po sabi sa tres kuatro ng hebreo..

Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.

Hebreo 3:4

Oh kita niyo po, ang Dios po ang nagtayo ng lahat ng bagay lalo na ang iglesia..

Ganito po mga kapatid, isang pampalinaw po.. basahin natin ang sabi ni pablo sa galacia sais dos..

Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.

Galacia 6:2

Yun, meron pong tinatawag sa biblia na kautusan ni cristo, para din yung mga iglesia ni cristo.. pero kung tatanungin po natin si cristo, officially kanino ba yung kautusan niya.. eto po basahin natin sa juan..

At sa singkuenta..

At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.

Juan 12:49-50

Yun po.. ang Ama po may-ari nun utos, tinatawag man yun ng kautusan ni cristo, sa Dios pa rin galing yun.. eto po sa siete desisais ng juan..

Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.

Juan 7:16

Yun, napakalinaw po mga kapatid ang turo ko sabi ni cristo ay hindi akin kundi doon sa nagsugo sakin.. galing sa Dios Ama yun.. parang ganito po yung kautusan ni moises ang sabi po dun sa malakias kuatro kuatro..

Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.

Malakias 4:4

Ang nagsasalita po dyan ay Dios.. ang sabi alalahanin ninyo ang kautusan ni moises na aking iniutos sa kanya.. yun kahit tinatawag na kautusan ni moises eh galing sa Dios yun.. kaya yun officially law of God.. parang kautusan ni cristo.. kautusan yun ng Dios.. samakatuwid yung iglesia po ay iglesia ng Dios..

Samahan at ingatan po kayo ng Panginoon..

To God be the glory!
Salamat sa Dios..
 
may sinabing term si airforce123 "natalikod daw ang iglesia".para niyo naring sinabi na pinanaigan ng diablo yong bayan ng Dios.ang nasa biblia hindi pananaigan ng hades ang iglesia

Mat.16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

sana nagsite tayo ng verse na naglalaman ng sinasabi ninyong "natalikod ang iglesia"?
 
Last edited:

Kapag sinabing natalikod hindi po ibig sabihin nawala. Ang aral ni Cristo at ang Iglesiang itinatag niya ay nandoon pa rin ang natalikod po ay ang mga miyembro dahil noong nawala na ang mga apostol sa ibang mangangaral na sila nakinig.
Noong nasa lupa pa ang Panginoong Jesucristo, hinulaan niya na ang magaganap na pagtalikod :

“Lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami.” (Mateo 24:11, NPV)

Ayon kay Cristo, lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami sa Kaniyang mga alagad. Ano naman ang katumbas ng sinabi Niyang “ililigaw ang marami”, sa Mateo 24:10, ganito ang sinasabi sa atin :

“At dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa’t isa.”

Ang katumbas ng ililigaw ang marami ay maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya. Paano naman sila itatalikod ng mga bulaang propeta at sino ang mga tinutukoy ni Cristo na mga bulaang propeta? Ganito naman ang sagot pa sa atin ng Biblia :

Mateo 7:15: “Mangagingat kayo sa MGA BULAANG PROPETA, NA NAGSISILAPIT SA INYO NA MAY DAMIT TUPA, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila.”
Paano nila itatalikod ang mga unang kaanib sa Iglesia Ni Cristo? Si Apostol Pablo ang magpapaliwanag sa atin sa 1 Timoteo 4:1, 3.

1 Timoteo 4:1,3: “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, NA SA MGA HULING ANG IBA’Y MAGSISITALIKOD SA PANANAMPALATAYA, AT MANGAKIKINIG SA MGA ESPIRITUNG MAPANGHIKAYAT SA MGA ARAL NG MGA DEMONIO, … NA IPINAGBABAWAL ANG PAG-AASAWA, AT IPINAG-UUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”

Ayon sa mga apostol, magsisitalikod ang mga alagad ni Cristo. Paano matatalikod? Sila ay makikinig sa mga aral ng mga demonyo: ang pagbabawal ng pag-aasawa at pagbabawal ng pagkain ng karne.
Ano naman ang gagawin sa mga hindi naitalikod o hindi nailigaw?

“Sa panahong ‘yon, kayo’y usigin at PAPATAYIN. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin.” (Mateo 24:9, NPV)

Ang mga hindi nailigaw ay pinatay kaya nawalan ng mga tunay na kaanib ang unang Iglesia.

Ayon sa mga apostol, kailan naman nangyari ito? Ganito ang pahayag sa atin ni Apostol Pablo :

Gawa 20:29: “Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;”

Ano kaya ang ibig sabihin ni Apostol Pablo sa tinuran niyang “pag-alis”? Siya mismo ang magpapaliwanag nito sa atin :

2 Timoteo 4:6: “Sapagka’t ako’y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.”

Samakatuwid, pagkatapos ng panahon ng mga apostol at kapag sila’y namatay na, iyon ang panahon kung kailan tatalikod ang Iglesia Ni Cristo. Ang aral ni Cristo ay nanatili ngunit walang natirang miyembro ang unang Iglesiang itinatag ni Cristo.
Juan 10:16
“At MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: SILA'Y KAILANGAN DIN NAMANG DALHIN KO, AT KANILANG DIRINGGIN ANG AKING TINIG; AT SILA'Y MAGIGING ISANG KAWAN, AT MAGKAKAROON NG ISANG PASTOR.”
Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas? Ang sabi ng Panginoong JesuCristo, MAYROON PA SIYANG IBANG MGA TUPA NA WALA PA SA KULUNGAN NOONG SIYA’Y NARITO PA SA LUPA. ANG MGA ITO AY DADALHIN NIYA AT KANILANG DIRINGGIN ANG KANIYANG TINIG, AT SILA’Y GAGAWIN NIYANG ISANG KAWAN AT MAGKAKARON NG ISANG PASTOR.
TANONG:
Literal bang tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”?
Ezekiel 34:31
“At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”
Literal bang mga tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”? Hindi, kundi sila ay mga TAO na gagawin ng ating Panginoong JesuCristo na ISANG KAWAN.
TANONG:
Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo?
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”
Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo? Tiniyak ni Apostol Pablo na ang KAWAN ay ang IGLESIA NG PANGINOON.
Marahil ay maitatanong ng ilan:
“Bakit ninyo sinasabi na IGLESIA NI CRISTO ang nakasulat sa Gawa 20:28 hindi ba maliwanag na mababasa ang nakalagay diyan ay IGLESIA NG PANGINOON. At ang tinutukoy na PANGINOON diyan ay ang DIYOS.”
Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo sa Gawa 20:28?

Gawa 2:36
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
 
Tutal mahaba ang explanation mo at binasa ko ito Sana basahin mo rin ito ng buo kahit mahaba. Credit sa pinagkuhanan ko hindi pwede kasing magbigay ng link dito.
Marami ang nagtatanong kung bakit sinasabi ng mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO na ito ay itinatag ng ating PANGINOONG DIOS at PANGINOONG JESUCRISTO sa bansang PILIPINAS sa pamamagitan ng HULA o PROPHECY at ang PANGINOONG JESUCRISTO nga ba nagtatag nito?
Sa pagkakataong ito ay patutunayan natin sa pamamagitan ng mga HULA na nakasulat sa BIBLIA kung, papaano nagkaroon ng IGLESIA NI CRISTO sa PILIPINAS?
Iisa-isahin natin ang mga HULA na nagpapatotoo sa KAHALALAN ng IGLESIA NI CRISTO.
TANONG:
Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas?
Juan 10:16
“At MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: SILA'Y KAILANGAN DIN NAMANG DALHIN KO, AT KANILANG DIRINGGIN ANG AKING TINIG; AT SILA'Y MAGIGING ISANG KAWAN, AT MAGKAKAROON NG ISANG PASTOR.”
Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas? Ang sabi ng Panginoong JesuCristo, MAYROON PA SIYANG IBANG MGA TUPA NA WALA PA SA KULUNGAN NOONG SIYA’Y NARITO PA SA LUPA. ANG MGA ITO AY DADALHIN NIYA AT KANILANG DIRINGGIN ANG KANIYANG TINIG, AT SILA’Y GAGAWIN NIYANG ISANG KAWAN AT MAGKAKARON NG ISANG PASTOR.
TANONG:
Literal bang tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”?
Ezekiel 34:31
“At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”
Literal bang mga tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”? Hindi, kundi sila ay mga TAO na gagawin ng ating Panginoong JesuCristo na ISANG KAWAN.
TANONG:
Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo?
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”
Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo? Tiniyak ni Apostol Pablo na ang KAWAN ay ang IGLESIA NG PANGINOON.
Marahil ay maitatanong ng ilan:
“Bakit ninyo sinasabi na IGLESIA NI CRISTO ang nakasulat sa Gawa 20:28 hindi ba maliwanag na mababasa ang nakalagay diyan ay IGLESIA NG PANGINOON. At ang tinutukoy na PANGINOON diyan ay ang DIYOS.”
Heto ang tanong ko sa mga may ganyang kaisipan, lalo na sa mga MANG-UUSIG sa IGLESIA NI CRISTO, kapag sila naman ang tinanong mo ay hindi alam ang isasagot. Aamagin ang tanong mo pero hindi nila sasagutin dahil wala silang maisasagot sa tanong. Ang kanilang palusot ay mag-iiba ng topic.
Kahit hindi na natin gamitin ang GEORGE M. LAMSA TRANSLATION of the Bible.
1. Sino ba ang TUMUBOS o BUMILI ng DUGO sa IGLESIA?
a. Ang DIYOS
b. Si CRISTO
2. Sino ba ang may DUGO?
a. Ang DIYOS
b. Si CRISTO
Balikan natin ang ISSUE:
TANONG: Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo sa Gawa 20:28?
Gawa 2:36
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo sa Gawa 20:28? ANG PANGINOON AY SI CRISTO. Samakatuwid, ang KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO.
Kung gayon, gagawin ni Cristong IGLESIA NI CRISTO ang Kaniyang IBANG MGA TUPA noong narito pa Siya sa lupa na wala pa sa kulungan o wala pa sa IGLESIA NI CRISTO noong UNANG SIGLO
TANONG:
Sinu-sino itong mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon at sinu-sino naman itong wala pa sa kulungan?
Gawa 2:39
“Sapagka't SA INYO ang pangako, at SA INYONG MGA ANAK, at SA LAHAT NG NANGASA MALAYO, MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN NG PANGINOON NATING DIOS sa kaniya.”
Ang tanong natin ay kung sinu-sino ang mga tupa ni Jesus na nasa kulungan na at ang mga wala pa sa kulungan noon. Ang isinagot sa atin ng talata ay ang TATLONG PULUTONG NG MGA TAONG TATANGGAP NG ESPIRITU SANTO.
UNA: “SA INYO”
IKALAWA:
“SA INYONG MGA ANAK”
IKATLO:
“SA LAHAT NG NANGASA MALAYO MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN NG DIYOS”.
Ang dalawang naunang pulutong ay natawag na, kaya ang mga ito’y nasa kulungan na noon o natawag na sa unang Iglesia Ni Cristo. Ngunit itong huli o ikatlong pulutong ay hindi pa natatawag noon o wala pa sa unang Iglesia Ni Cristo kundi tatawagin pa lamang sila kaya ang sabi, “MAGING ILAN MAN ANG TAWAGIN NG PANINOON NATING DIOS.” Kaya wala pa sila sa kulungan noong si Cristo ay narito pa sa lupa.
TANONG: Sinu-sino ba itong natawag na o nasa kulungan na noong si Cristo ay narito pa sa lupa at sa panahon ng mga Apostol?
Roma 9:24
“Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga JUDIO, kundi naman mula sa mga GENTIL?”
Ang mga natawag na ay ang mga JUDIO at ang mga GENTIL. Ito ang mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon. Sino naman itong mga tupa ni Cristo na wala pa sa kulungan noon? Ito ang mga NASA MALAYO na noon ay hindi pa tinatawag kundi tatawagin pa lamang, kaya wala pa sila sa kulungan.
TANONG: Alin itong malayo na kinaroroonan ng mga tupa ni Cristo na wala pa sa kulungan o hindi pa natatawag noong si Cristo ay narito pa sa lupa?
Isaias 43:6 King James Version
“I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring MY SONS FROM FAR, AND MY DAUGHTERS FROM THE ENDS OF THE EARTH;
Salin sa Filipino:
Isaias 43:6
“Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO, AT ANG AKING MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA MGA WAKAS NG LUPA;”
Ang mga anak ng Diyos na lalake at babae na siya ring ibang mga tupa ni Cristo ay magmumula sa MALAYO at MGA WAKAS NG LUPA. Kaya nga ang banggit ni Cristo kanina ay WALA PA SA KULUNGAN noong narito pa Siya sa lupa dahil;
UNA: MALAYO ANG DAKO o MALAYO SA BANSANG ISRAEL ang pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo.
IKALAWA: MALAYO ANG PANAHON ng PAGLITAW. Malayo sa panahon ni Cristo at ng mga Apostol ang pagtawag sa mga IBANG MGA TUPA ni Cristo.
Talakayin muna natin ang DAKO o BANSANG pagmumulan ng IBANG MGA TUPA NI CRISTO.
TANONG:
Aling malayo ang tinutukoy na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo na sila rin ang mga anak na lalake at babae ng Diyos?
Isaias 43:5-6
“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi MULA SA SILANGANAN, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; DALHIN MO RITO ANG AKING MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO, AT ANG AKING MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA WAKAS NG LUPA;
Aling malayo ang tinutukoy na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo na sila rin ang mga anak na lalake at babae ng Diyos? Ang sabi ng Diyos mismo, MULA SA SILANGANAN at MULA SA MALAYO. Kung gayon sa MALAYONG SILANGAN magmumula ang IBANG MGA TUPA ni Cristo.
ANG SABI NG IBA:
Bakit daw natin PINAGDUDUGTONG ang MALAYO at SILANGAN sa Isaias 43:5-6 wala raw mababasang MALAYONG SILANGAN sa Biblia. May mababasa raw na salitang MALAYO na ito ay nasa talatang 6 at may mababasa raw na salitang SILANGAN na ito naman ay nasa talatang 5 ngunit iyong salitang MALAYONG SILANGAN na MAGKASAMA o MAGKAKABIT ay wala raw mababasa.
Hindi totoo ang sinasabi nila, sapagkat sa BIBLIANG INGLES ay mas maliwanag na mababasa ang MALAYONG SILANGAN na MAGKASAMA o MAGKAKABIT.
Isaiah 43:5 James Moffatt Translation
“From the FAR EAST will I bring your offspring …”
Salin sa Pilipino:
Isaias 43:5
“Mula sa MALAYONG SILANGAN ay aking dadalhin ang iyong lahi…”
Hindi ba maliwanag na FAR EAST o MALAYONG SILANGAN ang nabasa natin? Maliwanag. Bakit sa BIBLIANG TAGALOG ay wala iyong MALAYONG SILANGAN? Kung wala man, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga nagsalin ng BIBLIANG TAGALOG.
TANONG: Alin itong bansa sa malayong Silangan na kinatuparan ng hula na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo?
WORLD HISTORY. Madison United States Armed Forces Institute, 1942,; by: Boak, Arthur E. R., Slosson, Preston, and Anderson, Howard R. p. 445
“The PHILIPPINES were Spain’s share of the first colonizing movement in the FAR EAST.”
Salin sa Filipino:
“Ang PILIPINAS ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa MALAYONG SILANGAN.”
Maliwanag na pinatutunayan ng kasaysayan na ang MALAYONG SILANGAN na binabanggit sa Biblia ang katuparan ay ang PILIPINAS. Ang kinikilala ng Dios na Kaniyang mga anak na lalake at babae, sabi ni Jesus, Sila ay Kaniyang dadalhin at diringgin ang Kanyang tinig at sila ay gagawin Niyang isang KAWAN o IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Paano pinatunayan ng hula ng Diyos na Iglesia Ni Cristo ang lilitaw sa Pilipinas?
Isaias 43:5-7 King James Version
“Fear not: for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from the west; I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring MY SONS FROM FAR, and MY DAUGHTERS FROM THE ENDS OF THE EARTH; Even EVERY ONE THAT IS CALLED BY MY NAME: for I HAVE CREATED him FOR MY GLORY, I have formed him; yea, I HAVE MADE HIM.”
Salin sa Filipino:
Isaias 43:5-7
“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking MGA ANAK NA LALAKE NA MULA SA MALAYO, at ang aking MGA ANAK NA BABAE NA MULA SA WAKAS NG LUPA; Bawa't TINATAWAG SA AKING PANGALAN, at YAONG AKING NILIKHA ay SA AKING KALUWALHATIAN, yaong aking inanyuan oo, YAONG AKING GINAWA.”
Paano pinatunayan ng hula ng Diyos na Iglesia Ni Cristo ang lilitaw sa Pilipinas? Ang sabi sa talata ang mga anak na lalake at babae na mula sa MALAYONG SILANGAN o PILIPINAS ayon sa hula, SILA AY TATAWAGIN SA KANYANG PANGALAN. Aling pangalan? YAONG PANGALAN NA KANIYANG NILIKHA o GINAWA para sa Kaniyang KALUWALHATIAN.
TANONG:
Alin ba ang pangalang ginawa ng Diyos para sa Kaniyang kaluwalhatian?
Gawa 2:36
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
Alin ba ang pangalang ginawa ng Diyos para sa Kaniyang kaluwalhatian? Ang pangalang CRISTO.
TANONG: Ang pangalang Cristo ba ay sa ikaluluwalhati ng Diyos?
Efeso 2:9-10
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Sapagka't TAYO'Y KANIYANG GAWA, NA NILALANG KAY CRISTO JESUS PARA SA MABUBUTING GAWA, NA MGA INIHANDA NG DIOS NANG UNA UPANG SIYA NATING LAKARAN.”
Ang pangalang Cristo ba ay sa ikaluluwalhati ng Diyos? Ang sabi ni Apostol Pablo, TAYO'Y KANIYANG GAWA, NA NILALANG KAY CRISTO JESUS PARA SA MABUBUTING GAWA, NA MGA INIHANDA NG DIOS NANG UNA UPANG SIYA NATING LAKARAN..
TANONG:
Papaano ba kung itawag ang pangalang Cristo sa mga kinikilala Niyang mga tupa Niya?
Roma 16:16 New Pilipino Version
“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.”
Papaano kung itawag ang pangalang Cristo sa mga kinikilala Niyang mga tupa Niya? IGLESIA NI CRISTO.
TANONG: Ano ang kahalagahan ng pangalang Cristo? Ito ba ay walang kabuluhan? Dapat ba itong baguhin o palitan?
Gawa 4:10-12 Magandang Balita Biblia
“Talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito'y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng PANGALAN NI JESUCRISTONG TAGA-NAZARET. Siya'y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Jesus na ito 'Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.' KAY JESU-CRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, SAPAGKAT SA SILONG NG LANGIT, ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ANG IBINIGAY NG DIYOS SA IKALILIGTAS NG TAO."
Ito ang katuparan ng hula ng Dios na ang IGLESIA NI CRISTO ay lilitaw sa PILIPINAS. Ang pangalang ibinigay ng Dios. Ang pangalang sunod sa may-ari ng Iglesia sa ikaluluwalhati ng Dios. Sa kanino mang iba o sa ibang relihiyon ay walang kaligtasan.
CCTO:

CITY NOT FORSAKEN​

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
Sagot at paliwanag sa kung bakit sa ibang salin sa bible ay" churches of Christ o mga Iglesia ni Cristo " plural ang ginamit dahil ito po ay tumutukoy sa mga congregation o miyembro. Bakit po? Ito ang sagot

Mga Taga-Efeso 5:23-33 MBB05​

Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang asawa. Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili bilang isang maluwalhating iglesya na walang anumang dungis ni kulubot man upang ito ay maging banal at walang kapintasan. Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. Gaya ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito'y, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.” Ito ay isang dakilang hiwaga na aking inihahayag tungkol sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. Kaya't kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang naman ninyo ang inyong asawa.
MBB05: Magandang Balita Biblia (2005)
Diyan po sa nabasa tumutukoy na ang tawag sa Iglesia ay katawan ni Cristo dahil si Cristo ang ulo ng katawan. Iisa lang ang katawan ni Cristo hindi marami. Pinakasimpleng paliwanag kapag nakakita ka ng isang grupo o tulad ng naging rally ng INC sa EDSA at may nagtanong sa iyo na "sino yun mga nagraraling yan? " Sigurado ang isasagot ng pinagtanungan ay "mga Iglesia ni Cristo yan"
 
Kapag sinabing natalikod hindi po ibig sabihin nawala. Ang aral ni Cristo at ang Iglesiang itinatag niya ay nandoon pa rin ang natalikod po ay ang mga miyembro dahil noong nawala na ang mga apostol sa ibang mangangaral na sila nakinig.
Noong nasa lupa pa ang Panginoong Jesucristo, hinulaan niya na ang magaganap na pagtalikod :

“Lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami.” (Mateo 24:11, NPV)

Ayon kay Cristo, lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami sa Kaniyang mga alagad. Ano naman ang katumbas ng sinabi Niyang “ililigaw ang marami”, sa Mateo 24:10, ganito ang sinasabi sa atin :

“At dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa’t isa.”

Ang katumbas ng ililigaw ang marami ay maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya. Paano naman sila itatalikod ng mga bulaang propeta at sino ang mga tinutukoy ni Cristo na mga bulaang propeta? Ganito naman ang sagot pa sa atin ng Biblia :

Mateo 7:15: “Mangagingat kayo sa MGA BULAANG PROPETA, NA NAGSISILAPIT SA INYO NA MAY DAMIT TUPA, datapuwa’t sa loob ay mga lobong maninila.”
Paano nila itatalikod ang mga unang kaanib sa Iglesia Ni Cristo? Si Apostol Pablo ang magpapaliwanag sa atin sa 1 Timoteo 4:1, 3.

1 Timoteo 4:1,3: “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, NA SA MGA HULING ANG IBA’Y MAGSISITALIKOD SA PANANAMPALATAYA, AT MANGAKIKINIG SA MGA ESPIRITUNG MAPANGHIKAYAT SA MGA ARAL NG MGA DEMONIO, … NA IPINAGBABAWAL ANG PAG-AASAWA, AT IPINAG-UUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”

Ayon sa mga apostol, magsisitalikod ang mga alagad ni Cristo. Paano matatalikod? Sila ay makikinig sa mga aral ng mga demonyo: ang pagbabawal ng pag-aasawa at pagbabawal ng pagkain ng karne.
Ano naman ang gagawin sa mga hindi naitalikod o hindi nailigaw?

“Sa panahong ‘yon, kayo’y usigin at PAPATAYIN. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin.” (Mateo 24:9, NPV)

Ang mga hindi nailigaw ay pinatay kaya nawalan ng mga tunay na kaanib ang unang Iglesia.

Ayon sa mga apostol, kailan naman nangyari ito? Ganito ang pahayag sa atin ni Apostol Pablo :

Gawa 20:29: “Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;”

Ano kaya ang ibig sabihin ni Apostol Pablo sa tinuran niyang “pag-alis”? Siya mismo ang magpapaliwanag nito sa atin :

2 Timoteo 4:6: “Sapagka’t ako’y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.”

Samakatuwid, pagkatapos ng panahon ng mga apostol at kapag sila’y namatay na, iyon ang panahon kung kailan tatalikod ang Iglesia Ni Cristo. Ang aral ni Cristo ay nanatili ngunit walang natirang miyembro ang unang Iglesiang itinatag ni Cristo.
Juan 10:16
“At MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: SILA'Y KAILANGAN DIN NAMANG DALHIN KO, AT KANILANG DIRINGGIN ANG AKING TINIG; AT SILA'Y MAGIGING ISANG KAWAN, AT MAGKAKAROON NG ISANG PASTOR.”
Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas? Ang sabi ng Panginoong JesuCristo, MAYROON PA SIYANG IBANG MGA TUPA NA WALA PA SA KULUNGAN NOONG SIYA’Y NARITO PA SA LUPA. ANG MGA ITO AY DADALHIN NIYA AT KANILANG DIRINGGIN ANG KANIYANG TINIG, AT SILA’Y GAGAWIN NIYANG ISANG KAWAN AT MAGKAKARON NG ISANG PASTOR.
TANONG:
Literal bang tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”?
Ezekiel 34:31
“At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”
Literal bang mga tupa na hayop ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “IBANG MGA TUPA”? Hindi, kundi sila ay mga TAO na gagawin ng ating Panginoong JesuCristo na ISANG KAWAN.
TANONG:
Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo?
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”
Ano itong kawan na binabanggit ng Panginoong JesuCristo? Tiniyak ni Apostol Pablo na ang KAWAN ay ang IGLESIA NG PANGINOON.
Marahil ay maitatanong ng ilan:
“Bakit ninyo sinasabi na IGLESIA NI CRISTO ang nakasulat sa Gawa 20:28 hindi ba maliwanag na mababasa ang nakalagay diyan ay IGLESIA NG PANGINOON. At ang tinutukoy na PANGINOON diyan ay ang DIYOS.”
Sino ang Panginoon na tinutukoy ni Apostol Pablo sa Gawa 20:28?

Gawa 2:36
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na PANGINOON AT CRISTO ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
1 tim.4:1 Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

Hindi naman po iglesia ang tatalikod airforce123.yong sinasabing magsisitalikod sa verse na binigay niyo ay yong mga mahihina ang pananampalataya.hindi niyo ba napansin?ang "iba"ika ay magsisitalikod....ikaw na mismo nagsabi na mga kaanib ito na hindi nagpatuloy sa pananampalataya.bakit sasabihin nating iglesia unang-una si kristo ang ulo ng katawan na yon nga yong iglesia.pag sinabi niyo kasing iglesia yan idinadamay niyo pati ang nasa loob kasama si kristo kasi siya ang ulo diba? yong mga iba lang na kaanib sa iglesia yong tumalikod at malinaw na sinasabi ng biblia na ang iglesia hindi pananaigan ng hades,

Mat.16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Bakit kami naniniwala na hindi iglesia ang natalikod kasi kung may tatalikod man yong mga iba lang hindi ang iglesia.alam namin kung bakit niyo ipipilit na yong tumalikod kuno ay ang iglesia.. gusto niyo kasing mailapat na INC ang kinatuparan sa hula ni zacarias 13:8-9 na yong dalawang grupo mahihiwalay at mamamatay at yong ikatlo yong grupo na ninyo na lilitaw sa pilipinas na kapag di kuno umanib ay walang kaligtasan.

Pero ganon pa man talagang ganon sa relihiyon masalimuot ang paghahanap ng totoo.nasa interpretasyon talaga yan wala namang iglesia ngayon ang magsasabi na hindi biblical ang kanilang tinuturo kaya nasa pagsusuri talaga yan.
 
Screenshot_20210520-122025.png
 
Attachments

Juan 17:1-3
1Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. 2Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. 3Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
 
1 tim.4:1 Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

Hindi naman po iglesia ang tatalikod airforce123.yong sinasabing magsisitalikod sa verse na binigay niyo ay yong mga mahihina ang pananampalataya.hindi niyo ba napansin?ang "iba"ika ay magsisitalikod....ikaw na mismo nagsabi na mga kaanib ito na hindi nagpatuloy sa pananampalataya.bakit sasabihin nating iglesia unang-una si kristo ang ulo ng katawan na yon nga yong iglesia.pag sinabi niyo kasing iglesia yan idinadamay niyo pati ang nasa loob kasama si kristo kasi siya ang ulo diba? yong mga iba lang na kaanib sa iglesia yong tumalikod at malinaw na sinasabi ng biblia na ang iglesia hindi pananaigan ng hades,

Mat.16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Bakit kami naniniwala na hindi iglesia ang natalikod kasi kung may tatalikod man yong mga iba lang hindi ang iglesia.alam namin kung bakit niyo ipipilit na yong tumalikod kuno ay ang iglesia.. gusto niyo kasing mailapat na INC ang kinatuparan sa hula ni zacarias 13:8-9 na yong dalawang grupo mahihiwalay at mamamatay at yong ikatlo yong grupo na ninyo na lilitaw sa pilipinas na kapag di kuno umanib ay walang kaligtasan.

Pero ganon pa man talagang ganon sa relihiyon masalimuot ang paghahanap ng totoo.nasa interpretasyon talaga yan wala namang iglesia ngayon ang magsasabi na hindi biblical ang kanilang tinuturo kaya nasa pagsusuri talaga yan.
Oo, kaya nga sabi hindi nawala ang Iglesia ni Cristo kundi ang nawala at natalikod at ang mga miyembro nito. Kaya nga sabi ni Cristo kung nabasa mo "may mga tupa pa ako na wala sa kulungang ito" nawala man ang unang Iglesia hinulaan naman kung kelan ito muling lilitaw at yun ang sinasabi mong mailapat. Talagang mahirap tanggapin ng iba ang hulang tinutukoy dito pero yun po ang totoo at kinatuparan ng hula. Hindi po ako ministro para masagot ko ang ibang mga katanungan niyo pero kung may mga katanungan kayo at gustong malaman maganda kung sa ministro mismo kayo magtanong. Hindi na po ako sasagot sa mga tanong. Sapat na sa akin na naibahagi ko ang ibang natutunan kong doktrina ng INC.
 
About this Thread

  • 155
    Replies
  • 6K
    Views
  • 36
    Participants
Last reply from:
angelo cruz

Online statistics

Members online
468
Guests online
5,846
Total visitors
6,314
Back
Top