What's new

Closed Si jesus ba ang diyos?

Status
Not open for further replies.
nga nman .....agree ako dito logic pala e gov20!ano masasabi mo dapat ba hari din ba pag labas nung anak ng hari?di ang dami na agd hari nun.sabi nga ng AMA na sya lang ang NAG IISANG DIYOS ngayun gagawin mo dalawa kahit nag si KRISTO di nya sinabi na sya ay DIYOS.
panoorin mo po ito bossing baka sakaling mamulat ka.

 
Ano ba'y hari?tao.prinsipe?tao.prinsesa?tao rin.di wala naman palang problema.pinalalabo mo lang eh.kung anak ng hari kambeng yun ang problema.ang presedente ba pag nanganak presedente rin?hindi. tao.duktor pagnanganak duktor rin?hindi. tao.ang tanong mo tanong ng taong hindi nagiisip.
pag nanganak ang diyos ? magiging diyos na kaagad?
 
Last edited:
Ano ba'y hari?tao.prinsipe?tao.prinsesa?tao rin.di wala naman palang problema.pinalalabo mo lang eh.kung anak ng hari kambeng yun ang problema.ang presedente ba pag nanganak presedente rin?hindi. tao.duktor pagnanganak duktor rin?hindi. tao.ang tanong mo tanong ng taong hindi nagiisip.
dinala mo sa logic boss ang usapan so logic din ang sinagot syo!pero mismo na nga si CRISTO ang nag sabi

J
Sino ang unang nagpakilala sa tunay na Kalagayan ni Cristo ayon sa Biblia? Sa Isa. 7:14 , ay ganito ang sinasabi:



“Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.”



Ang talatang ito ay hula ng Diyos na ipinahayag sa pamamagitan ni propeta Isaias. Ano ang nilalaman ng hula? Isang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ng isang dalaga. Sino ang dalagang maglilihi at manganganak ng isang batang lalake? Sino naman ang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ng isang dalaga? Sa Luc.1:26-35 , ay ganito ang sinasabi na katuparan ng hula:




“ Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,
“Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.
“At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo.
“Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.
“At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
“At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang
pangalang JESUS. “Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
“At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
“At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak
ng Dios.”





Ayon sa katuparan ng hula, sino ang dalagang maglilihi at manganganak ng isang batang lalake? Si Maria. Sino naman ang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ni Maria? Si JESUS. Kung gayon, sino ang unang nagpakilala sa tunay na kalagayan ni Cristo ayon sa Biblia? Ang Diyos. Ano ang pagpapakilala ng Diyos kay Cristo? Isang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ng isang dalaga. Samakatuwid, ang tunay na kalagayan ng batang lalake o ni Jesus ay TAO. Hindi Diyos. Bakit? Sapagka’t ang Diyos ay hindi ipinaglilihi at hindi rin ipinanganganak. At nang dinadala na ni Maria si Jesus sa kanyang sinapupunan, ano ang pagpapakilala ng Diyos sa tunay na kalagayan nito ayon sa pahayag ng anghel na Kanyang isinugo kay Jose? Sa Mat. 1:18-21 , ay ganito ang sinasabi:



“Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
“At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang
kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
“Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
“At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”




Ano ang pagpapakilala ng Diyos sa pamamagitan ng anghel na isinugo Niya kay Jose tungkol sa tunay na kalagayan ni Jesus na dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan? Natuklasan ni Jose na si Maria ay may dinadala na sa kanyang sinapupunan nang sila’y magsama. Sa ganito’y ipinasiya ni Jose na hiwalayan si Maria nang lihim upang huwag mahayag sa madla ang kanyang kapurihan. Nguni’t ano ang sinabi ng anghel kay Jose? Sinabi ng anghel kay Jose na huwag mangamba sa pagtanggap kay Maria, sapagka’t ang DINADALANG-TAO nito ay lalang ng Espiritu Santo. Samakatuwid, ano ang kalagayan ng dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan ayon sa pagpapakilala ng Diyos sa pamamagitan ng anghel na Kanyang isinugo Kay Jose? TAO ang dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan. Hindi Diyos! Bakit? Sapagka’t ang Diyos ay hindi maaaring dalhin ng tao o ng isang babae sa kaniyang sinapupunan at pagkatapos ay ipanganak. Kung gayon, ayon sa pagpapakilala ng Diyos, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO! Kaya ang aral na tao ang tunay na kalagayan ni Cristo ay aral na mula sa Diyos na nasusulat sa Biblia. Ang Iglesia ni Cristo na nagtuturo ng aral na ito ay sa Diyos. Ang mga nagtuturo na ang tunay na kalagayan ni Cristo ay Diyos, sila ang mga kalaban ng Diyos at hindi ang Iglesia ni Cristo! Noong manganak si Maria, Ano ang ipinanganak niya? Sa Luc. 2:6-7 , ay ganito ang sinasabi:




“A t nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak. “At
kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.”


Ano ang ipinanganak ni Maria? Ipinanganak niya ang panganay niyang anak na lalake. Samakatuwid, TAO ang kanyang ipinanganak. Bakit? Sapagka’t TAO ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Ano ang kanyang ginawa sa bata o sanggol na kanyang ipinanganak? Ito’y binalot niya ng mga lampin. Ang Diyos ba’y nilalampinan? HINDI! Ano ang isa sa karapatan ng batang ito na ipinanganak ni Maria? Sa Luc. 2:11-12 , ay ganito ang tinitiyak:



“ Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.
“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.”



Ano ang karapatan ng sanggol na ito at sino siya? Siya ang Cristo, ang Panginoon, na iisang tagapagligtas.
Nababago ba ang tunay na kalagayan ng sanggol na ito samantalang siya’y lumalaki? Sa Luc. 2:40 , ay sinasabi ang ganito:



“ At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.”


Samantalang lumalaki si Jesus ay hindi nagbabago ang Kanyang tunay na kalagayang TAO. Siya’y lumalaking bata—hindi lumalaking Diyos! Hindi rin Siya ang Diyos, kundi nagtatamo ng kalakasan, karunungan at biyaya na mula sa Diyos. Baka naman nang lumaki nang ganap si Jesus ay naging Diyos na ang Kanyang kalagayan? Ano ba ang pagpapakilala Niya sa Kanyang sarili nang Siya’y malaki na at nangangaral? Sa Juan 8:40 , ay tiniyak Niya ang ganito:



“Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.”



Ano ang pagpapakilala ni Jesus sa Kanyang sarili nang malaki na Siya at nangangaral? Tiniyak niyang TAO ang Kanyang tunay na kalagayan. Siya’y TAO na nagsaysay ng katotohanang Kanyang narinig sa Diyos at hindi Siya ang Diyos! Ano ang isa sa Kanyang katangian sa lahat ng tao? Sa talatang 46 , ay sinabi Niya ang ganito:




“ Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?”


Si Cristo ang tanging TAO na hindi nagkasala. Pinatutunayan din ba ng mga apostol na talagang hindi nga nagkasala ang ating Panginoong Jesucristo? Sa Heb. 4:15, ay tiniyak ang ganito:


“ Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.”

Samakatuwid, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO, tanging TAO na tinukso na gaya rin natin, nguni’t walang kasalanan o hindi nagkasala. TAO rin ba ang kalagayan ng ating Panginoong Jesucristo nang Siya’y mabuhay na mag-uli? Sa Luc. 24:37-39 , ay ganito ang ipinakikilala:




“ Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.
“At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? At bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong
puso?
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”




TAO rin ba ang kalagayan ng ating Panginoong Jesucristo nang Siya’y mabuhay na mag-uli? TAO! Natakot
at kinilabutan ang mga alagad nang makita Siya sapagka’t inakala nilang sila’y nakakita ng isang espiritu. Ngunit tiniyak sa kanila ni Cristo na Siya’y hindi isang espiritu, kundi Siya rin nga ang TAO na may laman at mga buto, na ito’y wala sa isang espiritu o sa Diyos. Sino ang Diyos na itinuturo ni Cristo? Sa Juan 20:17 , ay tiniyak Niya ang ganito:



“ Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”



Sino ang Diyos na itinuturo ni Cristo? Ang Ama ang Diyos na itinuturo ni Cristo, na Kanyang Ama at Kanyang Diyos na dapat kilalanin ng lahat na kanila ring Ama at kanilang Diyos. Ilan ang Diyos na ipinakikilala ni Cristo? Sa Juan 17:3 , ay sinasabi ang ganito:



“ At ito ang buhay na walang hanggan,na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”



Sino ang “ikaw” na itinuturo ni Cristo na IISANG Diyos na tunay? Ang Ama (talatang 1). Kung gayon, ang Ama lamang ang IISANG Diyos na tunay. Hindi si Cristo! Ano si Cristo? Sinugo ng Diyos na tunay. Sinugo na ano? Sinugo na TAONG nagsaysay ng katotohanang Kanyang narinig sa Diyos (Juan 8:40). Baka naman naging Diyos na ang kalagayan ni Cristo nang Siya’y umakyat na sa langit? Sa Gawa 1:9-11 , ay sinasabi ang ganito:



“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
“At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo
sa tabi nila na may puting damit;
“Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”


Diyos ba ang kalagayan ni Cristo nang umakyat sa langit? Hindi. TAO rin ang kanyang kalagayan nang Siya’y umakyat sa langit. Bakit? Sapagka’t nakita ng Kanyang mga alagad ang Kanyang pag-akyat sa langit at pinatunayan ng mga anghel sa kanila, na kung paano nilang nakita si Cristo nang pag-akyat sa langit ay gayon din makikita nila Siya sa muling pagparito. TAO rin ba ang kalagayan ni Cristo nang nasa langit na? Saan ba nakalugar si Cristo sa langit? Sa Col. 3:1 , ay ganito ang sinasabi:




“ Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa
itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.”



Si Cristo ay nakaupo sa kanan ng Diyos sa langit. Diyos ba si Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos? Sa Awit 80:17 , ay tinitiyak ang ganito:




“ Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.”




TAO rin ang kalagayan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos sa langit. Tao rin ba ang Kanyang kalagayan sa muling pagparito? Sa Mat. 25:31-34 , ay ganito ang ipinakikilala:




“ Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:
“At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing;
“At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.
“Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.”



TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoong Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO nang panganak, TAO nang lumaki na at mangaral, TAO nang mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyat sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto. Kung gayon, ang aral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo’y TAO ay aral na mula kay Cristo. Kaya ang Iglesia ni Cristo ay hindi maaaring maging Anti- Cristo. Ang mga nagtuturo na si Cristo ay DIYOS ay laban kay Cristo. Sila ang mga Anti-Cristo! Ano ang pagpapakilala ng mga Apostol Sa tunay na kalagayan ni Cristo? Sa I Tim. 2:5 , ay ganito ang itinuturo:


“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.”




Ano ang pagkakilala ng mga Apostol sa tunay na kalagayan ni Cristo? TAO! TAO na Tagapamagitan ng mga tao sa Diyos! E, sino ang Diyos na ipinakikilala ng mga Apostol? Sa I Cor. 8:6 , ay ganito ang kanilang tinitiyak:



“Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”



Ipinakikilala ng mga Apostol na may isang Diyos lamang, ang Ama, at isa lamang Panginoon, si Jesucristo.
Bakit naging Panginoon si Cristo? Diyos ba Siya kaya naging Panginoon? Sa Gawa 2:36 , ay ganito ang sinasabi:



“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.”




Diyos ba si Cristo kaya naging Panginoon? Hindi, kundi ginawa Siya ng Diyos na maging Panginoon. Ang pagka-Panginoon ng Diyos ay katutubo, ngunit ang pagiging Panginoon ni Cristo ay gawa ng Diyos sa Kanya. Bakit ginawa ng Diyos si Cristo na maging Panginoon? Ano ba ang ipinutong sa Kanya ng Diyos? Sa Heb. 2:9 , ay ganito ang sinasabi:



“ Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao.”



Bagaman si Cristo’y ginawang mababa ng kaunti kaysa mga anghel, ginawa Siya ng Diyos na maging Panginoon na sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan Siya ng kaluwalhatian at karangalan. Anong kaluwalhatian at karangalan ang ipinutong sa Kanya ng Diyos? Sa Efe. 1:20-23 , ay ganito ang sinasabi:



“ Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan, Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:
“At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang
maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,
“Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat. ”




Anong kaluwalhatian at karangalan ang ipinutong ng Diyos sa ating Panginoong Jesucristo? Pagkatapos
na buhaying mag-uli ng Diyos si Cristo ay pinaupo Siya sa Kanyang kanan sa sangkalangitan at inilagay sa kaibaibabawan ng lahat ng pamunuan at kapamahalaan, kapangyarihan at pagkasakop. Pinasuko ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng paa ni Cristo at pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa Iglesia na katawan Niya. Kung mapasuko na ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng paa ni Cristo, ano naman ang gagawin ng Diyos kay Cristo? Sa I Cor. 15:27-28 , ay sinasabi ang ganito:




“Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi,
ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
“ At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.”



Kung mapasuko na ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng paa ng ating Panginoong Jesucristo ay SUSUKO
naman si Cristo sa Diyos na nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa Kanya. Dahil dito, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay HINDI DIYOS! Bakit? Sapagka’t Siya’y susuko sa Diyos! Ang Diyos ay hindi sumusuko sa kaninuman. Binigyan nga ba ng Diyos si Cristo ng kapamahalaan? Binigyan. Ano ang kapamahalaang
ibinigay sa Kanya? Sa Mat. 28:18 , ay tinitiyak ang ganito:



“ At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan
sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.”


Ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay ng Diyos kay Cristo. Dahil ba rito, si Cristo ay nagiging Diyos na? Hindi. Ano ang ibig sabihin ng pagbibigay ng Diyos kay Cristo ng kapamahalaan sa langit at sa lupa? Ito ay siyang katuparan ng hula. Ano ang hulang iyon? Sa Isa. 9:6 , ay sinasabi ang ganito:




“Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha,
Tagapayo, Makapangyarihang Dios Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.”


Sino ang tinutukoy na isang batang ipanganganak na maaatangan ng pamamahala sa kaniyang balikat? Ang ating Panginoong Hesucristo, ayon sa katuparan.Ano ang pangalan ng kapamahalaang maaatang sa balikat
ng bata? Ang pamamahalang maaatang sa Kanyang balikat ay tatawaging Makapangyarihang Diyos. Bakit? Sapagka’t ang pamamahalang iyon ay pamamahalang mula sa Diyos. Hindi si Cristo o ang bata ang tatawaging Diyos, kundi ang pamamahala ng Diyos na nakaatang sa Kanyang balikat.

Samakatuwid, ayon sa pagpapakilala ng mga Apostol, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO. TAO na Tagapamagitan sa Diyos ng mga tao. TAO na ginawa ng Diyos na Panginoon. TAO na ginawang mababa ng kaunti sa mga anghel na pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan na ginawang maging pangulo ng Iglesia na katawan Niya. TAO na susuko sa Diyos upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat. TAO na pinagkalooban
ng pamamahala ng Diyos sa langit at sa ibabaw ng lupa. Kaya ang mga nagpapakilala na si Cristo’y Diyos ay LABAN din sa aral ng mga Apostol. Sila’y mga Anti-Apostol! Dahil dito, ano ang ikinatatakot ni Apostol Pablo na darating? Sa II Cor. 11:3-4 , ay sinasabi ang ganito:



“ Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
“Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi naming ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.”



Ano ang ikinatatakot ni Apostol Pablo na darating? Ikinatatakot niya na baka madaya tayo na katulad ng pagkadaya kay Eva sa katusuhan ng ahas at ang malinis at walang malay na pag-iisip na kay Cristo ay pasamain. Ano ang ipagdaraya na magpapasama ng ating pag-iisip at sino ang gagawa ng pagdaraya? Ang darating na mangangaral ng IBANG JESUS. Anong ibang Jesus iyon? Ang Jesus na hindi ipinangaral ng mga Apostol. Ano ba ang kalagayan ng Jesus na ipinangaral ng mga Apostol? TAO ang Jesus na ipinangaral ng mga Apostol (I Tim. 2:5). Ano naming Jesus ang itinuturo ng mga magdaraya? Sa II Juan 1:7 , ay tinitiyak ang ganito:


“Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.”



Ano ang ibig sabihin na si Cristo’y naparitong nasa laman? Naparitong may laman at mga buto, TAO (Luc. 24:39). Ano naman ang Jesus na ituturo ng mga magdaraya? Ang Jesus na naparitong HINDI sa laman o TAO, kundi naparitong DIYOS. Sino ang una sa lahat ng mga relihiyon na nagpapakilala na si Jesus ay DIYOS? Ang Iglesia Katolika Apostolika Romana. Paano nila ginawang maging Diyos si Cristo? Sa “The Apostles’ Creed” ni Pari Clement H. Crock, sa pahina 206, ay sinasagot niya tayo ng ganito:




“Thus, for example, it was not until 325 A.D., at the Council of Nicea, that the Church defines for us that it was an article of faith that Jesus is truly God.”


Sa Pilipino:


“Kaya’t, isang halimbawa, na noon lamang taong 325 A.D., sa Konsilyo sa Nicea, ay ipinahayag ng Iglesia (Katolika) sa atin na isang tuntunin ng pananampalataya na si Jesus ay tunay na Diyos.”


Paano naging Diyos si Cristo sa Iglesia Katolika? Pinagtibay lamang ng Iglesia Katolika sa kanilang Konsilyo sa Nicea noong 325 A.D., na si Cristo’y dapat kilalaning tunay na Diyos. Hindi ang Diyos, ni si Cristo, ni ang mga Apostol ang nagpakilala na si Cristo ay tunay na Diyos. Kaya ang lahat ng nagpapakilala na si Cristo’y Diyos ay mga magdaraya at Anti-Cristo! Hindi ang Iglesia ni Cristo ang dapat paratangang hindi sa Diyos at Anti-Cristo sa kanilang aral na ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO.


Ano ang patotoo ng Diyos sa mga nagpapahayag na si Cristo’y naparitong nasa laman o TAO at hindi naparitong Diyos? Sa I Juan 4:2 , ay ganito ang tinitiyak:



“Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios.”



Sa Diyos ang mga nagpapahayag na si Cristo’y naparitong TAO, ayon sa patotoo ng Diyos. Kaya ang Iglesia ni Cristo na nagpapahayag na si Cristo’y TAO ay tunay na sa Diyos! Ano ang pananampalataya ng
mga taong sa Diyos tungkol sa ating Panginoong Jesucristo? Sa I Juan 5:5; 4:15 , ay sinasabi ang ganito:




“ At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?”
“Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.”



Ano ang pananampalataya kayJesus ng mga taong sa Diyos? Sinasampalatayanan nilang si Jesus ay Anak ng Diyos. Hindi tunay na Diyos! Anak ng Diyos at ang tunay na kalagayan ay TAO, na ipinanganak ni Maria at lalang ng Espiritu Santo (Mat. 1:20). Bakit sa Diyos ang nananampalatayang si Jesus ay Anak ng Diyos? Ito ba ang patotoo ng Diyos sa Kanya? Sa Mat. 3:16-17; 17:5 , ay ganito ang tinitiyak:



“ At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;
“At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
“Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.”



Ano ang patotoo ng Diyos kayJesus? Sinabi ng Diyos na si Jesus ay sinisinta Niyang ANAK. Kailan pinatunayan ng Diyos na si Jesus ay Kanyang sinisintang Anak? Noong Siya’y bautismuhan ni Juan Bautista sa ilog ng Jordan at nang Siya’y magbagong-anyo sa isang mataas na bundok. Ano ang maling palagay ng mga naniniwalang si Cristo’y Diyos sa pagiging Anak ng Diyos ni Cristo? Si Cristo raw ay Anak ng Diyos, kaya si Cristo ay dapat ding maging Diyos. Anak daw ng Diyos, kaya Diyos. Walang itinuturo ang Diyos, si Cristo at ang mga apostol na si Cristo’y Diyos, sapagka’t Siya’y Anak ng Diyos. Si Cristo’y Anak ng Diyos, ngunit kailanman ay hindi naging Diyos! Ang Kanyang tunay na kalagayang TAO ay hindi nababago kailanman. Tao Siya nang ipaglihi at ipanganak. Tao Siya nang lumaki at mangaral na. Tao Siya nang mamatay at mabuhay na mag-uli. Tao rin Siya nang umakyat sa langit at umupo sa kanan ng Ama at Tao rin Siyang paririto sa araw ng paghuhukom.
 
Last edited:
panoorin mo po ito bossing baka sakaling mamulat ka.

ayan di na ako nag hirap mag hanap brother yan yung sa dating daan na sinasabi na Dios daw si Cristo,,,dahil sa Verbo na yan e,,,napakalinaw naman kahit saan mo hanapin sa Bible kung ano ang Verbo sir.mas maganda ikaw na mag basa para mas malinawan ka ano ba ang Verbo wag ka mag papaniwal sa mga dagdag bawas na salita ni Eli,,mas magandang ikaw mag basa brother.gamitin mo ang Bible .

eto pa boss ang Dios mismo ang nag sabi..nasa sampung utos nya.

2) "Huwag kang gagawa ng imahe ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin; Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi; Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan." Ang kautusang ito ay nagbabawal sa paggawa ng anumang imahe, diyos-diyosan o anumang nakikitang representasyon ng Diyos. Walang imaheng sukat na makapaglalarawan sa wangis ng Diyos. Ang paggawa ng imahe ng Diyos ay pagsamba sa huwad na diyos.

pag si Cristo naging Dios ilan na ang Dios?Dios Ama at Dios Anak?pano pa ang Espirito Santo na galing sa Dios ? Dios Espiritu Santo pa?hindi dahil galing sa Dios brother e paparihas na natin sa AMA,,ano ba mas mataaas ang nilikha(verbo o si Cristo) o lumikha(Ang AMA).
 
Last edited:
Ganto po mababasa nyo sa aklat ng mga saksi ni Jehova

nangangatuwiran mula sa kasulatan Page 191

dahil dito ay binou ng ilang makabago ang pangalang jehova na hindi kilala ng mga sinauna maging judio o kristiano man.
sapagkat ang tunay na bigkas ng pangalan na masusumpungan sa tekstong hebreo ay nawala na na palbhasay kay tagal nang di ginagamit

sa madaling salita po ang pangalang Jehova ay imbento lang pasinsya na sa mga JW. kapag po naka incounter kayo ng mga jw.try nyo ipabasa sa aklat nila yan.tiyak panay palusot lang.

isa pa po tama ang aral nila na si hesus ay hindi Dios dahil sandamakmak ang talata sa biblia ang magpapatunay na hindi dios si hesus.pero kapag kaharap ninyo ang mga saksi ni Jehova lalo na yong mga ng babahay bahay.ipa basa nyo ang talata na ito sa kanilang sariling version na biblia

Juan 1:18
Walang taong nakakita sa Diyos kailanman;You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang bugtong na diyosYou do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na nasa dakong ******You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng Ama ang siyang nakapagpaliwanag tungkol sa kaniya.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

lagi silang kamot ulo sa talata na ito sa sarili nilang biblia
 
dinala mo sa logic boss ang usapan so logic din ang sinagot syo!pero mismo na nga si CRISTO ang nag sabi

JUAN 8:40

Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

hindi nay sinabi na Dios na sa inyo'y nag sasalaysay,,at sabi pa na aking narinig sa Dios,So may Dios sya? at wala ka din makikita na kahit saan sa Bible na nag sabi sya na sya ay Dios.
walang logic dun sa tanong mo boss tanong ng hindi nagiisip yun.
yung katawan ang pinagsisikapang patayin dyan sa sinasabi mong talata.kasi nga nagkatawang tao siya.
Eto yun.

 
walang logic dun sa tanong mo boss tanong ng hindi nagiisip yun.
yung katawan ang pinagsisikapang patayin dyan sa sinasabi mong talata.kasi nga nagkatawang tao siya.
Eto yun.

natawa ako sa sagot dito ni eli. hindi nya nasagot nang maayos yong biblia eh.sabi doon bakit nyo ako pinagsisikapan patayin na taong ng sasalaysay nang katotohanan, ang punto kasi si hesus sinabi nya na siya ay tao anak ng tao. at bakit papatayin ng tao si Hesus para mawala.para hindi na maka pangaral pa. alam kasi ng mga tao sa panahon ni hesus na siya ay tao.
malinaw nga sa mateo 1:1 lahi ni hesus tao hindi lahing Dios eh.
kahit nga noong mawala na si hesus sa lupang ibabaw ay tao parin siya eh

Gawa 2:22
Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;
 
Last edited:
noong nawala na si hesus tao parin pagpapakilala sa kanya
1 Temotio 2:5
Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,

MAY ISANG DIOS DAW AT TAO NAMAN SI HESUS
 
walang logic dun sa tanong mo boss tanong ng hindi nagiisip yun.
yung katawan ang pinagsisikapang patayin dyan sa sinasabi mong talata.kasi nga nagkatawang tao siya.
Eto yun.

kaya nga boss Verbo ang nagkatawang tao at hindi ang DIOS kahit kailan di pwedeng maging kaparehas ng DIOS ang tao dahil sya ang kataas taasan.iisa lang boss ang DIOS masasabi ko ,,,ewan ko lang syo kung ilan DIOS mo boss.
 
Last edited:
natawa ako sa sagot dito ni eli. hindi nya nasagot nang maayos yong biblia eh.sabi doon bakit nyo ako pinagsisikapan patayin na taong ng sasalaysay nang katotohanan, ang punto kasi si hesus sinabi nya na siya ay tao anak ng tao. at bakit papatayin ng tao si Hesus para mawala.para hindi na maka pangaral pa. alam kasi ng mga tao sa panahon ni hesus na siya ay tao.
malinaw nga sa mateo 1:1 lahi ni hesus tao hindi lahing Dios eh.
kahit nga noong mawala na si hesus sa lupang ibabaw ay tao parin siya eh

Gawa 2:22
Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;

yan nag boss di nila matanggap,,,ng si Cristo ay tagapagligtas at tagapamagitan ng tao sa AMA.Di ko din naman sinasabi na mababa si Cristo sapagkat sya lang ang tao na binigay ng AMA na walang bahid sala.kaya mas mataas paren sya sa uri ng tao at ginagalang ng lahat.Pero di natin masasabi na sya ay DIOS din.
 
natawa ako sa sagot dito ni eli. hindi nya nasagot nang maayos yong biblia eh.sabi doon bakit nyo ako pinagsisikapan patayin na taong ng sasalaysay nang katotohanan, ang punto kasi si hesus sinabi nya na siya ay tao anak ng tao. at bakit papatayin ng tao si Hesus para mawala.para hindi na maka pangaral pa. alam kasi ng mga tao sa panahon ni hesus na siya ay tao.
malinaw nga sa mateo 1:1 lahi ni hesus tao hindi lahing Dios eh.
kahit nga noong mawala na si hesus sa lupang ibabaw ay tao parin siya eh

Gawa 2:22
Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;
malinaw ang sagot bossing.ikaw lang ang malabo ang isip kaya hindi mo maintindihan.
eto pa isa.
 
Last edited:
malinaw ang sagot bossing.ikaw lang ang malabo ang isip kaya hindi mo maintindihan.
eto pa isa.
syempre po sayo malinaw dahil kapanalig ka ni Eli eh. kahit nga pinagsisigawan ng Biblia na Tao lang si hesus eh ganoon parin si Eli eh. tignan mo si Eli Soriano nabuhay sa panahon natin ito taong to nabuhay sa panahon ni Hesus ano sabi nya.

Juan 9:17
Muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya, na siyang nagpadilat ng iyong mga mata? At kaniyang sinabi, Siya'y isang propeta.

kitam yong bulag na pinagaling mismo ni Hesus kilala nya si hesus bilang propeta at ang propeta ay mga tao.hindi dios ang mga propeta.

masmaniniwala ako sa bulag na yan kisa kay eli soriano na sinalaula ang dios mantakin mo pati siya dios din daw.at ang dios daw may pwet.
 

Magpakita ka ng ebidensya na si Eli Soriano ay nagsabing Diyos s'ya.aantayin ko.ngayon eto yung sagot sa ang diyos ay may pwet.
 
Last edited:
nako naman boss ang linaw ng sinasabi mo na para sayo e DIOS si CRISTO dahil yun ang turo ni Eli (hindi ng Biblia) sa pinakikita mo sa video,,,ngayun aabut na sa pwet nakita ko na yan brother,,mukang mahilig ata sa pwet si Eli ah!!!
 
syempre po sayo malinaw dahil kapanalig ka ni Eli eh. kahit nga pinagsisigawan ng Biblia na Tao lang si hesus eh ganoon parin si Eli eh. tignan mo si Eli Soriano nabuhay sa panahon natin ito taong to nabuhay sa panahon ni Hesus ano sabi nya.

Juan 9:17
Muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya, na siyang nagpadilat ng iyong mga mata? At kaniyang sinabi, Siya'y isang propeta.

kitam yong bulag na pinagaling mismo ni Hesus kilala nya si hesus bilang propeta at ang propeta ay mga tao.hindi dios ang mga propeta.

masmaniniwala ako sa bulag na yan kisa kay eli soriano na sinalaula ang dios mantakin mo pati siya dios din daw.at ang dios daw may pwet.


dyan mo makikita boss mga tuwid na salita ng Biblia na pilit binabaluktut!kung hindi mag babawas e may dagdag kung di pa makuntento e babastusin pa,,,ok na ok nga daw ang pati salitang ga***,,,unang dinig mo palang e alam mo na pakahulugan e.sya nga pala kilan kaya uuwi yan dito para harapin mga kaso nya?
 
Anak ng Dios....
LA ako masyado alam dito tatanong n lang ako...
My mababasa ba s bible n ang anak nya ay dios din?
My mababasa din ba na sinbi mismo in Jesus na sya ang dios? As in literal..
E pano kaya yan sabi nila iisa lang ang Dyos...
Ano tunay na katayuan in Jesus...?
Malamang..tao nu...na anak ng dyos

Lumigoy lang.
 
Hindi naman bible study yang trabaho nyo,debate yan.Hindi ba Bawal yan ginagawa nyong padebatehan yung ganyang usapapin.tinuturo ba yan sa relihiyon nyong mga peke?
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 522
    Replies
  • 16K
    Views
  • 66
    Participants
Last reply from:
newflames03

Online statistics

Members online
282
Guests online
5,686
Total visitors
5,968
Back
Top