What's new

Phone Not Charging - 0% Lang Palagi

Masked Rider Black

Forum Guru
Elite
Joined
Nov 8, 2016
Posts
4,080
Solutions
11
Reaction
2,926
Points
1,348
Hello mga ka-PHC!

May luma akong Samsung Galaxy S7 na ginagamit ko pa rin paminsan-minsan at gusto ko pa rin gamitin pa. Okay pa naman condition niya kasi ginagamit ko lang naman pang-browse at nood ng videos. Bigla na lang ayaw nang mag-charge nung isang araw hanggang sa nag-shut down na ng tuluyan. Gumamit ako ng ibang USB cable at charger pero lagi na lang stuck sa charging icon at 0% ang battery percentage. Kakapalit lang ng battery nito last year at hindi naman lumobo kasi magiging obvious na aangat yung likuran ng phone kapag lumobo ang battery. Na-check ko na rin malinis naman yung charging port so feeling ko lang baka yung mismong hardware na ng charging port ang sira?

Magkano kaya pagawa nito sa shop para lang hindi ako ma-overcharge kung ipagawa ko na tsaka may pwede pa kaya akong ibang gawin para ma-check kung ano pa ang pwedeng problema? Yung volume at power buttons din pala nitong luma kong phone parang pudpod at stuck na. Magkano rin kaya tingin niyong aabutin kung pwede pa ipagawa?

Maraming salamat sa mga tutugon!
 
orig poba yung pinalit na battery? kung oo baka yung charging board na siguro problema
Mukhang hindi orig kasi inorder lang yata ng kapatid ko sa Shopee yung battery tapos pinapalit niya sa repair shop. Kung charging board kaya ang issue kapatid magkano estimated repair o replacement cost?
 
not sure lang ako ts kung charging pin lang kase mga 300+ lang ang pagawa pero dahil board ang usapan aabutin siguro mga 1k to 2k

pero sa tingin ko talag ts battery tama nyan dahil nag chcharge pa naman eh so malabo board or pin problema
 
Ah… ganun pala. At least may idea na ako kung magkano sisingilin sa akin sa mga repair shops. Salamat sa tulong!
 
Yan din issue ko sa REALME 8 5G last year ...na dedetect nya Ang charger pero nag wawarning na "Unplugged" ayaw mag karga... Board Po Ang sira pagka kita sa microscope sa repair shop....

Di Po umabot 2k nasa 1k + lang

Kase panay gamit tpos nag co-codm pa habang nag cha-charge 😅 ayun sira 🤣 naka dalawang ulet na... Sana Ngayon 2024 di na maulit 😅🤣🤣🤣
 
Ayos pala kung 1k+ lang aabutin. May pang-Jalibi pa. Salamat!
 
Update pala dito. Ipapagawa ko na sana yung phone last week tapos bigay ko na lang sa pamangkin ko pero sumubok pa ako one last time na magbutingting. Nag-gugel pa ako ulit tapos napunta ako sa subreddit ng Samsung Galaxy. Sinubukan ko itong force restart. Medyo effort lang na pindutin yung mga volume down at power buttons ng sabay kasi parang na-stuck na pero ayun nag-restart yung phone at nag-charge na normally.

Mukhang hindi orig kasi inorder lang yata ng kapatid ko sa Shopee yung battery tapos pinapalit niya sa repair shop. Kung charging board kaya ang issue kapatid magkano estimated repair o replacement cost?
Charging board 700 lang.. tanung tanung ka muna lam.mo na mga tech negosyo boys karamihan jan. 🤭

Ok na pala gud job kutingting lang need .
 
remove then i short mo yung fuse ng battery mo and then i boost mo...charge mo sa power supply ng 4.4 volts mga 5 minutes then charge mo gamit charger

or

check mo yung coil at charging IC and Power IC
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top