What's new

PAANO MAIIWASAN ANG TIGYAWAT

Anonymouse143

Grasshopper
Joined
Jul 2, 2023
Posts
35
Reaction
21
Points
15
Age
27
Minsan, hindi maiiwasan ang pasulpot-sulpot na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa ating mukha. Normal lamang ito. May ilang mga payo upang maiwasan ang pagkakaroon o paglala ng mga pimples.

  1. Itali ang buhok. Iwasan ang paglugay ng buhok na maaring may kemikal (gel, mousse, pomade) at alikabok.
  2. Iwasan ang paglagay ng make up hanggat maaari o gumamit lamang ng non-comedogenic o make up na aprubado ng dermatologist.
  3. Huwag ugaliin ang pangangalumbaba o ang pagdiin ng kahit anong bagay o parte ng katawan sa mukha.
  4. Gumamit lamang ng “mild soap” o sabon na minimal lamang ang nakakairitang kemikal na sangkap.
  5. Huwag kutkutin o putukin ang mga pimples dahil maari itong magpeklat o maging sanhi ng impeksyon.
  6. Komunsulta sa doktor bago gumamit ng mga gamot sa balat dahil may ilang over-the-counter products na maaring makasama sa inyong balat kung mali ang pagkakagamit. At dahil mikrobyo ang P. acne, maaring mangailangan itong gamutin ng antibiotiko ngunit kailangang sundin lamang ang payo ng doktor upang hindi magkaroon ng “antibiotic resistance”.
  7. Kumain ng mga masusustansyang pagkain lalo na mga prutas at gulay na sagana sa Vitamin C.
  8. Itigil ang paninigarilyo.
  9. Iwasan ang stress.
 
iwasan gumamit ng gamit ng iba sa makeup. iwas din sa paghawak ng mukha gamit kamay panyo nalang gamitin nyo. meron dapat kayo sariling sabon sa mukha.
matulog maaga.
 
1. Iwasan na hawakan ng hawakan ang mukha (di yan pilay na pwede mo mahilot, tanggapin ang realidad)
2. Iwasang kuskusin ang mukha NG parang galit na galit (again, di mo yan matatakot, yan na yan di mo mababago) lalu kaseng nababaon yung dumi sa mga butas ng balat.
3. Pag maghihilamos dapat banayad lang at wag gagamit ng ****** matapang o ****** panlaba. Gumamit din ng may micro scrub na panghilamos (mas maganda din kung maligamgam na tubig ang gagamitin.
4. Panatilihing malinis ang mga kamay (pati kuko), punda ng unan ATBP na kadalasang dumidikit sa mukha.
5. maligo bago matulog.
6. Umiwas sa matatamis na pagkaen, mas ok din na kumaen ng mga hilaw na prutas.
7. Iwasang nakatapat ang electric fan sa mukha.
8. Umiwas sa pagpapawis.
9. Umiwas sa pagdi-day dream.
10. ALWAYS THINK POSITIVE.
Yun lang.
 
Nakakatulong din ata yung pagpapalit ng bedsheet at pillow case every week or every 4days kung may washing kayo at dryer haha

Kung wala naman 1 week is good enough.
 

Similar threads

Back
Top