What's new

Closed Paano ko mapaglalabanan ang tukso?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
502012512_univ_lsr_xl.jpg
Ang puwede mong gawin
Una, tandaan mong ikaw ang mananagot sa mga ginagawa mo—hindi ang mga kaibigan mo.

Ikalawa, pag-isipan mo kung sa anong bagay ka madaling matukso.

Pagkatapos, tanungin ang sarili, ‘Kailan ako malamang na mapaharap sa tuksong ito?’ (Kapag nasa eskuwela? Kapag nasa trabaho? Iba pa?) Posibleng maiwasan ang tukso kung alam mo kung kailan ito malamang na mangyari.

Ngayon, dapat mong alamin kung anong pag-iingat ang puwede mong gawin para makaiwas sa tukso. (Halimbawa: Kung pagkatapos ng klase ay may mga kaeskuwela kang laging namimilit sa iyo na manigarilyo, baka puwedeng sa iba ka dumaan para maiwasan mo sila.) Ang totoo: Ang mga “kaibigan” na pumipilit sa iyo na gumawa ng masama ay hindi talaga mga kaibigan.

502012512_univ_cnt_1_md.jpg
Kung magpapadaig ka sa tukso, magiging alipin ka ng iyong mga pagnanasa

Siyempre pa, kahit anong ingat mo, mapapaharap ka pa rin sa tukso. Baka nga dumating ang isang napakatinding tukso kung kailan hindi mo inaasahan. Ano ang puwede mong gawin?

Maging handa!

Pag-isipan: Bago pa man bumangon ang tukso, buo na ang pasiya ni Jesus—lagi siyang susunod sa kaniyang Ama. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gayon, dapat na ngayon pa lang, alam mo na rin kung ano ang paninindigan mo.

Subukan. Mag-isip ng dalawang dahilan kung bakit dapat mong paglabanan ang tuksong pinakamadalas na mapaharap sa iyo. Isipin mo rin ang dalawang paraan kung paano mo ito mapaglalabanan.

Bakit hahayaan mong maging alipin ka ng iba? Gawin mo ang alam mong tama. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na patuloy mong magawa ito.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top