What's new

Need an advice

Shiina Mayuri

Forum Veteran
Joined
Jul 23, 2016
Posts
4,386
Reaction
1,140
Points
911
Age
25
Good evening sa mga kapwa ka PHC natin d2 just wanna ask for help lang

I tend to overthink, doesn't trust my self, doesn't have self confidence, doesn't interact on other people (like strangers or new people) on call/phone, also doesn't have a job and possible a future too idk on what to do sometimes i tell to myself na okay lang ako pero deep inside hindi at napapaisip din ako ng di magagang thoughts 🥲🥲🥲
 
Una mong gawin ts , makipag usap sa parents mo like kung mayroon silang kakilala na pwede mahingan ng tulong sa paghahanap ng work para sayo, kapag may work ka at kumikita kana , nakakadagdag ng self confidence yan at dyan nagsisimula ang paglaki ng self confidence mo kapag nakapag abot abot ka ng kahit kaunting pera o tulong sa parents mo o di kaya kamag anak mo, yon para bang pakiramdam mo na you are needed
 
Ano ung ts?
 
Ramdam kita paps parang walang kwenta yung existence ko sa mundo. Tapos nag break pa kami ng gf hahaha :(
 
Ganyan din ako nun paps, btw may hobbies ka po ba na pang outdoor? Like basketball, or kahit anong gusto mo pa po pang gawin sa labas.

alam kong di ganun kadali paps pero sanayin mo makipag usap o makipag kaibigan
 
wla man sila kilala lods

Ramdam kita paps parang walang kwenta yung existence ko sa mundo. Tapos nag break pa kami ng gf hahaha :(
at least nagka gf stay strong sayo

same tyo ts pabigat 🤣
same pero mas mabigat ka char haha

Ganyan din ako nun paps, btw may hobbies ka po ba na pang outdoor? Like basketball, or kahit anong gusto mo pa po pang gawin sa labas.

alam kong di ganun kadali paps pero sanayin mo makipag usap o makipag kaibigan
yown lang lods wla eh pero dati nalabas ako ng bahay para mag lakad lakad kaso nahinto not sure kung counted yan as outdoor activities thanks sa reply ganun din sa future na mag rereply here badly need kasi na maypagsabihan hoping na may makikita ako na similar situation
 
Last edited:
Hi! The moment na shinare mo 'tong nararamdaman mo here sa virtual/online, isa na yan sa sign na kaya mo makipag-interact sa ibang tao. I feel you na hindi ganon kataas ang self-confidence. Try mo gawin yung mga bagay na gusto mong gawin. Make time on your self, nakakatulong din yan para makilala mo lalo yung sarili mo. Kahit hindi outdoor activities, like, playing instrument, drawing, singing, kahit anong bagay na alam mo magiging masaya yung puso mo. Isa yan para mabuild up yung confidence mo. Wag mo isipin yung mga bagay na hindi mo control. Tulungan mo sarili mo, bro.
 
I agree 🥂
Cuz,
“Every minute you spend on yourself will improve a year ahead in your life”
 
Isa isahin mo tukuyin bakit mo yan nararamdaman tapos saka mo gawan ng solution at aksyonan.

1. why you do you overthink? - marami ka lang ba talaga oras o baka dahil depressed ka since wala ka tabaho tska lablyf or baka dahil nareject ka noon or baka may nambubully sayo nung kabataan mo at naging traumatic experience yun?

keep it simple. it is what it is. kung ano yung nakikita mo sa harap mo at the present, yan na yan, wala ng iba. iacknowledge mo lang yan mga bagay na yan, be thankful regardless kung mabuti o masama yan tapos move on ka na. wag ka gagawa ng kwento o magiisip na may kasunod yan. worrying does nothing. live at the present.

2. why dont you trust your self? - may ginawa ka bang kasalanan noon na din mo matangap yung resulta? or lumaki ka ba na ang parents mo ay lagi kang pinapagalitan kahit di mo naman kasalanan? ikaw ba yung tao na yan ka nanaman at mali mali desisyon mo sa buhay...

patawarin mo ang sarili mo sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay at pasalamatan mo ang sarili mo at buhay ka pa din. tandaan mo na walang magmamahal sayo kung hindi ang sarili mo, self love - kasma dyan yung trust. treat yourself better than anyone else dahil hindi mo yun mabibigay sa iba kung hindi mo mabigay sa sarili mo.

3. why dont you have self confidence? - nareject ka ba sa mga gusto mo sa buhay at wala kang tiwala na makakabangon ka muli?

tangapin mo na hindi ka perpekto. may mga maling bagay ka na magagawa sa buhay. ang importante hindi ka susuko. kung lumaki ka man na sa hindi maganda at supportive na environment, hindi yun hadlang sa buhay. count your wins. kahit maliit yan o malaki. build your confidence from there. example, nakakain ka ng breakfast.. thats a win for you and your self love! naghugas ka ng kinainan mo.. thats a win for taking action and responsibility in life! hindi mo hinayaang ibang tao ang maglinis nun para sayo at di ka naging pabigat sa kanila. positive feelings build confidence too.

4. why you dont interact with other people on phone? - nascam ka ba noon or ayaw mo lang talaga na may number na nagriring na di mo naman kilala?

introvert ka ba? wala naman masama doon. may mga tao talaga na ayaw kumausap ng di kilala sa phone. pero kung may inapplyan kang trabaho at tumatawag sayo yun, eh kailangan mo talaga sagutin yung stranger na yun para mainterview ka sa trabaho. pag hindi, end mo na yung call. sabi ko nga kanina, keep it simple.

5. why you dont have a job and a future? - bakit hindi ka mag apply ng trabaho na naayon sa skills na meron ka? gusto mo ba magtrabaho or mas gusto mo magprocrastinate at humilata lang at magisip buong magdamag since overthinker ka?

una, alamin mo kung gusto mo ba talaga magtrabaho. yung iba kasi ayaw naman talaga kaya di nagaapply tapos magrereklamo na wala silang trabaho. eh kung ganon wag ka magreklamo kasi desisyon mo naman yan na hindi kumilos. PERO if yes at gusto mo sige proceed ka sa baba:

alamin mo kung ano bang trabaho ang gusto mo. importante yan. iba kasi yuhng gusto ng ibang tao na trabaho mo or mga nakikita mong trabaho ng ibang tao kumpara sa gusto mo talaga.

gusto mo ba yung nakaupo lang sa harap ng computer or yung naglilibot libot at nagcocommute sa work. day shift o night shift? local or international? voice or non-voice? front or back office? corporate or humanitarian service? kahit ano pa propesyon mo sa buhay, makakahanap ka basta alam mo kung ano gusto mong gawin at depende sa kung ano ang kaya mong gawin.

wag ka umasa sa iba at manghingi ng trabaho dahil hindi ka nagiging accountable sa gagawin mo. yes, magtanong ka kung may opening sila pero don't ask for the job itself. EARN IT. malamang nyan ay magreresign ka lang din dahil hindi yan talaga gusto mo o tatamarin ka at mas gustohin mo pa magkulong sa kwarto habang nagiisip ng kung ano ano. wag ganon.

on the other hand, kung wala ka pa idea, apply ka lang sa kung anong interesting para sayo sa simula. try mo lang hangang sa malaman mo kung ano ba yung gusto mong work.

pano kung wala kang skills at experience? edi try mo mag work for free. be a volunteer. or mag training ka muna. hangang sa you can accumulate enough experience at skills to offer sa mga possible employers mo. yes, mawawalan ka ng oras at pera papasok sa libreng trabaho pero kapalit naman nun ay experience at skills. ask mo kung pwede ka ba magtrabaho ng libre pero limitahan mo lang - 15 days or 1 month. depende sayo. bakit limited? eh syempre wala ka nga trabaho ibig sabihin wala ka din gaanong pera para pumasok sa trabaho, unles work from home ka. diba. tapos sa loob ng mga araw na yun, aralin mo yung mga bagay bagay. wala kwenta yan kung di mo aaralin yung trabaho. pag aralan mo para mareplicate mo sa iba na magbibigay sayo ng sweldo.

example, nagtraining ka as dishwasher for free. aralin mo yung flow ng pasok ng mga hugasin kasama yung oras ng pasok sa kusina. icheck mo kung ano mas effective sa mga plato, hugas ba muna ng tubeg or sabon muna tapos hugas ulit. simple pero yan magiging edge mo sa iba pag nakuha mo kung ano ang pinakamadaling paraan na gumagana sa maigsing oras.

at importante ay magbuild ka ng skills at experience na makakatulong sayo na maging employable.
its okay to start small. pero ang pinaka okay ay to START NOW.

6. why you think bad thoughts? - mahilig ka ba manood ng norp at depressed ka since marami kang time at wala kang trabaho ngayon? or nadiagnose ka ba na may sakit ka?

kung wala ka naman sakit at normal ka naman, tandaan mo, self love.
ligawan mo sarili mo gaya ng panliligaw mo sa ibang babae o tao pero dapat mas higit pa.
kulang ka sa pagmamahal sa sarili kaya naiisip mo saktan yung katawan mo. pag yung mahal mo ba sa buhay nakita mo na sinasaktan ng iba hindi ka ba magagalit nun? ganon ka din dapat sayo, be protective sa katawan mo at sa isip mo.

in the end, wag mo masyado pansinin mga sinabi ko at kunin mo lang kung ano yung mga gumana sa mga sinabi ko at baka kailangan mo lang kasi ng listener at alam mo naman talaga mga dapat mong gawin sa buhay.

24 ka palang .. baka nandun ka sa phase ng buhay na di mo alam ang gusto mo kaya ka naddepress at yung ibang kaedad mo ay kung ano ano na ginagawa sa buhay nila.
wag mo ikumpara buhay mo sa kanila kasi magkaiba naman kayo. run at your own pace. ayun lang.
 
Similar threads

Back
Top