What's new

Naenjoy nyo ba teenage years nyo?

Pag nagka anak ako ayoko bigyan masyado ng gadget mas okay kasi talaga maenjoy nila kabataan nila. Kesa sa ngayon puro lang tiktok mga teen ager. Lol.
 
Kahit papano masaya pero may side din na hindi dahil dami kuring nakasamang tao naging bestfriend pero sa huli naging stranger nalang, di ko na alam kung kilala pa namin ang isat isa.
 
Medyo. Honor student kasi ako way back in jhs. Puro lng acads. Naging math quizzer pako for years kahit na auq sa math 😂 Pero it all changed when I was in shs. I stopped being the person that everybody wanted me to be and did things my way. Less pressure, more on "me and just me". Mas nagfocus din ako sa friends at gala. Pagkatapos ng klase, magba-bike kasama ang squad, manonood ng sunset sa may baybayin. Hahahahaha nakakamiss din 😅
 
Yes sobrang enjoy, may time na umakyat kami ng kaklasi ko sa bubong para magpahangin at mag enjoy, tapos nakita kami ng guard at principal, tumakas kami ng ibang kaklasi ko pero yung isa ay naiwan(na rattle ata). Imbis na makatakas, na pag galitan tuloy pero di na guidance or pintawag magulang. Yun lang one of the unforgettable moment. Grade 7-10 puro kalokohan yan. Kaya sobrang enjoy, sa shs lang medyo cringe na ang buhay.
 
actually maggrade11 (senior high) na ako sa susunod na s.y. Pero as far as i can recall sa g7-10 days ko masaya nmn. Sobrang solid nga sa batch namin dahil lahat kaming mga lalaki nagkakasundo tlga sa lahat ng bagay hahaha lalo na sa kansyawan at tuwaan.

Sa personal ko nmn hmmm madami din nmang nagkakagusto sakin pero wala nmng nagkatuluyan hahahh di ko kasi seneseryo alam ko nmn kasi na 'admiration' lng yan kaya binabalewala ko lng. Masaya nmn junior days ko pero kaunti lng ata mga achievements ko (di ko kasi tinitake seriously/binabalewala ung mga one time opportunities)

Ngayon nmn na pandemic, every monday nagkikita nmn parin kaming mga lalaki sabay nadin ng pagala sa kaninong bahay pupuntahan hahahah. In touch namn kami lahat may gc nmn din kasi kami. Ayon solid lng.
 

Similar threads

Back
Top