What's new

My Personal Rant [experience facebook permanent locked]

WizKhalifaX_

Forum Expert
Elite
Joined
Apr 13, 2017
Posts
4,644
Solutions
53
Reaction
13,396
Points
2,733
Age
20

Yung 13 years old kong facebook main account na gamit ko sa pag aaral, sa main chat contact sa mga friends pati sa family ko, andun din mga pictures ko nung bata pa ako at dun lng yung may copy tas ni private ko lang, lahat ng messages ng mga kaibigan ko, mga transactions, email and passwords, informations, payments, mga selfies pictures na super rare na senend ng mga ka close kong mga babae tas mga long convo, memories, mga naka bind na account gaya ng MIR4 na ginastosan ko ng almost 3k, tas ML account at apex at madami pang games na naka bind na sure ako naginastosan ko din, pati rin instagram na naka bind.​

And lahat lng yun ay nag laho nlg ng parang isang bula, hindi sinabi ano violation ko, wala akong ginawang masama or îllégâl, dahil main account ko nga yun at gamit din sa school, ang pag kakatanda ko lang kagabi nag hingi ng steam trade link classmate ko dahil bibigyan nya ako ng skin sa CSGO kaya nag send ako tas kasama nadin screenshot ng match namin sa CSGO and nung habang nag lalaro ako pag switch ko sa MESSENGER SOFTWARE bigla nlg nag logout, tas ni open ko account ko sa web pag ka kita ko na locked, kaya tinapos ko muna laro sa CSGO tas pag katapos nag try ako mag send ng valid school ID ko na kita COLLEGE tapos ayun nga nag email agad disable nadaw permanent ginawan kona lahat ng paraan pero panay bigo padin, kanina pag ka gising ko rekta research agad hoping na ma bawi, nag message ulit sa email support, pero pa ulit2 padin sinasabi na violation daw pero di daw nila pwede sabihin.

Kagabi naiyak nako, pero pinikit ko lng kasi nag ho-hope padin na mabawi, till kaninang umaga hangang ngayon naiiyak padin ako, alam na ng family ko ang nangyari sa facebook ko, tas ang napansin ni mama na di nya nakita sakin ay naging matamlay daw ako na parang maysakit, pero wala eh feel ko ngayon wala akong gana sa lahat parang ayaw kuna pumasok at ayaw ko kumain, naiiyak padin ako, sobrang init at sakit ng ****** ko hangang ngayon, 13 years sobrang daming memories nun, mga message na important mga accounts na naka lagay sa JUST ME at mga convo ng mga classmates mga kaibigan at iba pa, binan lng ng ganun ganun naka 2factor naman account ko lahat naka valid, pero yun nga sobrang sakit talaga, May 8 pa naman birthday ko tas ito regalo ni facebook sobrang nice talaga <3
1683198732864.png

Advanced Happy Birthday Wiz <3
1683198770702.png
 
Attachments

Masakit pa sa breakup
super literal na pati yung group ng isang subject ko na kailangan daw eh post dun sa group ay literal na mawawala kaya for sure na bagsak talaga, dahil last ko kita naka pending pa yung post eh feeling ko eh finalize siguro ng teacher namin pag check yun pag finals na, pero wala eh, lahat din ng messages ko sa mga gc pati personal msg nawala, super sakit grabe sinadya talaga sa malapit na bday ko
 
Wala kang choice gagawa ka talaga ng new account sakin din before bigla nalang na locked iniyakan ko pa nga e 🤣 tapos nagsend ng mga documents sa Facebook pero ang ending pinaasa lang ANG SAKIT
 
wag kasi umasa sa fb. kung mga pictures at video mas ok isave sa cloud storage tulad ng Google photos. mas safe pa

ung mga gaming accounts nyo wqg nyo din ibibind sa mgq socmed accounts kung pwede naman sa gmail accounts. mas safe pa un

mas ok din gawa kayo ng dummy accounts kung mahilig kayo makipagtalo sa mga comments para pag nareport ung account nyo ok lng. yung main account nyo gamitin nyo lang mga importanteng bagay
 
Last edited:
i feel you... sa YøùTùbé ko ganun din ginawa bigla nalng nawala although alam ko kung bakit nwala ung akin dahil sa nahäçk ung account ko and may nagpost ng mga videos na bawal. Di ko rin naman nabawi kahit pa nag-explain ako.. kaloka ang mga social media ngayon daig pa ang ibong adarna sa mga policies ka kay haba haba kung basahin. and lagi silang nagpapalit palit ng policies... They are super controling.. but wala tayong magawa..
 
It's weird that they banned your account immediately without giving you a grace period. And it usually starts with temporary locking the account for a few days.
 
hays. grabe naman.
di mo po ba naisip na idownload ang information. pwede po mag request to download information under your FB settings sa personal information. sayang kasi kapag nagka ganyan. though nauunawaan kita na di mo akalain na magyayari yun. pero sana yearly nag backup ka. sayang sayang. ako. may backup ako ng FB mula 2012 lang ako ng create ng FB.

sayang po. sana magawaan pa ng paraan kung meron pa.
 
Nangyari sa old fb ko, since 2014 na disable dahil admin ako sa page na, na disable nung election 🥲, di naman ako nag p post sa page, admin lang ako hahaha
 
It's weird that they banned your account immediately without giving you a grace period. And it usually starts with temporary locking the account for a few days.
They keep telling me that "They cannot provide additional information or some reason why my account banned for security reasons" its so annoying and painful
Grabe yan. Sorry for your loss ts
Yes even me I'm ****ing loss myself, can't concentrate I want to end everything wala akong gana kumain and so all
hays. grabe naman.
di mo po ba naisip na idownload ang information. pwede po mag request to download information under your FB settings sa personal information. sayang kasi kapag nagka ganyan. though nauunawaan kita na di mo akalain na magyayari yun. pero sana yearly nag backup ka. sayang sayang. ako. may backup ako ng FB mula 2012 lang ako ng create ng FB.

sayang po. sana magawaan pa ng paraan kung meron pa.
yun nga din di ko naiisip kasi alam kopo naman di ako mababan kasi yun nga matagal na account ko ilang years na panay send din ako ng valid verifications kapag bigla ng tri-trip si fb na ng lo-locked out, pero unexpected lng talaga ni permanent ba naman sobrang iyak ko, ni try ko eh download information pero grabe 2.5MB lng walang kwenta yung backup na yun.

Nag research nako nag try nako nung mga private link pero wala detected name at email ko wala talaga sobrang sakit.
Nangyari sa old fb ko, since 2014 na disable dahil admin ako sa page na, na disable nung election 🥲, di naman ako nag p post sa page, admin lang ako hahaha
isa din to sa sinabi ng cm ko na possible daw yung ni share kong nag pakamatay na nag viral na binan yung post tas dinamay lahat ng nag share eh isa ako dun sa nag share eh.
 
They keep telling me that "They cannot provide additional information or some reason why my account banned for security reasons" its so annoying and painful

Yes even me I'm ****ing loss myself, can't concentrate I want to end everything wala akong gana kumain and so all

yun nga din di ko naiisip kasi alam kopo naman di ako mababan kasi yun nga matagal na account ko ilang years na panay send din ako ng valid verifications kapag bigla ng tri-trip si fb na ng lo-locked out, pero unexpected lng talaga ni permanent ba naman sobrang iyak ko, ni try ko eh download information pero grabe 2.5MB lng walang kwenta yung backup na yun.

Nag research nako nag try nako nung mga private link pero wala detected name at email ko wala talaga sobrang sakit.

isa din to sa sinabi ng cm ko na possible daw yung ni share kong nag pakamatay na nag viral na binan yung post tas dinamay lahat ng nag share eh isa ako dun sa nag share eh.
"dinamay lahat ng nag share eh isa ako dun sa nag share eh."
Kung nag share ka ts at nakita ng fb friends mo, for sure may nag report sa post mo. Bawal kasi sa fb ang mga ganyan. Tapos nung nag upload ka ng valid ID – siguro mas maganda na primary government-issued ID ginamit mo like Passport, Driver's license, or National ID.
 
Similar threads

Back
Top