What's new

Mga INC at Atheist Dapat ba Hindi Bigyan ng Christmas Bonus?

Naming convention lang yan. Dahil sobrang celebrated ang pasko sa pilipinas. Kasi kung tunay na democratic ang pilipinas, with enough people na known to not celebrate xmas, malamang baguhin yan into "holiday bonus".
Anyway kung tlga sinasabuhay mo ang essence ng pilipinong pasko, hnd ba ito ay tungkol sa pagbibigay, at hindi tungkol sa pagtanggap. So kung ang company ang nagbibigay ng xmas bonus, does it matter kung sino bibigyan?
 
part ng employment law yang 13th monthpay kaya obligasdo talaga mga company na ibigay yan , d2 lang sa pilipinas malambot ang batas natin tungkol jan, sa ibang bansa pag wala ka 13th monthpay or bonus na natanggap , crime ang turing jan sa part ng company owner , kapag napatunayan yan kulong ang may ari at mgbabayad pa ng danyos , tapos hindi ka na pwedeng magtayo ng company under sa pangalan mo , so labas talaga ang religion or belief sa ganyang bagay
 
Ang christmas bonus naman at hindi mandatory tulad ng 13th month pay na nasa batas. So nasa company pa din yun kung gusto nilang bigyan yung empleyado nila regardles kung ano ang pinapaniwalaan nila. Kaya wala pa din laban ang empleyado kung di sila bigyan o bigyan man sila.

Nung nasa government pa ako wala kaming christmas bonus, 13th month pay lang. Buti ngayon dito sa bago ko na work bukod sa 13th mont mya christmas bonus pa at anual incentives
San Government ka sir? Permanent ka ba? Sana all may 13th month Pay =D 10 years na ako sa Government never akong nakakuha ng 13th month pay dahil Contractual ako :D
 
kadalasan 13th month lang binibigay ng mga company. ung sa christmas bonus nagkakaroon na lang ng christmas party andun na ung mga pa raffle and free gift. madalas din nman hindi umaatend ung walang pasko. so no need na ng debate sa topic na ito.
 
San Government ka sir? Permanent ka ba? Sana all may 13th month Pay =D 10 years na ako sa Government never akong nakakuha ng 13th month pay dahil Contractual ako :D
Bka it's time na dapat applyan mo ung pang permanent position boss.
 
San Government ka sir? Permanent ka ba? Sana all may 13th month Pay =D 10 years na ako sa Government never akong nakakuha ng 13th month pay dahil Contractual ako :D
dapat alamin mo sir karapatan mo. hindi basehan ang contractual. dahil lhat ng empleyado may 13th month pay lalo kung government ka nagttrabaho. asawa ko nga din dati conttactual lang sya pero meron sya nakukuna. dpat ipaglaban mo yan.
 
di ako INC pero madami akong friends na INC, pero ang dating sakin ng arguments mo e may galit ka sa kanila 😂. Seventh day Adventist (sabadista) Jehovas witnesses, at muslims wala ding Christmas, pero base sa comments mo talagang INC lang tinutumbok mo. Medyo halata ko may personal kang galit sa kanila e 😂😂
 
Last edited:
Ang x-mass ay pre-christian pagan holiday.. Agnostic ako, di ako naniniwala na si Jesus ay sinilang ng December 25, wala kahit sinong historian ang nagpapatunay na siya ay sinilang ng december 25, sa katunayan imposible siya ay sinilang ng buwan ng december, that time tag lamig sa Palestine, hindi gag0 si Caesar Augustus upang magpa cencus ng tag lamig sa buong Roman Empire lalo na sa Palestine, ang Roman Empire ay mabusisi sa record keeping at wala ni isang record na magpapatunay na siya ay nag utos ng malakawang census na tulad ng nakasulat sa bible, isa yan sa pseudo history na nilalaman ng bible.

Now enough on Roman history, at dun tayo sa sinasabi mo.. yes we (atheist/agnostics) dont believe that Jesus was born on December 25, but it doesnt mean we dont celebrate x-mass, para sa madaming skeptics ang x-mass ay walang religious baggage kundi ito ay celebration of gift giving to our family., our version of x-mass is secular without the bullsh!t of messiah and saviour.
Kaya bakit kami hindi pede tumanggap ng x-mass bonus. Ewan ko lang sa mga INC sila ang dapat hindi bigyan nyan,🤣 they hate x-mass, they hate everything catholic, as for me, tinuturing ko padin ang sarili ko as cultural catholic (gaya ng madami atheists na kilala ko), we respect the religion of our parents more than any religion

we dont hate x-mass we love x-mass, its a festival of beer and intoxicant

atheist.jpg
 

Attachments

Last edited:
Malamang, dahil:
  • Karapatan nila na makatanggap nun.
  • Upang maging pantay pantay yung trato ng lahat ng mga empleyado.
  • Upang maka iwas sa Discrimation.
  • Dahil naisabatas na iyun, na lahat ng company ay need magbigay ng 13th month pay.
 
Wala dapat, in the sense of kababawan, kasi it is term as it is dahil on that season sya binibigay. It is being given dahil is the season of giving, ang they don't celebrate that season, why nga naman isasama at bibigay sila? 13th of course meron since it's mandatory.

On the other hand, if this bonus should be based on performance (which is usually the primary reason why employers also give xmas bonus), then it is fair that everyone is included on the reward. Christmas bonus is more of a reward after a year of hardship on work rather than being associated with Christmas which is not celebrated by our KAPATID, etc.


I am Catholic by the way. And I'm really excited for Christmas! :)

Sana ngayong pasko masaya lahat at tumagal pa itong community na to.
 
Kung yung ibang empleyado ay bibigyan ng Christmas Bonus at merong ibang religion yung other employees ang mas tamang gawin ay tawagin nalang na "Year End Bonus" instead na Christmas Bonus.
 
Para sakin kahit hindi sila katoliko nararapat parin sila ma bigyan ng christmas bonus. Parihas naman tayo nag tratrabaho sa company. Pantay² lang may mga pamilya rin yang pinapakain
 
Ako din INC ako pero, at walang Christmas samin, point mo dito wag mabigyan ng christmas bonus ang INC, eh pano kung yung mismong boss or company ang mag bigay kasi nga maganda ang performance ng trabaho namin saknila, siguro kung meron ditong hindi dapat bigyan ikaw yun Ts kasi makasarili ka 😂peace ✌️
 
Ako din INC ako pero, at walang Christmas samin, point mo dito wag mabigyan ng christmas bonus ang INC, eh pano kung yung mismong boss or company ang mag bigay kasi nga maganda ang performance ng trabaho namin saknila, siguro kung meron ditong hindi dapat bigyan ikaw yun Ts kasi makasarili ka 😂peace ✌️
ayan makasariling christian ang bantot pakinggan na complete opposite sa itinuturo ng bible nila
 

About this Thread

  • 66
    Replies
  • 3K
    Views
  • 45
    Participants
Last reply from:
shirokunkun

Online statistics

Members online
1,181
Guests online
4,660
Total visitors
5,841
Back
Top