What's new

Sa Akin. Kapag Ang Tao ay Nag-Aral ng World Religion, Posibilidad na Maging Atheist ang Tao

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,904
Reaction
872
Points
532
Sa Akin. Kapag Ang Tao ay Nag-Aral ng World Religion, Posibilidad na Maging Atheist ang Tao

Nasasabi ko ito kahit Deist ako. Nauunawaan ko ang mga Atheist sa buong mundo. Though depende sa individual na tao. Meron kase ibang Atheist na kaya naging Atheist ay dahil sa past experience , meron naman ibang Atheist na gusto bumalik sa pagiging Theist pero before sila bumalik , gusto nila ng proof na meron God at maraming iba pa. But. Ito. Meron Atheist na based on what they learned sa field kaya sila naging Atheist. Hindi dahil sa past experience or whatever. Hindi.

Like example.

Kapag nag-aral ang tao ng world religion , meron matutuklasan ang tao na hindi niya natutunan sa loob ng relihiyon na ikinalakihan niya mismo. Meron ganun. Katulad ng nag-aral ang tao ng religious studies or halimbawa , sabihin natin kumuha ng course ng socio-anthropology, mga ganun ba? Hindi maiiwasan na meron matutuklasan ang tao na iba ang natutunan niya sa mismong ikinalakihan relihiyon.

Ako, meron akong nadadaanan relihiyon pero hindi para sumali kungdi na tritrig ang curiousity ko sa ibang beliefs system. Although hindi siya absolute na pinag-aralan ang lahat , well , the only thing natuklasan ko is halos - I mean halos magkakasimilar o sabihin natin na magkakasimilar nga talaga ang lahat ng belief system pero iyon nga lang , meron pa rin pagkakaiba.

Like example , meron second coming , meron end of the world , meron miracles , meron son of God and so on and so forth. I mean magkakasimilar silang lahat in a world religion po in a different beliefs although magkakaiba pa rin ang concept mismo ng relihiyon and so , hindi lahat ng Atheist is galing sa bad experience or dahil sa selfish sila o what but because based on knowledge na acquire nila outside religion.

So for me , though I am a Deist , ang masasabi ko na hindi delusional ang Atheist. Alam ko na ma ooffend ang ibang Theist dahil sinabi ko na hindi delusional pero meron ibang Atheist na kaya sila naging Atheist dahil nakapag-aral sila. Meron silang high education kung baga so for me , hindi ko masasabi na delusional ang Atheist.

Meron isang Atheist nga na sabi na papaano raw siya maniniwala kay God kung madami naman dieties sa buong mundo which is true naman, kaya siya umalis at naging Atheist. Kaya for me , it is okay na maging Atheist dahil kahit ako , nagugulat din ako sa ibang belief system like na eenlighten ako na meron din palang second coming sa other beliefs, hindi lang Christian. Meron din miracles na piniperform ng spiritual leader or diety or dieties nila sa other beliefs , hindi lang Christian. Maraming iba pa.

Pero siyempre, ang sasabihin ng tao na kailangan natin ng guidance para mapabuti ang tao, pwede naman po. Meron naman ibang non-theistic beliefs at philosophy na pwede sundin ng tao. Example , yung taoism at kung hindi taoism , meron buddhism. Buddhism like practice meditation. And maraming iba pa diyan belief system. Meron naman moral code na pwede masunod ng tao. Ika nga, depende sa spiritual journey ng tao kung saan siya nito fit in as long as align siya sa value na meron siya.

Ito lang ang akin. It is okay to be an Atheist. Kung alam nga lang ng ibang tao , based on near-death experience and afterlife experience , meron ibang Atheist na nakakarating in a heavenly state or heaven place from Christian beliefs po. Ang pagkakadescribe pa nga ay sobrang iba raw ang pagkakadescribe ng relihiyon sa mismong afterlife na naranasan mismo na nakarating in afterlife. Magkaiba daw. Magkaiba.

So yun ang possibility na alam ko kapag ang tao ay nag-aral ng world religion. There is a posibility na maging Atheist po siya.

Ngayon kapag meron question about why Atheist went to heaven based on near-death experience or afterlife experience is ang sagot naman kase , wala naman kilalaman sa relihiyon. Sa spirituality ng tao. Maaari ang Atheist na nakarating sa heavenly state is dahil mataas ang spirituality niya. Mabait. Mabuting tao kung baga. O maaaring ilan years siya nagpapractice ng meditation from his spiritual guro niya kahit hindi siya naniniwala kay God. Hindi natin alam kung bakit pero walang kilalaman sa relihiyon. Sa spirituality ng tao ay meron kilalaman po.​
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top