What's new

Closed Is that black nazarene is a god?

Status
Not open for further replies.
Totoo ang biblia, nag exist siya simula ng ipasulat ng Dios ang Biblia sa mga lingkod niya. Marahil sa panahon ngayon, maraming tao ang nagtranslate ng biblia at ang iba ay maraming mali sa pagkakasalin kaya mahirap maunawaan ang mga nakasulat kung hindi mismong ang Dios ang magpaunawa sayo. Malamang sa greek ay tama ang mga pagkakasalin dahil greek ang orihinal na salin ng bilia. Ngayon sa orihinal na pagkakasalin ng Bible, ang Kristo ay Dios at siya ay anak ng Dios ama ayun sa nasusulat sa Biblia. Samantala tayo ay nasa panahon ng mga kristiyano, kung saan tayo ay tinubos sa pagkakasala upang magsisi at huwag ng umulit pa dahil wala ng natitirang hain. Marahil sa kabilang dako, maraming tao ang nagsi isip ng katha, gumawa ng mga Dios-diosan, mga larawang inanyuan, mga Dios na ginawa ng mga kamay ng tao. Bukod dito sila ay nagsitalikod sa Dios, silay nagsisuway! Mas pinili nilang sumamba sa mga Dios-diosan na gawa sa Bato, pilak, ginto, kahoy, at iba. Sabi ng Dios huwag kayong sasamba sa mga larawang inanyuan. Bukod din dito ay nagsikalat ang mga pastor na bulaan, mga mangangaral na bulaan, mga propeta, at iba.Dahil ditoy tayong mga tao ay nagkaroon ng ibat ibang paniniwala.. mga paniniwala na kinatha ng tao.. mga imbento. Na mas pinili pang gawing Dios ang tao kaysa siyang lumalang, mas pinili pang lumuhod sa ginawa ng tao kaysa gumawa sa tao... kaya ngayon nagkalat ang mga maling relihiyon. Sa puso ng tao nagtanim ang Dios ng mga salita, kaya mapapansin mong alam mo na kung minsan ang nagagawa mo ay mali o tama, example: sabi ng Dios bawal ang magnakaw .. at nagkataon naman na itinanim naman ng Dios yun sayo.. kahit di mo man narinig kahit kanino at walang nakapagsabi sayo.. alam mo sa puso mo na mali ang magnakaw na yun ay sa kadahilanan ngang Dios ang nagsusulat sa Ating mga puso.. kaya isip ka kapatid pagka alam mong may nasumpungan kang tama.. ipagpatuloy mo.. pero pagka alam mong mali... itigil mo na.. meaning ko dito try niyo ring makinig ng Doktrina sa aming samahan sa ang dating daan. nagbigay lang ako ng mga example sa mga turo niya.. kung intirisado ka.. punta ka sa aming mga Add convention o kilala sa ang dating daan.. ito ay gaganapin bukas ng gabi sa oras na 7:00 pm... salamat sa Dios :) baka may gusto kayong malaman.. na dun niyo lang malalaman :)
 
Ang GOD.. WALA SYA KATULAD SA LHAT NG KANYANG NILIKHA kya pinadalahan tyo ng sugo(prophets) Para s tamang daan at tunay N religion, Life is a trials.. I hope pumasa tyo s pagsubok (ONE GOD ONLY ONE RELIGION TO ACCEPTED) 1+1=2 HOW FIND THE RIGHT ANSWER AS INTO RIGHT RELIGION
 
there are several churches spoken in the bible na sinasabing sinulatan ng isang apostol....yung churches ba na yun is iisang religion lang?
 
Pwde po ba mag share kahit maiksi lang. Wala po ako dito para makipag debate.. well If si Jesus ay "nagkatawang tao" it means may pinagmulan siya, tama ba? (Philippians 2 : 5-6) at marami satin nagtatanong na "sino ba ang totoo?" Eto po ang sagot, si Jesus (WALA NANG IBA) "John 14:6" . At eto pa, bakit natin palaging naririnig yung Holy Spirit or Holy Ghost? Ano ba ang purpose nya sa generation natin? Eto po ang sagot "bago umakyat sa langit si Jesus, nangako sya na sa pag akyat nya sa langit at magiiwan sya ng makakatuang ng mga Apostol at maging sa mga tao na naglilingkod ng totoo kay Hesus (which is the Holy Spirit) read: the book of Acts (Chapter 2). Isa pa sa naririnig ko madalas na ang Diyos daw ay iisa, Tama po iyon. Pero! Ang Diyos ay binubuo ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo (1 John 5:7)
Example: ang katawan ng tao ay binubuo mg ibat ibang parte ng katawan na may ibat ibang purpose, tama po ba? Di po natin masasabing "katawan" yan kung kamay lang yan or puro paa ang makikita.

*Lastly: si Ishmael ay walang anak na Muhammad. I trace back the generation of Isaac and Ishmael, pero walang Muhammad sa lahi nila.

*mag basa po tayo ng Word of God para wala nang debate. And lets ask the Holy Spirit to guide us sa pag babasa ng Bible.
(1 Corinthians: 2. 10. But God hath revealed them unto us by his Spirit: for the Spirit searcheth all things, yea, the deep things of God.)
 
pero bat ganun pinagkakakitaan ng mga tao ang rebulto? di ba pwedeng ibigay ng libre kung totoong naghihimala yan? kung ang bible nga salita ng Diyos binibigay ng libre yan pa kayang sinasamba na rebulto?
 
Pwde po ba mag share kahit maiksi lang. Wala po ako dito para makipag debate.. well If si Jesus ay "nagkatawang tao" it means may pinagmulan siya, tama ba? (Philippians 2 : 5-6) at marami satin nagtatanong na "sino ba ang totoo?" Eto po ang sagot, si Jesus (WALA NANG IBA) "John 14:6" . At eto pa, bakit natin palaging naririnig yung Holy Spirit or Holy Ghost? Ano ba ang purpose nya sa generation natin? Eto po ang sagot "bago umakyat sa langit si Jesus, nangako sya na sa pag akyat nya sa langit at magiiwan sya ng makakatuang ng mga Apostol at maging sa mga tao na naglilingkod ng totoo kay Hesus (which is the Holy Spirit) read: the book of Acts (Chapter 2). Isa pa sa naririnig ko madalas na ang Diyos daw ay iisa, Tama po iyon. Pero! Ang Diyos ay binubuo ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo (1 John 5:7)
Example: ang katawan ng tao ay binubuo mg ibat ibang parte ng katawan na may ibat ibang purpose, tama po ba? Di po natin masasabing "katawan" yan kung kamay lang yan or puro paa ang makikita.

*Lastly: si Ishmael ay walang anak na Muhammad. I trace back the generation of Isaac and Ishmael, pero walang Muhammad sa lahi nila.

*mag basa po tayo ng Word of God para wala nang debate. And lets ask the Holy Spirit to guide us sa pag babasa ng Bible.
(1 Corinthians: 2. 10. But God hath revealed them unto us by his Spirit: for the Spirit searcheth all things, yea, the deep things of God.)

sa pagkaka alala ko may nabasa rin ako na "kinasihan ng holy spirit yung mga apostol kaya sila nakapagsalita ng ibat ibang wika". yun yung dila ng apoy (not literal na dila) diba?
 
yong iba ngsasabi respito nyo naman paniniwala namin huwag nyong bastosin.
pero naisip ka nila ang mga talata na to?

Isaias 45:20
Sinabi ni Yahweh, “Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa; "KAYONG MGA MANGMANG NA NAGPAPASAN NG MGA IMAHENG KAHOY" at dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas. Ang mga taong ito'y walang nalalaman.

Isaias 46:7
Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at HINDI MAKATUTULONG SA PANAHON NG PAGSUBOK.
 
dagdagan pa natin ng talata baka sakali mahimasmasan sila
MBB (magandang balita biblia)
imprematur Jaime L. Cardinal Sin

EXODO 20:4
huwag kayo magkakaroon ng diyus-diyusan o kayay larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid,nasa lupa o nasa tubig

Deut 4:23
Mag-ingat kayo. Huwag na huwag ninyong kalilimutan ang kasunduan ninyo ni Yahweh. Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, gaya ng ipinagbawal niya sa inyo.
 
yong tittle ng thread ni ts sagutin ko din
MBB (magandang balita biblia)
imprematur Jaime L. Cardinal Sin

ISIAS 44:6
Ang sabi ni yahweh na makapangyarihan sa lahat hari at tagapagligtas ng israel.
Ako ang simula at siya ring wakas walang ibang Diyos maliban saakin

ISIAS 45:18
si yahweh ang diyos ang lumikha ng kalangitan.siya rin ang lumikha ng daigdig
Ginawa niya itong matatag at itoy mananatili ginawa niya itong isang mainam na tirahan
siya ang maysabing Akong si yahweh lamang ang Diyos at wala nang iba pa

ayan po malinaw pa sa sabaw ng buko na ang tanging Diyos lamang ay ang Dios ni Hesus maging si Hesus po ay may Dios hindi po Dios si Hesus

JUAN 20:17
Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos

AKING DIYOS AT INYONG DIYOS
 
Para sa akin po ..kahit magkakaiba ang sinasamba natin ..Basta Wala Kang ginagawa na kasamaan o masama ay okay na po yun.. maiintindihan na Tayo ng tunay na DIYOS..
 
Para sa akin po ..kahit magkakaiba ang sinasamba natin ..Basta Wala Kang ginagawa na kasamaan o masama ay okay na po yun.. maiintindihan na Tayo ng tunay na DIYOS..
paano kapo maintendihan ng Dios kong sumamba ka sa ibang Dios?
 
Ang relihiyon o iglesia na dapat kaaniban ay yung nasusulat sa Biblia at yun ay ang iglesia ng Dios. Yun nga lang maraming iglesia ng Dios.. pero sa puso mo pagka tinawag ka ng Dios malalaman mo ang tunay.. try niyo po sa ang dating daan.. na si bro eli nagtuturo..
 
sa pagkaka alala ko may nabasa rin ako na "kinasihan ng holy spirit yung mga apostol kaya sila nakapagsalita ng ibat ibang wika". yun yung dila ng apoy (not literal na dila) diba?
Yes tama po yun, at mababasa yun sa Book of Acts chapter 2. Nang bumaba ang aholy Spirit sa mga aspostle, they speak in tongues (yan ang hinding hindi maiintindihan ng tao pag hindi ito puspos ng Banal na Espiritu).
 
Ang relihiyon o iglesia na dapat kaaniban ay yung nasusulat sa Biblia at yun ay ang iglesia ng Dios. Yun nga lang maraming iglesia ng Dios.. pero sa puso mo pagka tinawag ka ng Dios malalaman mo ang tunay.. try niyo po sa ang dating daan.. na si bro eli nagtuturo..
Kuya, si Jesus po ang katotohanan. Nababasa mo naman po siguro ang Juan 14:6, di po ba?
 
Mga kapatid, mali na iisipin nating maliligtas tayo kahit hindi tayo pumasok sa tama at totoong samhan o relihiyon. Mali kasi unang una, utos ng Dios ang pagpasok sa iglesia ng Dios. Pangalawa para narin nating sinasabi na tayo ang may ari ng sarili nating buhay.. at gagawin natin ang lahat nating kagustohan kahit labag sa utos ng Dios. Tips lang, kung matalino kayong mananaliksik ng totoo at tama.. at naghahanap kayo ng kaligtasan noyo... subukin ninyo ang lahat ng bagay at ingatan ninyo ang mabuti... pagka alam mong tama ang itinuturo.. ipagpatuloy mo.. pero pagka mali huwag mo nang ituloy :) sabi sa Biblia.. sikapin ninyong makapasok sa tunay na samahan lalo't kung natatalastas niyong malapit ng magwakas ang inyong buhay.. magbalik loob kayo.. baka sa tagal ng buhay na ginugol niyoo... sinayang niyo lang sa paninigarilyo, pambababae, pagdrodroga, panloloko ng kapwa, at iba pa... para sa akin wala ng mas hihigit pa sa samhang nakaaniban ko na.. nakita ko na ang mga turo sa maraming relihiyon, iglesia ni kristo, muslim, born again, baptist, katoliko, muslim at iba pa.. halos may pagkakapare pareho lang naman ang turo... sa akin lang subukan din ninyong makinig ng mga turo sa Ang Dating Daan.. o kilala sa mangangaral na si bro eli soriano ang nagtuturo. Subukan niyo.. hindi kami naghahanap ng kakampi, mapakinggan niyo lang masaya na ako.. kasi kahit gustohin mong pumasok kung di mo naman gagawin ang utos.. di karin namin aariin na myembro.. salamat sa Dios :)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top