Totoo ang biblia, nag exist siya simula ng ipasulat ng Dios ang Biblia sa mga lingkod niya. Marahil sa panahon ngayon, maraming tao ang nagtranslate ng biblia at ang iba ay maraming mali sa pagkakasalin kaya mahirap maunawaan ang mga nakasulat kung hindi mismong ang Dios ang magpaunawa sayo. Malamang sa greek ay tama ang mga pagkakasalin dahil greek ang orihinal na salin ng bilia. Ngayon sa orihinal na pagkakasalin ng Bible, ang Kristo ay Dios at siya ay anak ng Dios ama ayun sa nasusulat sa Biblia. Samantala tayo ay nasa panahon ng mga kristiyano, kung saan tayo ay tinubos sa pagkakasala upang magsisi at huwag ng umulit pa dahil wala ng natitirang hain. Marahil sa kabilang dako, maraming tao ang nagsi isip ng katha, gumawa ng mga Dios-diosan, mga larawang inanyuan, mga Dios na ginawa ng mga kamay ng tao. Bukod dito sila ay nagsitalikod sa Dios, silay nagsisuway! Mas pinili nilang sumamba sa mga Dios-diosan na gawa sa Bato, pilak, ginto, kahoy, at iba. Sabi ng Dios huwag kayong sasamba sa mga larawang inanyuan. Bukod din dito ay nagsikalat ang mga pastor na bulaan, mga mangangaral na bulaan, mga propeta, at iba.Dahil ditoy tayong mga tao ay nagkaroon ng ibat ibang paniniwala.. mga paniniwala na kinatha ng tao.. mga imbento. Na mas pinili pang gawing Dios ang tao kaysa siyang lumalang, mas pinili pang lumuhod sa ginawa ng tao kaysa gumawa sa tao... kaya ngayon nagkalat ang mga maling relihiyon. Sa puso ng tao nagtanim ang Dios ng mga salita, kaya mapapansin mong alam mo na kung minsan ang nagagawa mo ay mali o tama, example: sabi ng Dios bawal ang magnakaw .. at nagkataon naman na itinanim naman ng Dios yun sayo.. kahit di mo man narinig kahit kanino at walang nakapagsabi sayo.. alam mo sa puso mo na mali ang magnakaw na yun ay sa kadahilanan ngang Dios ang nagsusulat sa Ating mga puso.. kaya isip ka kapatid pagka alam mong may nasumpungan kang tama.. ipagpatuloy mo.. pero pagka alam mong mali... itigil mo na.. meaning ko dito try niyo ring makinig ng Doktrina sa aming samahan sa ang dating daan. nagbigay lang ako ng mga example sa mga turo niya.. kung intirisado ka.. punta ka sa aming mga Add convention o kilala sa ang dating daan.. ito ay gaganapin bukas ng gabi sa oras na 7:00 pm... salamat sa Dios baka may gusto kayong malaman.. na dun niyo lang malalaman