What's new

Inaantok habang nag aaral ng programming.

Jayster Celles

Addict
Established
Joined
May 3, 2019
Posts
7
Reaction
2
Points
66
Sino dito yung inaantok habang nag aaral ng programming kahit gustong gusto naman talaga matuto? Ako kasi gusto ko talaga matuto kaso inaantok talaga ako kapag nanunuod na ako ng tutorial. Ano kaya technic para maiwasan na antukin habang nag aaral?
 
Mahirap talaga labanan ang antok, lalo na kapag nag-aaral ng programming na kailangan ng focus at concentration. Narito ang ilang techniques na maaari mong subukan para maiwasan ang antok habang nag-aaral ng programming:

1. Magkaroon ng sapat na tulog: Siguraduhin na nakakakuha ka ng sapat na oras ng pahinga bago mag-aral. Ang pagiging puyat ay maaaring magdulot ng pagkaantok habang nag-aaral.

2. Magpaalam sa malamig na hangin: Kung maaari, mag-aral sa lugar na may sapat na sirkulasyon ng hangin para hindi ka agad antukin.

3. Mag-breaks: Magpasya ng maikling pahinga o break kada isang oras ng pag-aaral. Ito ay makakatulong sa iyo na ma-refresh ang isipan at katawan mo.

4. Mag-exercise: Bago mag-aral, mag-ehersisyo ka muna ng kaunti o gawin ang stretching para ma-energize ang katawan mo.

5. Mag-imbak ng mga malulusog na pagkain: Kung kailangan mong mag-snack habang nag-aaral, piliin ang mga masustansiyang pagkain tulad ng prutas o nuts upang hindi ka agad antukin.

6. Baguhin ang kapaligiran: Kung maaari, subukan mo ang iba't ibang lugar kung saan ka nag-aaral. Baka kailangan mo lang baguhin ang setting para maging mas alerto at hindi antukin.

7. Magkaroon ng clear goals: Mahalaga rin na malaman mo ang layunin mo sa pag-aaral ng programming. Kapag alam mo kung bakit mo ito ginagawa, mas magiging focused ka at maiiwasan ang antok.

8. Stay hydrated: Siguraduhing nakakainom ka ng sapat na tubig habang nag-aaral. Ang dehydration ay maaaring magdulot ng pagkaantok.

Subukan mo ang ilan sa mga techniques na ito at tingnan mo kung alin ang makakatulong sa iyo para maiwasan ang antok habang nag-aaral ng programming. Good luck sa iyong pag-aaral!
 
Ganiyan din po ako minsan.

So ang technique ko ay pause then apply.

Pagkatapos ng isang part ng tutorial, i-pause ko muna yung video then i-apply ko na mga tinuro. Ini-explore ko yung tinuro niya na yun. Example, looping. Gagawa ako ng sariling program ko gamit yung looping. Matutuwa ka niyan kapag nakagawa ka, mawawala antok mo.
 
panuorin mo yung video sa bilis na 1.5x. yung way kasi ng pagsasalita nila yung nakaka antok. or baka short lang yung attention span mo kaya inaantok.
 
documentation the best, medyo mabagal ang improvement kapag sa YøùTùbé yun yung napapansin ko nung nag e-establish ako ng skills sa programming.
 
Matulog muna and then saka manood pero kunti lang. Mas marami dapat ang actual na pagwrite ng code. Try to build your own app. Start from simple and then improve it later on.
 
documentation the best, medyo mabagal ang improvement kapag sa YøùTùbé yun yung napapansin ko nung nag e-establish ako ng skills sa programming.
Documentation like ano po? Pwede po ba bigay ka ng example na site?
 
Ito TS based on my experience ha. Passion ko talaga programming pero inaantok din ako minsan pag nag aaral ako ng programming thru reading or watching video tutorials. Pansin ko normal lang yun kasi napapagod utak natin. Pag ganyan, pause mo muna tapos idlip ka. Saka mo i continue
 

Similar threads

Back
Top