What's new

Closed How to be happy?

Status
Not open for further replies.
1. Buksan mo ang iyong mga mata sa realidad ng buhay.

2. Dapat ay marunong magpahalaga sa mga bagay bagay lalo na ang mga maliliit at simpleng bagay.

3. Tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit.

4. Huwag magpa apekto sa mga sinasabi ng iba laban sa iyo. Tandaan na mas angat ka sa kanila dahil ikaw ay kanilang sinisiraan.

5. Gawin ang mga bagay na gusto mo, ng walang naaapakan, nasasaktan at nababangga na kahit sino. Ang pagiging masaya ay hindi ang pagbababa sa pagkatao ng iba.

6. Huwag magpa dala sa mga sinasabi ng iba. Tumanggap ka ng mga suhesyon pero hindi mo kinakailangang sundin ang lahat ng ito. Piliin mo kung ano ang tama at mali. Marunong tumimbang ng mga sitwasyon.

7. Ay ang pagiging kuntento sa kung ano man ang meron ka ngayon. Maging masaya ka lang sa pag kakaroon ng mga bagay na ito at hindi naman masamang mag hangad ng mga gusto mo. Isa puso mo lang na ito’y iyong makakamit pag dating ng araw.

8. Ang pagkakaroon ng pangarap at pag titiyaga sa buhay. Mag aral ng mabuti at mag trabahong mabuti. Tandaan na ang iyong mga ginagawa ngayon ay para din sa iyong kinabukasan. Matatamasa mo din ang sarap pag dating ng araw. Manalig lang sa Diyos at gawin ang mga nararapat na gawin hindi para sa ika bubuti ng marami ngunit sa ika bubuti ng lahat.

9. Sundin ang batas ng Diyos at ng bansa. Ang pagiging masaya ay pagiging malaya.

10. Pang huli ay sundin lahat ng sampung hakbang upang ika’y maging masaya kahit gaano man kahirap ang sitwasyon. Matatapos din iyan! Kaya mo yan! Ugaliin nating maging positibo at optimistic para sa ating ika bubuti. Huwag kalimutang magbahagi ng iyongngiti upang maimpluwensiyahan ang iba.

©fminete worldpress
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top