What's new

Closed Hanggang picture lang...

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
5 Lugar na Gusto Kong Makita Bago Ito Mawala

Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang mga balita tungkol sa mga Sakuna. Meron, lindol sa Canada at Tsunami sa Hawaii. Ang huli ay ang malakas na Bagyong tumama sa East Coast ng Estados Unidos.

Bigla kong naisip, paano kung di ko na makita ang ilang mga magagandang lugar dahil sa mga pagbabago sa klima at sunod-sunod na kalamidad? :(

Siguro hindi man ako magiging maswerte na mabisita ang lahat ng ito bago pa ito mawala, pero alam kong meron akong magagawa, maliliit man na paraan, para makatulong sa mabilis na pagbabago ng mundo.

1. Great Barrier Reef

20180802_113054.png

Pinakamalaking Coral Reef System sa mundo. Makikita ito sa Coral Sea sa Queeensland, Australia. Meron itong mahigit-kumulang na 3,000 indibidwal na reefs. Hindi ako marunong mag SCUBA diving pero ang makita ito ang isa sa pinkamagandang karanasan maaaring mangyari. Sana kung magkaroon lang ako ng resourcespara matuto mag SCUBA at pamasahe makarating lang sa Australia.

2. Antartica

20180802_113118.png

Nuong ako ay nasa elementarya ay naituro na ito bilang isang kontinente na matatagpuaan sa hilagang bahagi ng mundo. Dito matatagpuan ang South Pole. Sa pagkakaalam ko, iilang tao lang ang nakatira dito at halos lahat sila ay naroon para magsagawa ng pag-aaral. Wala akong masyadong alam sa Kontinente na ito, basta ang sigurado ako, gusto kong makita ang mga Penguins na malayang naglalaro sa Antartica.

3. Egyptian Pyramids

20180802_113146.png

Ito ang pinaka-kilalang istraktura ng sinaunang Ehipto. Meron itong mahigit 100 pyramids na karamihan ay tinatayang libingan ng mga Pharaohs ng bansa. Ang pinaka-sikat sa mga ito ay ang mga Pyramids sa Giza ng Cairo. Sana maabutan ko ang mga ito bago pa sila masira. Gusto ko kasing maligaw sa loob nito at makalabas nang may dalang mga kayamanan sakay ng magic carpet ni Alladin. O kahit makalabas lang nang may dalang kayamanan. :)

4. Grand Canyon

20180802_113215.png

Wala akong alam tungkol dito maliban sa napapanuod at nakikitang magagandang larawan. Matatagpuan ito sa Colorado Rivers ng Arizona. Picture taking lang solve na ako.

5. Great Wall of China

20180802_113239.png

Ang malaki at mahabang pader na ito ay binuo para protektahan ang chinese empire sa mga nais pumasok at manakop sa bansa. Sinasabing mahigit 20,000 km ang haba ng pader na ito. Ito rin ang tanging likha nang tao na makikita mula sa kalawakan. Makapag-jogging lang sa pathways ng pader na ito, at makapagpicture at ma-post sa FB ay isang pangarap na parang madali naman makamtan dahil sa lapit at madaling puntahan mula sa Pilipinas.

-kuya keith

-sarap siguro pumunta dito lalo na kung may pera ka at passport.. hahaha! :)
 

Attachments

Last edited by a moderator:
according to google.

Do you have permission to go to antartica?
Visas. Since no country owns Antarctica, no visa is required. However, the countries that signed the Antarctic Treaty's Protocol on Environment Protectionrequire that visitors from those countries (including the USA, Canada, EU and Australia) need permission. This is nearly always through tour operators.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top