What's new

Trivia Facts about deadpool

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
credits sa dwe

Showing nanaman po ang Deadpool sa mga sinehan. Part 2 na ito, at marami ulit ang nahumaling dito dahil sa magagandang action scene at kakaibang humor ng pelikula. Kaya ngayong araw, nilista ko ang ilan sa mga nakakatuwang bagay tungkol sa comic superhero na mas kilala natin bilang "The Merc with a Mouth".

HE IS A LETHAL COMBATANT
Isa si Deadpool sa mga lethal combatant sa Marvel Universe. Kasama sa mga arsenal of weapons niya ay swords, handguns, grenades, rocket lunchers at marami pang iba, master martial artist din siya at may kakayahan siyang mag-self healed. Madalas siyang nananalo sa mga laban, at kung matalo man siya, dahil ito sa mga distractions. Karamihan sa mga distractions na ito ay ang pagiging madaldal niya.

HE KILLS THE MARVEL UNIVERSE
Sa four-part series na comics na ni-realese ng Marvel na may title na "Deadpool kills the Marvel Universe", literal na pinatay ni Deadpool ang lahat ng mga heroes at villains sa buong Marvel Universe. Ayon sa series, nabaliw siya ng tuluyan dahil sa isang eksperimento at sinimulang niyang patayin ang mga sikat na superheroes, villains at teams sa Marvel. Pinasabog niya ang Avengers sa pamamagitan ng Pym Particles. Pinatay niya ang Fantastic Four gamit lamang ang kanyang espada at martial art skills. Na-head shot niya naman si Spider-man. Na-trap niya si Punisher at tinapos niya rin ito. Pinira-piraso siya ni Hulk pero nag-self-healed siya at tinapos niya si Bruce Banner habang natutulog ito. Hindi ba kayo makapaniwala? Ako din eh *haha. Napatay niya rin ang X-men sa pamamagitan ng pag-gamit sa kapangyarihan ng isa sa mga villain na napatay niya. Ginamit niya ito para mag-suicide ang mga miyembro ng X-men. Sa sobrang kabaliwan niya, sa dulo ng comics, binantaan niya pa ang mga readers nang "i will find you soon".

HE KILLS SOME OF YOUR FAVORITE FICTIONAL CHARACTER TOO
Pagkatapos niyang tapusin ang mga Marvel character, nag-pasya din siya na patayin ang ilang mga karakter sa classic literature. Ginawa niya ito dahil ayon sa kanya, nakikita niya sa mga ito ang ilan sa mga Marvel character na pinatay niya. Tinanggalan niya ng mata si Don Quixote, pinasabog niya ang bahay ng Little Women, at pinag-pirapiraso niya ang Three Musketeers. Pinatay niya rin si Captain Nemo, maging si Ariel the Mermaid ay hindi rin nakaligtas sa kanya. Nakalaban niya rin sina Frankenstein, Sherlock Holmes, Beowulf, Mulan at ang mga karakter sa Jungle Book. Ang title ng comics series na ito ay "Deadpool Killustrated".

HE FOUGHT ALL THE DEAD PRESIDENT AND RE-KILLED THEM AGAIN
Bilang pag-sabay sa election fever sa U.S noong 2012, sumulat ang Marvel ng isang Deadpool story arc kung saan binuhay ng isang Necromancer ang lahat ng patay na na U.S president para ayusin ang kalagayan ng society sa America. Tinulungan si Deadpool ni Dr. Strange at nang multo ni Benjamin Franklin para talunin ang mga zombie president. Sobrang nakakatawa ang story arc na ito dahil sa mga paraan ni Deadpool para talunin ang mga zombie.

THE MANY FACES OF DEADPOOL
Dahil sa dami ng alternate universe at plot twist sa Marvel, binibigyan nito ang mga writers ng iba't-ibang opportunity para makagawa nang mga bagong version para sa mga minamahal nating heroes, kabilang na dito si Deadpool. Ang nabasa niyo kanina kung saan pinatay niya lahat ng Marvel character? Ang isang yun ay si Dreadpool, isa sa mga clone ni Deadpool. Mayroong ding Lady Deadpool mula sa ibang dimension. Mayroon ding Dogpool, isang aso na may costume ni Deadpool. Headpool, isang zombie na Deadpool at Pandapool, isang Panda na Deadpool *haha. Mayroon ding Wolverinepool, at isang team na puro Deadpool. (nakakalito, ang daming pool)

RYAN REYNOLDS DISLIKE HIS CHARACTER IN X-MEN ORIGINS: WOLVERINE
Kahit na commercially succesful ang movie na ito, maraming critics ang tinuligsa ang movie na ito dahil sa pangit na story plot, at ang kakaibang anyo ni Deadpool dito. Makikita sa unang part ng pelikula si Deadpool na ginanapan ni Reynolds bilang madaldal at magaling na swordsman. Pero sa dulo ng pelikula, nagpakita siya na walang bibig (pinag-dikit ang bibig niya), may adamantium blade na parang katulad kay Baraka sa Mortal Combat at laser eyes gaya ng kay Cyclops. Maraming fans ng comics ang hindi nagustuhan ang version na ito ni Deadpool, kabilang na si Reynolds, lalo na ang pag-tanggal sa bibig niya dahil ang pagiging madaldal ang isa sa mga katangian ni Deadpool. Inimbitahan ulit si Reynold na gumanap bilang Deadpool sa pelikula at tadaaah! Siya na ngayon ang nakakatawang karakter na napanood natin sa dalawang Deadpool movie.

HE KILL THE UGLY CHARACTERS OF RYAN REYNOLDS IN OTHER MOVIES
Dahil sa kakaibang multiverse ng Marvel,
sa credit scene ng bagong labas na movie na Deadpool 2, ginamit ni Deadpool ang time machine ni Cable para patayin ang karakter ni Ryan Reynolds na si Deadpool din (nabasa niyo sa taas) sa X-men origins. Ginamit niya rin ito para patayin si Ryan Reynolds bago pa man siya gumanap na Green Lantern sa pelikula. (kakaibang plot twist, sorry sa spoiler *haha)

And there you have it, sana nagustuhan niyo ang mga kakatuwang facts na nabasa niyo dito tungkol kay Deadpool, isang beloved superhero sa Marvel Universe. Happy Reading!

Source: Listverse

*finding something good without looking for it.
 
hindi mo malaman kung kakainisan mo o kakapabiliban mo siya as a hero or villain eh pero isa lang namutawi nakakabilib na writer dahil sa lawak ng kanilang imahinasyon.
 

Similar threads

Back
Top