Cerebellum
Eternal Poster
- Joined
- Oct 31, 2021
- Posts
- 1,183
- Reaction
- 532
- Points
- 423
Bibliya—Bakit Napakarami?
Malamang na napapaisip ka rin kung bakit napakaraming salin ng Bibliya sa ngayon. Karamihan sa mga ito ay isinalin sa iba't-ibang mga wika. At malamang na nakaabot na sa wika mo ang salita ng Diyos. Alam mo ba? Ang Bibliya ang aklat na pinakamalawak at pinakamaraming beses na naipamahagi at nailathala sa buong mundo. Kaya hindi nakapagtatakang maraming salin ng Bibliya ang naipamahagi sa iba't-ibang bahagi ng lupa.Sinasabi ng Bibliya
Apocalipsis 14:6 At nakakita ako ng isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, at mayroon siyang walang-hanggang mabuting balita para sa mga nakatira sa lupa, sa bawat bansa at tribo at wika at bayan.
Posible nga kayang nilayon ng Diyos na maisalin ang Bibliya sa iba pang mga wika upang maunawaan ito kahit ng mga pangkaraniwang mamamayan ng bawat bansa, tribo at wika? Posible nga! At makatitiyak tayo na iyon nga ang layunin ng Diyos! Pero mahalaga pa rin na malaman natin ang mga tanong na bumabangon.Bakit nga ba napakaraming bersiyon o salin ng Bibliya sa ngayon? Sa palagay mo, ang mga bagong bersiyon ba ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang Bibliya o hindi? Buweno, sinasagot ng artikulong Bibliya—Bakit Napakarami? ang sagot sa tanong na iyan. Buksan lamang ang link na nasa ibaba upang mabasa ang buong artikulo. Puwede mo rin pakinggan ang audio recording ng artikulong iyan! Available din ang artikulong iyan sa iba't-ibang wika gaya ng Ingles, Cebuano, Bicolano at iba pa.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.