What's new

Bakit marami pa ring bakla na kristiano?

ONE OK ROCK

Honorary Poster
Joined
Dec 7, 2016
Posts
649
Reaction
163
Points
195
Nakasaad sa biblia na masamang makipag-talik ang kapwa lalaki at bawal din magsuot ang lalaki ng damit na pambabae. Pero bakit marami pa ring relihiyosong bakla?

Edit: Walang masama sa pagiging bakla. Ang tanong ko bakit meron pa rin sa kanila na naniniwala sa relihiyon na ayaw sa kanila gaya ng kristianismo
 
Last edited:
bakit ganito ang mind set mo? iaasa mo na lang ba lahat sa libro? karapatan nila maging masaya eh kung don sila liligaya bakit hindi? maraming nakasaad sa bibliya na hindi naman natin sinusunod. Ikaw ba sigurado ka bang hindi ka makasalanan?
 
Last edited:
I mean dun naman sila masaya kaya hayaan nalang saka lahat naman ng bakla. na kilala ko mabait, mabait pa sa rehilyoso kong kapit bahay panay simba tuwing linggo, tuwing lunes hanggang sabado chismis atupag. Ngayon tatanongin kita bakit may mga taong panay simba pero masamang tao paden pag labas ng simbahan, Diba parang against din yun sa bibliya?
 
Last edited:
kahit sa inc , katoliko , at muslim naman marami parin bakla eh kung bakla sila problema na nila yun as long as wala silang ginagawa sa ating masama kung iniirita ka sa kanila kapag nakikita mo sila? pumikit ka kapag naaasawa ka kapag naririnig mo sila? takpan mo tenga mo wag mong kainggitan mga bakla kung alam mong higit ka sakanila wag mo sila pansinin kung alam mong mas nakakalamang ka.. wag mo ibalin sa ibang tao galit mo sa sarili mo kung naiinggit ka kasi sila nakakapaglantad maglantad ka rin walang masama diyan kaibigan..
 
Last edited:
Sasagutin ko muna yung pinakatanong. Simple lang. Dahil wala naman kasi talagang innate na koneksyon ang relihiyon sa gender ng tao.

Mayro'n tayong kanya-kanyang kasalanan. It would be hypocritical to deny that fact. Hindi pwedeng nagiging "Biblically righteous" lang tayo bigla kapag favorable sa 'tin. Ang totoong dapat na tinatanong ay sa dinami-dami ng kasalanan sa mundo ay bakit ang pagiging parte ng LGBT lang ang kasalanang pinakadinidiin lagi? Karamihan sa mga nakapatay at nagnakaw bakit kaya Kristiyano pa rin?

Tao lang din ang mga parte ng LGBT. Kung kasalanan nga talaga 'yon ayon sa Bibliya then it is their sin to bear. Wala sa atin ang karapatang humusga at i-discriminate sila tutal hindi naman natatapakan ang mga pagkatao natin. If you truly believe that their acts are sinful, then 'wag gayahin/gawin. It's really just that simple.

Isa pa, kasalanan din naman ang pagsisinungaling, pandaraya, panlalamang sa kapwa, pagnanakaw, pangongopya, pagiging inggitero/inggitera, pangungupit ng pera gaano man kaliit at kung ano-ano pa. Ultimo pangongopya sa klase at white lies ay ma-coconsider na sins kung tutuusin, hindi ba? Kung minsan mo na rin inisip na sana mamatay na lang si ganito o gan'yan ay maituturing na rin na kasalanan 'yon, hindi ba? Ngayon, ibabalik ko ang tanong. Kung kahit isa diyan sa mga kasalanang yan ay nagawa mo na, bakit Kristiyano ka pa rin?

"For whosoever shall keep the whole law, and yet offend in one point, he is guilty of all."

James 2:10 KJV


This is one of the verses that I've always taken note of. Galing na 'to mismo sa Bibliya. This verse should remind everyone who claims to be a firm believer of God and the Bible na 'wag masyadong self-righteous.
 
Last edited:
Kahit nung panahon na wala pang bibliya meron na talagang mga homoseksual na relhiyoso kaso yung paraan ng pagsamba nila masakit man sabihin pero hindi katangtanggap sa Diyos, kung pinagpapatuloy parin nila yung imoral na gawain at pamumuhay... at yun talaga ang hinahatulan ng Diyos.
 
Hindi lahat ng kautusan nasa ten commanment. Kadalasan na makikita mo ang pananaw ng Diyos sa isang bagay kapag nakita mo ang iniisip at ginagawa nya.. halimbawa ng paulanan nya ng apoy ang Sodoma at gomora, bakit ba nya ginawa yun? Kasi ang lunsod na yun ay napuno ng mga taong imoral at homoseksual kaya sa pangyayaring yung, malinaw na hindi katanggap tanggap sa Diyos ang masamang gawaing na yun.
 
Sinunog ng Diyos ang Sodoma at Gomora dahil sa mga kasalanan. At isa na dun ang homosexual.

Ito lang sakin,kung lalaki ka at asal babae PERO ang suot mo ay hindi pambabae at hindi nakilipagtalik sa lalaki, it is NOT a sin. Kasi yun talaga nature mo. JUST DONT WEAR ANY CLOTHINGS OF A GIRL at mas lalong IWASAN MO HOMOSEXUALITY.

Kung lalaki ka at asal babae, e ano magagawa namin kung ganun nature mo? Just be mindful lang sa limitations.
 
24. Kaya dahil gusto nilang sundin ang puso nila, pinabayaan na sila ng Diyos na gumawa ng karumihan at sa gayon ay mawalang-dangal ang katawan nila. 25 Pinili nila ang kasinungalingan sa halip na ang katotohanan tungkol sa Diyos, at sumamba sila at naglingkod sa nilalang sa halip na sa Maylalang, na dapat purihin magpakailanman. Amen. 26 Kaya pinabayaan na sila ng Diyos na magpadala sa kanilang kahiya-hiyang seksuwal na pagnanasa, dahil ang mga babae sa kanila ay gumawi nang salungat sa likas na pagkakadisenyo sa kanila; 27 at ayaw na ng mga lalaki na makipagtalik sa mga babae, kundi naging napakatindi ng pagnanasa nila sa kapuwa lalaki at gumagawa sila ng kalaswaan, kaya pinagbabayaran nila ang kasalanan nila
-Roma 1:24-27
 
Walang masama sa pagiging bakla at hindi din ako naniniwala sa biblia , ang tanong ko bakit may mga bakla pa rin na kristiano at bakit tinatanggap pa rin sila ng simbahan, ang kristianismo kasi naka base yan sa biblia di ba
 
Masamang bagay at gawa ang pagiging bakla , napaka linaw ang mga nakasaad sa biblia. Kahit anong rason at pagtanggi ng tao , masama ang pagiging bakla at tomboy etc. Against sa nature ng tao yun at kahit ng unang panahon , wala pa namang bakla etc. pinagbabawalan at mahigpit ang pagtuturo ng tao sa kanilang mga anak ,ngunit hindi nila nabigyan ng maayos na gabay kaya hanggang ngayong lumalaganap yan.
 
Mabigat na kasalanan kasi ang pagiging bakla o tomboy etc. Sobrang daming mali ang magagawa mo kung sakali man , sige isa isahin natin. Hindi lang naman ito sa pagkatao nila eh kundi sa kanilang pagkilos at pagiisip din. May mga lalaking malalambot ,may mga babaeng matitigas, pero kung hindi man nila tawagin ang sarili nilang bakla o tomboy dahil ganon ang pagkilos lang nila, yoon ang katanggap tanggap .

Ano nga ba ang posible na magawa ng mga bakla o tomboy na talagang mabigat na kasalanan ayon sa biblia?
1. Una, sa pagkatao mo, hindi mo sinusunod yung pag gawa sayo ng Dios. Nilalapastangan at para bang ikaw na ang may ari ng iyong buhay. Bakit? kasi lalaki ka ,babae ka. Bat mo gagawing iba ang iyong sarili ,nilikha kang lalaki ng Dios, may utos ba ang Dios na ikaw ay maging kadamdamin din ng isang babae?
2. Pangalawa, ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki at kapwa babae, ay malinaw na nakasaad sa biblia na may mabigat na kasalanan. Ito ay sobrang againts sa mga kautusan. Unang una ,hindi ka naman nakapagpaparami upang magtuloy ang tipan at maglilingkod sa Dios(mga anak ). Pangalawa , kalaswaan ,hindi man lahat ng mga bakla o tomboy, sabi nga sa taas mga posibleng magawa na may mabigat na kasalanan.
3. Hindi makakapasok ang isang bakla o tomboy sa kaharian ng Dios. Kung paanong hindi tinanggap ang lalaki sapagkat hindi siya nakapangdamit kasalanan, eh hindi siya pinapasok sa piging ng kasalanan. Ganoon rin yung diwa , lalaki at babae lamang ang binigyan ng karapatan upang makasama sa kaharian. (well kung bakla ka man dati o anuman , at nagbago kana ,to your original, masasama ka din naman sa mga lalaki at babae kung babaguhin mo ang iyong sarili).

Sobrang daming katwiran ang nasa biblia, bagamat ang pagiging bakla at tomboy etc. Ay may mabigat na kasalanan sapagkat may chance na hindi kana makapasok sa kaharian ng Dios. Dahil kung inyong iisipin sa ibang mga sekta ng relihiyon ng kristiano , kung saan maluwag ang mga kautusan para hindi sila masuway sa kanilang ginagawa ,doon sila umaanib, dahil pinahihintulutan ng ibang sekta ang mga bakla at tomboy sa kanilang samahan. Kung may nagkulang man sa paliwanag ko, sa susunod nalng.
 
[XX='leatexca, c: 730351, m: 1344322'][/XX]

I would like to reiterate what I've said. If their acts are truly sinful according to the Bible, then it is their sin to bear. Kung hindi sila makakaakyat sa kahariang sinasabi mo, e'di hindi. I am sure they are already aware of that in the same way na aware ang karamihan na kasalanan ang mandaya, magsinungaling at mangopya. Sa araw-araw at sa tagal-tagal na na-discriminate sila, I highly doubt na wala silang kahit katiting na idea tungkol diyan. I'm not trying to justify their acts. Ang akin lang pare-pareho tayong nagkakasala pero halatang-halata na laging mas pinagdidiinan ang acts ng LGBT. Bakit kaya? Apparently, mas madali kasi talagang sitahin ang isang kasalanan kapag hindi mismong iyo.

Tungkol sa sinasabi mong maraming kasalanan ang pwedeng magbunga kapag bakla/tomboy ka, sige, let's follow the same logic. Ang pangongopya ng sagot sa kaklase ay ma-coconsider din na pagnanakaw in a way sapagka't hindi naman totoong galing sa iyo ang sagot, hindi ba? Nakikinabang ang nangopya mula sa tamang sagot ng pinagkopyahan nito kahit hindi naman pinaghirapan. Ang pagsisinungaling ay ma-coconsider din na form ng pagnanakaw dahil ninakawan mo ng karapatan ang isang tao na malaman ang katotohanan, don't you agree? Ngayon, hindi ba kasama ang utos na wag magnakaw sa ten commandments? Pero bakit nga ba hindi normalized ang pagsasabi na "hala nangopya/nagsinungaling ka hindi ka na aakyat sa kaharian ng Diyos" e form din naman ng pagnanakaw 'yon? Don't you think na kaya gano'n kasi common masyado as in halos lahat (if not all) ay ginagawa ang mga kasalanang 'yon kaya nagmumukhang "light" kaya ang tingin ay mapapatawad pa?

“Why do you look at the speck of sawdust in your brother’s eye and pay no attention to the plank in your own eye? How can you say to your brother, ‘Let me take the speck out of your eye,’ when all the time there is a plank in your own eye? You hypocrite, first take the plank out of your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye."

Matthew 7:3‭-‬5 NIV


Wasn't this verse in the Bible too? Uulitin ko for the third time. Kung kasalanan nga man talaga 'yon, the sin is theirs to bear. I will let God be the judge. Hindi ko pipilitin ang isang paniniwala at hindi ko gagamitin ang Diyos upang pagtakpan ang diskriminasyon. Instead na paulit-ulit pinapamukha sa kanila na hindi sila aakyat sa langit o kung saan mang kaharian ay rerespetuhin ko na lamang sila bilang tao. After all, sino ba ako para magdesisyon at magtimbang ng bigat ng kasalanan ng iba? :)
 
[XX='leatexca, c: 730264, m: 1344322'][/XX] that is not the problem of Catholicism alone. Kahit hindi naman sa Katoliko, maraming gano'n. Hindi nga lang literal na simbahan at pagsimba ang terms sa ibang relihiyon.
 
Kahit pa araw araw ka magbasa ng bibliya o kahit anong aklat pa yan, kung nakakaisip kaparin ng masama, makasalanan kaparin... mas mabuti paring humingi araw araw ng kapatawaran sa taas kesa ginagawa mo ng comics ang bibliya
 

Similar threads

Back
Top